00:00Ata't a health department at otock a national public health emergency
00:04on human immunodeficiency virus.
00:08Ayan sa DOH,
00:10nakababahala na rin kasi ang biglaang pagdami at
00:12pabata ng pabata pa
00:15ang nadaragdag sa mga kaso ng HIV.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:22Mula 21 new cases ng HIV kada araw noong 2014,
00:27Dumobli yan sa 48 new cases kada araw noong 2024.
00:32Pero nitong Enero hanggang Abril ng 2025, umabot na sa 56 kada araw ang naitatalang mga bagong kaso ng HIV.
00:40Base yan sa pinakahuling tala ng Department of Health.
00:42Ang nakaka-alarma ayon sa DOH, pabata ng pabata ang nagpopositibo sa naturang sakit.
00:48May 500% increase daw ng HIV cases sa mga edad 15 hanggang 25.
00:54Sa datos natin, tayo na ang pinakamataas na new cases dito sa Western Pacific Region.
01:02Dahil dyan, pinag-aaralan na ng DOH na ideklarang public health emergency ang HIV.
01:07Maganda magkaroon tayo ng public health emergency, national emergency for HIV, dahil magtutulong-tulong ang buong lipunan.
01:16Sana noon pa, sabi ni Kael Mata, HIV positive at HIV community organizer.
01:21Hanggang ngayon daw kasi, kulang sa suporta ang maraming local government unit sa mga HIV program.
01:27Pag ito ay na-declare as a national emergency, I think mau obliga na yung mga LGUs na gumawa ng mas komprehensibong programa.
01:38Sa datos ng DOH, karamihan sa mga bagong HIV cases ay mga lalaki at sila'y nag-HIV mula sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
01:46Maaaring ito raw ay dahil pinadali ng social media, dating apps at chat rooms ang pakikipag-meet-up para sa sex.
01:53There is nothing wrong with sexual contact if you do it safely, kung meron kang protection, barrier protection.
01:59Pero sabi ni Mata, hindi mga dating app at chat room ang problema, kundi access ng kabataan sa proteksyon tulad ng kondom.
02:06Sa buong Pilipinas, I can say is the total numbers of HIV cases among youth ay 33% sa kabuang total.
02:15Mga kabataan, if they go to health center, they ask, pwede mo makingi ng kondom?
02:19Ang sagot sa kanila, saan mo gagamitin? Bakit mo kailangan?
02:23Dapat mapadali rin daw ang access sa HIV treatment hubs at testing facilities.
02:27Kaya malaking tulong ang QR code na ito na nagbibigay ng directory ng mga HIV treatment hubs at testing facilities sa buong bansa.
02:35Maaaring itanong yan sa inyong health centers.
02:38Maliban sa mga pampublikong ospital at health center, meron din mga pribadong ospital at non-government organizations.
02:45Giit ni DOH spokesperson Albert Domingo, bukas ang testing kahit sa minor de edad na walang parental consent.
02:52Libre ang testing at libre ang anti-retroviral na gamot.
02:55HIV is not a death sentence.
02:59Hinahawig nga namin yan parang high blood.
03:00Is it the end of your life? No, it's not.
03:02You just have to take maintenance.
03:04PhilHealth even has an HIV package.
03:07Pero sabi ng DOH, dapat huwag nang paabutin sa gamutan.
03:10Maliban sa kondom, may mga bagong gamot na tulad ng PrEP o pre-exposure prophylaxis
03:15na iniinom para pigilan ng HIV kung nakikipagtalik ng walang proteksyon.
03:19Para sa GMA Integrated News, Makipulido Nakatutok, 24 Oras.
03:25Supposed to be AMY Speed smart tra kondom, may mga be mining.
03:36Map性 tengahja matести наконец.
03:38Praagipulido nakaki otaku that vide riva kondom sopital exchanging po têmurde man iri liga liga dvide ke Keys nosona.