00:00Posible yung matanggal sa servisyo ang matatabang polis na hindi makakapagbawas ng timbang.
00:06Ayon yan mismo kay PNP Chief Nicolás Torre III.
00:09Ano kayang masasabi ng netizens? Alamin sa unang balita ni Marisol Abduraman.
00:17Sa pag-upo bilang PNP Chief ni Police General Nicolás Torre III,
00:21isa sa mga unan niyang direktiba sa mga polis, dapat physically fit.
00:26Ibig sabihin, hindi dapat malaki ang chan.
00:28Kasi kung ang role nga naman ng polis ay tawag dito ay tumakbo,
00:33ay paano ka nga naman makakatakbo kung halos hindi mo na mabit-bit yung sarili mo.
00:38Dapat daw ay pasado sa kanilang annual physical fitness test o PFT.
00:43Nasa panuntunan din ng PNP na kapag hindi nakapasa ng dalawang beses sa PFT, makakaapekto sa promosyon.
00:50Halos pumuputok na iyong uniforme, yung physical appearance would somehow make an impression anong klaseng polis tayo.
00:57So dapat, doon pa lang sa physical appearance ng polis, nakikita na kaagad yung disipline.
01:03Muli itong binigyan din ni Torre sa panayam sa kanya ng Superadio DZWB,
01:08ang hindi raw makakasunod matatanggal sa pwesto.
01:11After one year, who sir may separation from the service?
01:14Pero sa ngayon, ang standing policy, pag hindi ka nakapagbaba ng timbang,
01:18based to the standard na dapat ay timbang mo, tanggal ka sa servisyo pag hindi ka nakasunod.
01:23Sa ilalim ng RA-6975, ODI-LD Act of 1990, hindi dapat lalampas o bababa ng limang kilos itinak ng standard weight ang mga polis,
01:34na base sa kanyang height, edad at kasarian.
01:37Para naman sa mga polis na may medical condition, sinabi ni Torre na maaari silang maharap sa complete disability discharge,
01:44o di kaya ay maaari silang ilipat sa administrative work.
01:47Hindi natin siya dadalhin sa administrative work or whatever?
01:50Um, well, we'll consult with an Applecombe regarding that matter.
01:55Pwede naman, pwede naman actually yun.
01:57Tinanong namin ang mga kapuso online kung pabor silang matanggal sa pwesto ang mga overweight na polis.
02:03Sagot ng isa, dapat.
02:05Dahil kung sa training pa lang daw ay kailangang physically fit na, mas dapat daw ito kapag nasa servisyo na.
02:11Ang sabi naman ng isa, imbis na tanggalin sa tungkulin, ay huwag na lang siyang payagang mag-duty para hindi maswelduhan.
02:18Pwede rin daw na i-assign nilang ang mga overweight na polis sa mga trabahong hindi nakikipaghabulan o di kaya ay sa opisina.
02:25Ang dapat daw tanggalin ay ang mga sangkot sa iligal na droga o krimen.
02:29Hindi naman pabor ang isa pa dahil kahit overweight daw ang isang polis.
02:33Pero tapat at nagagampan na naman ang tungkulin ay bakit kailangan tanggalin.
02:37Ito ang unang balita. Marisol Abduraman para sa GMA Integrated News.