00:00Asahan na ang maayos na supply ng kuryente sa Sikihur.
00:04Dumating na kasi sa probinsya agonang batch ng ipinangakong power generator sets ng pamalaan.
00:12Bukod sa kuryente, ay tinututukan din ang supply ng tubig sa lugar.
00:18Ang sentro ng balitang yan, mula kay Kenneth Apasyente, live!
00:22Yes, Aljo, agarang aksyon ang ginawa ng pamahalaan ukol sa problema sa kuryente sa Sikihur Islands.
00:31Yan ay matapos ang personal na pagbisita doon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kamakailan.
00:39Kasunod ng direktiba ng Pangulo Aljo, dumating na sa probinsya ang unang batch ng ipinangakong power generator sets ng pamahalaan.
00:45May kapasidad itong aabot sa 1 megawatt na malaking tulong para kahit paano ay maibsan ang problema sa supply ng kuryente sa lugar.
00:56Nitong June 11, 2025, ay personal na binisita ng Pangulo ang Sikihur at taramdaman niya ang hirap ng mga residente rito
01:04dahil sa kakulangan ng power supply na nagiging sanhi ng malawakang brownouts sa lugar.
01:10At dahil kulang sa power supply, problema na rin ang supply ng tubig.
01:14Sino ba ang hindi madidismaya?
01:19Ngayong gabi naman, Aljo, inaasahang darating ang dalawa pang 2 megawatt genset mula sa Palawan
01:24at target na ma-install at mapagana ito sa loob ng 48 hours.
01:31Ano ang direktiba ni Pangulong Marcos, Jr.?
01:34Dapat makumpleto ang installation at commissioning nito bago sumapit ang June 15
01:39upang maabot ang buong kapasidad ng supply ng kuryente para sa mga tahanan at kabuhayan sa isla.
01:45Bukod sa kuryente, tinugunan na rin ng pamahalaan sa pahungunan ng Local Water Utilities Administration Oluwa
01:53ang problema sa tubig sa lugar.
01:55Ayos sa ahensya, nakipag-ugnayan na raw sila sa mga water district para matiyak
02:00na makapagbibigay ng tubig sa mga residente roon.
02:03They have already agreed that they will lend water lorry, a water lorry, and a genset.
02:12Dadali na yun sa Sikihor Island.
02:14Note that we also have identified a water source para pagkukuna ng tubig ng water lorry na yun.
02:21And the genset na ipapadala dun is only for water operations.
02:25So iba patunod sa pinadala ng NEA and iba pang relief gensets dun.
02:30Malugod ding ibinalita ng luwa na may supply na ng tubig ang dalawang eskwelahan sa Malolos, Bulacan
02:38matapos ang direktiba ng Pangulo na tugunan nito.
02:41Tinutugunan na rin daw sa ngayon ang problema sa tubig ng isang eskwelahan sa San Miguel, Bulacan.
02:49Ang issue naman po dun ay hindi siya konektado dun sa main distribution line ng water district.
02:55Apparently, nasa isang deep well lang po na oversaturated na ng demand.
03:00Ang nangyari po ngayon, right now, kinukumpuni at para malagay na mismo sa distribution line ng water district
03:08to ensure that there is enough pressure for water to flow effectively para naman sa tamang sanitation saka needs ng mga estudyante.
03:17Aljo, ibinahagi naman ng luwa na ongoing yung ginagawa nilang investigasyon
03:23patungkol sa mga issue na bumabalot sa prime water at asahan ng araw,
03:27ang resulta niyan sa mga susunod na araw.
03:30At yan na muna ang latest, balik sa iyo, Aljo.
03:32Maraminga salamat kenetha paciente.