00:00Pinaputokan ng mga polis ang isang pickup truck na nang-araro ng mga nakaparadang tricycle sa Naik sa Cavite.
00:09Tinangka kasing tumakas ng senior citizen na driver patagpagkatapos makabanga na ikinasugat ng dalawang tao.
00:16Nakatutok si Jonathan Andal.
00:19Exclusive!
00:20Maaksyon ang pagpigil ng polis na ito sa isang tumatakas na pickup truck na nanagasa sa Naik, Cavite.
00:34Kagabi, pasado alas 7.30, humaharurot ang pickup truck na ito at sumalpok sa mga nakaparadang tricycle.
00:40Pero sa halip na tumigil, umatras pa ito at tila tatakas.
00:44Ang hindi niya alam, narinig ito ng mga polis na tsyempong kumakain noon sa kalapit na karindirya.
00:51Agad tinutokan ng polis ang pickup.
00:54Pero hindi ito huminto, kaya pinaputokan na ang gulong.
00:58Dito na mapapansin may sakay pala itong lalaki sa likod.
01:01Muling umatras ang pickup pero pumaikot at bumanga ulit.
01:06Sunod, umabanti ito, kaya binaril ulit ng polis.
01:09Dito na tuluyang huminto ang pickup at pinababa ng polis ang lahat ng limang sakay.
01:14Oo, kinuusap ko mismo.
01:15Sabi niya, sir, nakainom kami.
01:19Hindi lang nakainom, kundi lasing talaga.
01:24Arestado ang driver na isang senior citizen, 62 years old, taga Ternate at nagpakilalang mechanical engineer.
01:31Sasagutin daw niya ang pagpapaayos sa nasira niyang limang tricycle at sa gastos sa ospital ng mag-asawang sugatan na sakay noon ng tricycle na tinumbok ng pickup.
01:40Yung lalaki, dito po, parang, kasi yung driver, naipit siya.
01:45Tapos yung asawa niya, parang dito sa hips.
01:51Nadalam naman kaagad sa ospital.
01:53Sa lunes, bibigyang parangal ng Cavite Police Provincial Office ang dalawang polis na mabilis rumisponde sa insidente.
02:02Sina Police Chief Master Sergeant Wilde Patron at Patrolman Jomar Felix,
02:07mga miyembro ng Cavite Provincial Mobile Force Company na nakaduty sa naik para sa Comelec Checkpoint simula pa noong eleksyon.
02:13Ang polis dapat talaga, nasa labas talaga.
02:17Kasi kung hindi na-respond yan or hindi na-actuan na ano yun, mas may damage pa na pwedeng mangyari.
02:24Kanina sinampahan na sa piskalya ang senior citizen na driver ng mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries
02:31at damage to properties, resistance and disobedience to person in authority at deriving under the influence of alcohol.
02:38Mula na i-Cavite para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.