00:00Sa huling pagkakataon ay magsisilbi ang makasaysayang BRP Miguel Malvar.
00:05At sa pagkakataon ito, gagamitin po ang barko sa isa sa mga exercise sa Balikatan 2025.
00:12Kung paano, alamin sa ulat ni Patrick Lehasis.
00:17Ito ang PS-19 o ang dating BRP Miguel Malvar na gagawing target at palulubogin sa maritime strike exercise ng Balikatan 2025.
00:27Isa itong World War II ship ng US Navy noong 1940s at nakapagservisyo rin sa Republic of Vietnam Navy bago ito ay tinurn over sa Philippine Navy noong 1970s.
00:40Noong 2021 nang i-decommission o magretiro ang dating BRP Miguel Malvar na itinuturing na most decorated warship ng ating Navy.
00:49Ilang buwan bago ang decommissioning sa naturang barko, naging bahagi pa ito ng malalaking misyon.
00:54Gaya ng pag-iit ng karapatan na Pilipinas sa isang insidente sa Whitsun Reef sa West Philippine Sea.
01:01Si Philippine Navy spokesperson Captain John Percy Alcos, ang huling kapitan o commanding officer ng dating BRP Miguel Malvar.
01:10Aminado si Alcos na malungkot na gagawing target sa Balikatan ang dating BRP Miguel Malvar na may malalim na kasaysayan.
01:18Pero maituturing naman anya ito na simbolik at pagpapakita ng pagiging moderno ngayon ng Philippine Navy.
01:26Lalo't kamakailan lang ay dumating na rin ang pinakabagong corvette na binili sa South Korea at tatawagin bilang bagong BRP Miguel Malvar.
01:34This will signal a new chapter for the Philippine Navy. Now that we have the FFG-6 as BRP Miguel Malvar,
01:44then this SINCEX would be the transition from the old Navy to a more credible and modern Navy that we have now.
01:53Lahat kami siyempre malungkot. Pero just like anything progressivo, we have to let go of the past.
02:00That doesn't mean that we have to forget the past, but we have to move on. We now have a modern Navy.
02:07Inaasahan na rin ang kasunod na pagdating sa Pilipinas ng sister ship ng bagong BRP Miguel Malvar na BRP Diego Silang na parehong state-of-the-art warships.
02:18We aim to achieve a certain level of credible defense posture with acquisition of these ships.
02:25And hopefully in the next few years with the delivery of the OPVs and several other platforms for the Philippine Navy,
02:36we will finally achieve a finally being a modern and credible Navy that our maritime nation can truly be proud of.
02:45Sa Sambales, isasagawa ang maritime strike na isa sa mga highlights ng Baligatan 2025
02:50at muling papuputokin ang Seastar anti-ship cruise missile na unang ginawa noong nakaraang taon.
02:57Patrick De Jesus para sa Pambatsod TV sa Bagong Pilipinas.