• 5 years ago
“Binabaril kami talaga kapag nasa laot kami. Binabantayan kami tuwing magroronda kami doon o [mangingisda] kami. Tinatakot talaga kami na puputukan.”


Ito ang paglalarawan ni Ka Dodoy sa kanilang sitwasyon nang manindigang pangalagaan ang mga bakawan.


Si Ka Dodoy Ballon ang nag-iisang Ramon Magsaysay awardee sa Pilipinas ngayong taon dahil sa kanyang mangrove restoration advocacy sa Zamboanga Sibugay kung saan halos nakakalbo na ang mga bakawan.


Ayon sa International Union for Conservation of Nature, 35% ng mangrove forest o bakawan sa mundo ang wala na kaya naman ang mga tulad ni Ka Dodoy, buhay ang itataya para mapalago muli ang mga ito.


Bakit nga ba ganoon na lang ang sakripisyo ni Ka Dodoy? Alamin sa “The Mangrove Planter,” dokumentaryo ni Abby Espiritu at unang bahagi ng #GENERATIONRESTORATION, isang digital documentary series ng Stand for Truth.

Category

🗞
News

Recommended