00:00Nananawagan ng mga magsasaka na pag-aralan pa ng pamahalaan ng Rice Tarification Law
00:05na makatutulong para mas maging efektibo ang programang 20 pesos sa bigas.
00:10Ang detalye sa Balitang Pambansa ni Velco Studio ng PTV.
00:17Naghayad na mungkahi ang mga grupo ng mga magsasaka
00:20para maging mas efektibo ang pagpapatupad ng 20 bigas mayroon na program ng pamahalaan.
00:25Ayon sa mga magsasaka, hindi lang dapat umasa sa subsibdian ng gobyerno ang pagpapatupad ng 20 peso kada kilong bigas.
00:33Dapat din ang paigtingin ng suportang ibinibigay sa mga magsasaka.
00:37Isa sa hiling nila ay pag-aralan na pagpapatupad ng Rice Tarification Law.
00:41At para umayos yan, nang tingin ko you need to review the Rice Tarification Law, you need to review the powers of the NFA.
00:50Kung gusto mong bigyan talaga ng mora yung nagihikaos?
00:53Kung babalikan, napipigilan ng nasabing batas ang direktang pagbibenta ng NFA sa merkado,
00:58kaya limitado lang sa kadiwa at lokal na pamahalaan ang daluyan ng pagbibenta ng bigas ng National Food Authority.
01:05Isa pang mungkahi nila ay bigyang toon ang insurance sa mga magsasaka para mas mabilis ang recovery sa panahon ng kalamidad.
01:12Dahil agroclimatic tayo, hindi na umagbabago yan. 19 to 20 typhoons with vicious and different intensity.
01:19Anong kailangan ng mga farmers to continue farming? Insurance!
01:22Patuloy rin ang pagpapalakas ang pamahalaan sa makinarya para sa mga magsasaka,
01:27kagaya ng Solar Powered Irrigation System at ang Command Center ng Department of Agriculture
01:31na target na maging operationalize sa ikatlong kwarter ng taon.
01:35Ito ay para mamonitor ang datos at mga supply ng mga produktong agrikultura.
01:40Hiling pa ng mga magsasaka na silipin ang pamahalaan ng mga nagmamanipula sa presyo ng palay.
01:45Sistema pong nakikinabang talaga dito ay yung mga palay trader na nasa gitna na namimili ng 15 pesos
01:52at binibenta naman po nila sa NFA ng 24 pesos.
01:56Kauglay nito, patuloy namang tinututukan ng administrasyon ang implementasyon ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
02:03Mula sa People's Television Network, VEL Custodio para sa Balitang Pambansa.