00:00Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na narisolba agad at walang dagdagbawa sa bilang ng mga boto,
00:07kasunod yan ang nangyaring duplication ng mga boto kagabi.
00:11Nilinaw rin ng COMELEC na hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.
00:15Si Luisa Irispe ng PTV sa Balitang Pambansa Live.
00:20Luisa.
00:21Alan, may ilang transparency server ang biglang nagbago ng kanilang talid partial and unofficial results kanilang madaling araw.
00:30Pero paliwanag ng Commission on Elections, walang dayaan at walang dagdagbawas na nangyari sa mga resulta ng boto.
00:39Ayon kay COMELEC Chairman George Irwin Garcia, kaya biglang nagbago ng bilang dahil tinawagan nila ang ilang naglalabas ng partial and unofficial results
00:47dahil may mali umano at hindi nalinis ang inilalabas nilang tali.
00:52Gate ni Garcia na dodoble kasi ang bilang ng boto sa ilang kandidato
00:56dahil umuulit ang pagdala ng election results ng ilang presinto.
01:01Halimbawa, sa unang transmission ay isa hanggang sampu lang ang presintong naipadala.
01:06At after 15 minutes, muling may pumasok na election results na mula naman sa isa hanggang 20 presinto.
01:13Kailangan paumanong linisin ang natatanggap na election results sa server para hindi dumoble ang bilang.
01:19Kaya kagabi, tinawagan nila ang mga mali ang partial and unofficial results at ipinabago nila ito.
01:25Gate ng COMELEC malinaw na walang dagdagbawas kundi kailangan lang ang program para malinis at accurate ang election results.
01:34As of 8am naman, 98.59% na ang pumasok na election results sa kanilang server.
01:41Paliwanag din ang COMELEC, hindi sa kanila nang gagaling ang tali o ang sum ng mga partial and unofficial results,
01:48kundi sa mga citizens arm, political parties, media servers at iba pang tumatanggap ng server
01:53dahil ang COMELEC, canvas results o opisyal na tali lang ang pwede nilang ilabas.
01:58Sa ngayon naman, nagsimula na ang canvassing sa 10th City sa Manila Hotel.
02:02May tatlo nang na-canvas at ito ay mga boto mula sa local absentee voting, Ifugao at Baguio.
02:09Pansamantala munang suspendido ang canvassing ngayong tanghali at magbabalik ito mamayang 1.30 ng hapon
02:15para mag-canvas ng 27 pang certificates of canvas ng hanggang mamayang gabi.
02:21Alan, ayon naman sa Commission on Elections, posibleng sa Sabado ay pinakamaagang proklamasyon para sa national candidates
02:29kapag agad nilang natapos ang mga pagka-canvas ng certificates of canvas o COC.
02:35Ayon naman sa COMELEC, bago sila mag-proklama ng mga nanalo,
02:39sisiguraduhin muna nilang 100% ang kanilang mga na-canvas na mga COCs.
02:45Alan.
02:45Maraming salamat, Luisa Irispe.