00:00Pinag-iingat ng ating embahada ang mga Pilipinong nasa Israel at Iran.
00:04Kasunod yan ang malawakang opensiba ng Israel sa Iran at ang napipintong pagganti ng huli.
00:10Nakatutok si JP Soriano.
00:16Makapal na usok ang bumalot sa Kermansha Base sa Iran kasunod ng malawakang opensiba ng Israel.
00:22Ang target, mga nuclear facility, pabrika ng mga ballistic missile at Iranian military commanders.
00:29Nabalot rin ang usok ang malaking bahagi ng Tehran, kabisera ng Iran, pati ang ilang probinsya.
00:36Ayon sa Israel, simula ito ng hakbang para pigilan ng Iran na makabuo ng mga sandatang nuklear.
00:42Bilang ganti, nagpadala ng sandaang drone ang Iran na ayon sa Israel ay kasalukuyan nilang pinipigilan.
00:49Nagdeklara na ng state of emergency ang Israel.
00:52Inabiso na ng Philippine Embassy sa Israel sa 50,000 Pilipino roon ang pagsasailanim ng Israeli military sa buong bansa sa essential activity status mula ngayon hanggang bukas.
01:05Pinag-iingat sila at pinayuhang manatili sa mga tahanan o maghandang pumasok sa mga mamat o bomb shelter
01:12at maging alerto at sumunod sa mga guidelines at emergency alert ng Israeli military.
01:19Umiiral pa rin ang alert level 2 sa Israel kaya hindi pa pwedeng magpadala na mga bagong Filipino worker doon.
01:25Wait, you're in Israel. You know what you have to do to keep safe. I myself was posted there.
01:31So Iran ang issue ngayon.
01:32Tinututukan sila at maging ang mga Pilipinos sa Iran ng Department of Migrant Workers at Department of Foreign Affairs.
01:39Yung mga kababayan natin, alam nila yung Iron Dome, alam nila yung sila mga, how do you say, bomb shelters.
01:46Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.