00:00Sa viral video, makikita ang pagtalon ng lalaking yan mula sa bakod na isang bahay sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu, Cebu.
00:09Dahan-dahan siya naglakad at nagmasid hanggang makapasok sa loob ng bahay.
00:14Una niyang pinasok ang kusina at saka dumiretsyo sa sala.
00:18Ayon sa may-ari ng bahay, natangay ng suspect ang isang cellphone at pares ng sapatos.
00:23Na-aresto ng 34-anyos na suspect sa Barangay Poblasyon matapos makuhanan ng armas.
00:28Inami niyang siya ang lalaking nakuha na ng CCTV camera noong June 10.
00:33Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang nagawa.
00:36Paliwanag ng lalaki, may plano siyang sumuko sa mga otoridad ng mag-viral ang video pero nag-alangan para sa kanyang kaligtasan.
00:44Desidido ang biktima na ituloy ang reklamo laban sa kanya.