00:00Samantala, patok ngayon ang iba't-ibang Pope Francis souvenir sa Rome, Italy.
00:06Mabentang-mabenta po ang mga ito, lalo sa mga turista na dumarayo roon para masilayan sa huling sandali ang labi ng Santo Papa sa Vatican City.
00:14Ilan po sa mga mapagpipili ang souvenir ay ang mga rosaryo na may imahe ni Pope Francis,
00:20mga prayer cards, mga figurine o maliliit na rebulto kahit mga kalendaryo at iba pa.
00:27Paglilinaw po ng isang shop owner, steady lamang ang bintahan o hindi naman daw biglang tumaas ang demand sa mga Pope Francis souvenir matapos siyang pumanaw.