00:00Kinilala mga Pinoy abroad sa 45th anniversary ng Commission on Filipino Overseas.
00:06Pinasalamatan ng CFO ang mga kababayan natin nasa ibang bansa dahil sa kanilang malaking ambag sa pag-unlad ng Pilipinas.
00:13Kasama na yan ang kanilang remittances, pati ang pag-aangat nila sa imahe ng Pilipinas sa ibang bansa.
00:19Kabilang sa mga ginawaran ng Partner Appreciation Award, ang GMA International sa mga magitan ng GMA Pinoy TV.
00:26Ang CFO ang ahensyang tumutulong at nangangalaga sa mga interes at karapatan ng mga Pinoy sa ibang bansa.