00:00Hidiling ng isang animal welfare group sa Marikina LGU na ipasara ang isang dog training facility doon.
00:07Yan ay matapos mamatay habang nasa pangangalaga ng pasilidad ang dalawang aso.
00:12May report si Katrina Son.
00:15Viral ngayon ang social media posts ng fur parents na sina Carla at Sandy
00:20kung saan sinabi nilang namatay ang kanilang mga alagang aso
00:23habang nasa pangangalaga ng isang dog training facility.
00:27February nang ipatrain ni Carla ang kanyang mga alaga.
00:31March naman ang sa dalawang standard poodle ni Sandy.
00:44Dalawang buwan ang dog obedience training.
00:47Kailangan daw iwan sa training facility ang mga alaga.
00:50Pwede silang dalawin isang beses kada linggo.
00:53Noong una, nag-a-update sa kanila ang may-ari ng facility.
00:57Kalaunan, nahirapan na silang makahingit ng impormasyon.
01:01Hanggang?
01:02Nalaman lang po namin, naka-two weeks na po siguro.
01:05Doon po namin nalaman na nilipat niya po yung aso namin sa Los Baños
01:09nang hindi po sa amin sinasabi.
01:11Ang training hanggang April 20 lang dapat sa mga aso ni Carla
01:15at hanggang May 6 ang kay Sandy.
01:18Pero panayraw ang hiling ng extension ng may-ari ng pasilidad.
01:22Pinuntahan din daw ng may-ari ng pasilidad si Sandy.
01:25Sinabi sa kanya na patay na ang isa sa kanyang alaga.
01:29Sinanong po namin siya na bakit ngayon mo lang sinabi
01:33ilang days na pala patay, hindi wala siyang masabi na
01:36Hindi niya po masagot.
01:37Rason, puro sorry lang po yung sinasabi niya.
01:39Sorry lang po ma'am, yung tao po, yung tao ko po kasi
01:42ganun lang lagi niyang sinasabi.
01:43Nilibing na po namin ng tauhan ko po yung mga aso
01:48kasi takot na takot daw po siya, hindi niya daw po alam kung anong gagawin.
01:52Nalaman din ni Carla na namatay ang isa rin sa mga alaga niya.
01:55Pumunta po siya sa bahay at sinabi po niya yun noong May 17 na po
02:01and then sinasabi niya po na May 12 daw po namatay yung aso.
02:05Namatay raw sila sa heat stroke.
02:07Pero hindi naniwala si na Carla at Sandy.
02:10Hindi po siya mukhang heat stroke kasi madugo po yung ulo,
02:14wala na siyang snout, hindi mo na makita yung ulo ng aso.
02:18Kinonde na ng Philippine Animal Welfare Society opos
02:21ang sinapit ng mga aso.
02:23Ito pang mga actual acts of torture or cruelty,
02:27they are already additional violations
02:29and we are in touch with the owner of the dog.
02:32We are trying to convince her to submit the affidavit as soon as possible
02:37so that we can file the charges.
02:39Ayon sa Animal Kingdom Foundation o AKF,
02:43may tuturing na red flag kung pinapaiwan ang mga asong tinitrain.
02:47Dapat daw kasama ang owner
02:49para alam mismo kung paano i-execute ang mga command.
02:52Masakit din po.
02:54I think when we heard about the narrative,
02:57kung paano nangyari yun,
02:58mas shocking ano.
03:01Kasi hindi siya basta-basta ang facility,
03:05it's an animal facility actually.
03:06It's a training facility.
03:08Nakausap daw ng POS ang Bureau of Animal Industry
03:11na saklaw ang mga pet training facility
03:14at nadiskubre nila.
03:15Hindi sina-registered with the Bureau of Animal Industry
03:19so technically they are already in violation of the Animal Welfare Act.
03:23Dahil dito,
03:25hiniling ng POS sa Marikina LGU
03:27na agad ipasara ang naturang facility.
03:30Planong maghain ng reklamo
03:31si na Carla at Sandy
03:33kaugnay sa sinapit ng kanilang mga alaga.
03:36Sinubukan naming kuhanin ang panig ng training facility
03:39pero sarado ito
03:40at hindi rin sinasagot ang aming tawag.
03:44Katrina Son,
03:45nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:49Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
03:52Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.