Skip to playerSkip to main content
Pinapalitan na ang mga XRAY machine sa mga istasyon ng MRT para mapabilis ang pagpasok ng mga pasahero. Inaasahan kasing mas marami ang tatangkilik sa MRT, kapag nasimula na ang pagsasaayos sa EDSA sa June 13. May report si Joseph Morong.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinapalitan na ang mga X-ray machines sa mga estasyon ng MRT para mapabilis ang pagpasok ng mga pasahero.
00:08Inaasahan kasing mas marami ang tatangkilik sa MRT kapag nagsimula na ang pagsasayo sa EDSA sa June 13.
00:15May report si Joseph Moro.
00:19Kada araw, mahigit 370,000 na mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3.
00:25Idinadaan ang kanilang mga gamit sa X-ray machine para ma-inspeksyon.
00:28At ito raw ay bahagyang ng kakadelay sa kanilang pagpasok sa station platform.
00:36Layon niyang bawasan ang Transportation Department.
00:39Lalo't ang MRT ang isa sa mga asahan nilang aalalay sa mga pasahero kapag nagsimula na ang EDSA rebuilding sa June 13.
00:47Nasasabay rin sa pagbubukas ng klases sa June 16.
00:49Yung mga misasakyan na nanggagaling sa Magayo, pwede sila magpark sa mga magapit sa mga stasyon ng tren and magtetren sila o magbubus sila.
01:02Ayaw na raw ng DOTR ang mga eksenang gaya nito na umaabot na sa hagdanan ng istasyon ng pila.
01:09At umaabot sa halos isa't kalahating oras ang paghihintay ng mga pasahero.
01:13Pag titiyak nilang madadagdagan ang mga tren ng tatlo tuwing peak hours mula sa kasalukuyang 20.
01:23Pero may agam-agam ang ilang commuters sa pag-alis sa mga x-ray.
01:36Ang solusyon ng DOTR...
01:38Nag-increase tayo ng visibility ng Coast Guard and other enforcement visibility na medyo kamukha sa ibang bansa.
01:48Ang mga barel, maraki, mahahaba para deterrent.
01:51Kasi yun ang nakita natin sa ibang bansa ginagawa.
01:54Sa halip ng mga x-rays, mga ganitong metal detector na lamang at yung mga bomb sniffing dogs
01:59ang ipapalit ng DOTR na pang-security measure sa mga MRT stations sa susunod na linggo ito raw
02:06ay para mas mabilis yung pagpasok ng mga pasahero.
02:11Babaklasin na rin at aayusi ng signage sa stasyon na ito na napulaan kamakailan sa social media.
02:16Hindi raw kasi ito mabasa dahil sa kulay at disenyo.
02:20Itinutulak din ng DOTR na agahan ng kahit 30 minuto ang pagbubukas ng MRT sa pagsisimula ng EDSA rebuild.
02:27Sa gabi kasi medyo sagad na tayo na halos 11 o'clock na nagsasara ang MRT-3
02:33and kailangan ng maintenance time.
02:36Pinipigit natin ngayon na from 4.30am ang pagumpisa, gagawin natin 4am.
02:44Pinipigit ko pa yun sa ating maintenance operator.
02:48Samantala, naglabas na ng listahan ng alternate routes ng MMDA
02:51para sa mga maapektuhan ng EDSA rebuild project.
02:55Makikita ito sa kanilang official pages.
02:58Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended