00:00Mga kapuso, maulap at maulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa kahit walang bagyo o sama ng panahon.
00:10Base po sa datos ng Metro Weather, may mga pagulan bukas sa ilang lugar sa Northern Luzon, Aurora,
00:16Mimaropa, Bicol Region, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, lalo na po sa hapon at gabi.
00:23May matitinding ulan na posibleng magdulot ng baha o landslide.
00:28Gaya ng nangyare sa Coronadal City sa South Cotabato kung saan kabi-kabilang pagguho ang naitala.
00:34Kwento ng mga residente, e posibleng lumambot ang lupa sa kanilang lugar
00:39dahil sa ilang araw na mga pag-ulan dulot ng thunderstorms.
00:44Sa inilabas namang heavy rainfall outlook ng pag-asa,
00:47posibleng magpatuloy ang malalakas na buhos ng ulan
00:51dahil sa shear line sa Bicol Region, Romblon, Aklan, Biliran at Samar Provinces.
00:57Magiging maalo naman at delikado pumalao sa northern seaboards ng Northern Luzon.
01:03Samantala sa mga hahahabol sa Misa ngayong gabi sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno
01:10o Quiapo Church, posible paring maging maulap at hindi paring inaalis ang tsansa ng panandali ang ulan.
01:17Halos ganyan din ang inaasahang panahon bukas sa Metro Manila.