Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong video.]


Nabangga, kinaladkad at pumailalim sa tricycle ang 3-taong-gulang na batang babae sa Maynila. Kailangan siyang operahan dahil sa matinding pinsala sa ulo at pagdurugo ng kaniyang atay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nabanggana kaladkad at pumailalim sa tricycle.
00:04Ang tatlong taong gulang na batang babae sa Maynila.
00:08Kailangan siyang operahan dahil sa matinding pinsala sa ulo at pagdurugo ng kanyang atay.
00:14Sensitibo po ang nahulikam na disgrasya sa pagtutok ni Ian Cruz.
00:19Makikita sa CCTV video ang mga batang naglalaro sa gilid ng Felix Huerta Street sa Santa Cruz, Maynila mag-aalas 4 ng hapon itong Webes.
00:32Humiwalay ang isang batang lalaki sa grupo na agad sinunda ng isang batang babae hanggang sa dumating ang isang tricycle.
00:39Biglang nag-break ang tricycle, tumumba at nahagip ang bata at naipit sa ilalim ng sasakyan.
00:47Naglabasa ng mga pasahero nito.
00:49Nagtulungan ang mga tao na iangat ang tricycle na dumagan sa bata.
00:53Agad siyang isinakay sa tricycle at isinugod sa ospital ng kanyang mga kaanak.
00:59Ang rider ng tricycle makikita pa sa video na napadapa dahil sa panlulumo sa insidente.
01:05Ayon sa mga taga-barangay, napagbuhatan din siya ng kamay ng mga bystander.
01:09Agad dumating ang chairman ng barangay 336 at pinasecure ang rider.
01:13Patuloy na ginagamot sa ospital ang bata na tatlong taong gulang lang.
01:16May mga krakrak po kasi yung ulo niya eh.
01:19Yung tinahipo yung ulo niya, kita na po kasi yung pinakabungo sa halos dito po.
01:25May pagdurugo daw po sa loob ng atay niya eh.
01:30Patuloy na inobserbahan ang bata na malamang daw ay ilipat sa ICU.
01:34Ayon sa kanyang ina, sa gilid ng Felix Huerta Street na sakop ng katabing barangay 341, nakatira ang biktima.
01:52Naulila na sa ama at may isang kapatid na kanyang sinundan bagong aksidente.
01:57Bukod sa batang babae, nagtamo ng minor injuries ang tatlong sakay ng tricycle.
02:01Parating busy at maraming dumaraan na sasakyan dito sa kahabaan ng Felix Huerta Street dito sa Santa Cruz, Maynila.
02:09Kaya naman umiisip daw ngayon ang pamamaraan ng mga tagbarangay para hindi na maulit ang aksidente.
02:14Siguro po mas maganda po yung pag-usapan namin sa HAMS po.
02:18Para merong minor po kung ano man sasakyan po yung dadaan doon.
02:23Iniimbestigahan ng Manila Police District ang insidente,
02:26pero nagkaroon daw ng pansamantalang kasunduan sa pagitan ng pamilya ng biktima at rider.
02:30Kung sakali naman na hindi tutupad itong driver ng tricycle na ito,
02:35may pag-aarap siya ng kaukulang reklamo dito sa tanggapan ng taga-usig sa lunsod ng Maynila.
02:39Sa ngayon, hindi rin ma-contact ng nanay ng biktima ang rider.
02:43Kung sakali mo po hindi nila matupad, yung pinangako nila sa akin, ora mismo po ipakukulo ko siya.
02:49Sinikan ng Jem Integrated News na makuha ang panig ng rider,
02:52pero sabi ng kanyang misis na nakausap namin sa telepono,
02:56abala sa paghahanap ng dugo para sa operasyon ng bata ang kanyang mister.
02:59Para sa Jem Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.

Recommended