00:00Pag-usapan ng House Prosecution Panel kung hihilingin nilang mag-inhibit si Sen. Amy Marcos at Sen. Robin Padilla sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
00:15Kasunod po yan ng lantarang pag-hayag nila ng suporta sa Vice Presidente sa pagtitipon sa Malaysia noong araw ng kalayaan.
00:22Saksi, si Maki Pulido.
00:24Noong mag-convene ang impeachment court, nanumpa ang mga Senador.
00:32I will do impartial justice according to the Constitution.
00:40Politically neutral dapat ang mga Senador, batay na rin sa rules of procedure on impeachment na inadopt na rin nila dapat.
00:46Pag binasa natin yung rules of impeachment, ilang beses nakasulat nun na dapat maging pantay, dapat maging impartial, dapat walang kinikilingan.
00:58Hindi maganda na patuloy ang kanilang pakikipagtalastasan o pakikisama sa mga kaalyado nila na huhusgahan nila sa isang impeachment trial.
01:09Kahapon lang, lantarang naghayag ng suporta para kay Vice President Sara Duterte ang mga Sen. Judge na sina Amy Marcos at Robin Padilla.
01:17Harap-harap ang ipinapakita ang biases. Sana po igalang nila ang taong bayan at magpakita naman ng konting kahihiyan.
01:31Dahil ang sinisilihan nila ay ang taong bayan, hindi para sa isang tao lang.
01:35Sabi ni Prof. Paolo Tamase ng UP Law, kahit pa may kakampi sa politika, hindi anya dapat mag-aabogado ang mga Sen. Judge para sa mga huhusgahan nila sa impeachment court.
01:46Hindi na anya kailangan ng code of conduct para dyan.
01:49Kasi ini-expect na natin na naiintindihan nila yun.
01:54At dahil nga mataas ang estado ng Senado sa ating constitutional government.
01:59Paalala ni Sen. Elec Tito Soto bilang Sen. Judge, dapat sundin ang anim na prinsipyo sa ilalim ng code of judicial conduct.
02:08Kabilang dyan ang integridad at impartiality o yung walang kinikilingan.
02:12Depensa at prosecution lang anya dapat ang naghahain ng mosyon, hindi ang Sen. Judge, na pwede lang daw magtanong ng klarifikasyon.
02:20Pag-uusapan ng House Prosecution Panel kung hihingi nilang mag-inhibit si na Marcos at Padilla.
02:25Isa po yan sa aming pinag-uusapan kung anong hakbang ang amin dapat pong gawin dito.
02:31Isa pang kaklaruhin ng House Prosecution Panel ang utos ng impeachment court na pagtibayin ang Kamara ng 20th Congress na interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
02:41Sa katapusan pa kasi ng hunyo ang simula ng termino ng mga nahalal sa 20th Congress.
02:46Kami ay magsusumiti ng klarifikatory para at least malinawang po kami sa kanilang aksyon.
02:54Dapat noong June 2 pa pinatawag na kami ng Senado.
02:59Dapat nandoon na kami tapos ito ay na-move noong June 11.
03:03So ano magiging epekto na mga itong mga ginagawa po ng Senado.
03:10Kaugnay naman sa summons ng impeachment court, ayon kay Vice President Sara Duterte, pinag-uusapan na yan ng kanyang defense team.
03:22Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
03:40Sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.