00:00Para kay impeachment prosecutor at one-rider party's representative Roj Gutierrez,
00:04hindi sapat ang iminungkahing panahon ni Sen. Francis Tolentino para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:11Ayon kay Gutierrez, kulang pa ang dalawang araw na inilaan ni Tolentino para sa presentation ng 7 Articles of Impeachment laban sa vice.
00:19Hindi raw sila papayag na gawin na lang dalawa ang Articles of Impeachment para lang sumapat ang oras.
00:24Kung hindi naman matatapos sa kasalukuyang kongreso ang impeachment trial, maninindigan si Gutierrez na pwede itong tumawid sa 20th Congress.
00:33Sa ngayon, tuloy-tuloy raw ang paghahanda ng House Prosecution Team sa presentasyon ng Articles of Impeachment sa Merkoles, June 11.
00:54The impeachment can cross over to the 20th Congress.