00:00Sa ating Government in Action, DSWD, nagsagawa ng validation sa mga senior citizen na posibleng maging beneficiaryo ng social pension sa Batangas
00:09at mga magsasaka at mangingisda sa Pampanga, nakatanggap ng tulong mula sa Agriculture Department.
00:17May report si Jeremy Piscano. Rise and shine, Jeremy.
00:20Aabot sa mahigit 280 senior citizens sa Santo Tomas, Batangas, ang sumailalim sa validation ng Department of Social Welfare and Development.
00:31Dito'y tinutukoy ng kagawaran ng kanilang estado sa buhay, kalagayan ng kalusugan at mga natatanggap na suporta mula sa kaanak.
00:39Sila ang mga senior citizen na kabilang sa mga potensyal na maging beneficiaryo ng social pension for indigent senior citizens.
00:46Papalo naman sa 153 million pesos na halaga ng mga makinarim pansaka ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa San Fernando, Pampanga.
00:57Ito'y bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga magsasaka at mangingisda na tiyakinang sapat na pagkain para sa mga Pilipino.
01:05Mahigit 120 magsasaka at kooperatiba rin ang nakatanggap ng tulong mula sa iba't ibang banner program ng kagawaran.
01:13Kabilang sa mga pinamahagi ang hand tractor, four-wheel tractor, multi-cultivator, shallow tube well, hauling truck at combine harvester.
01:23Jeremy Piscano para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.