00:00Samantala tuwing tag-ulan, masarap talagang humigop-higop ng sabaw.
00:04At kapag sinabing Lipa Batangas, ala e, Lomi na ang pambato.
00:09Yan nga ang ibinida sa isang eating competition doon.
00:1212 empleyado ng City Hall ang kumasa sa Extra Yummy Challenge.
00:176 sa Men's Category at 6 sa Women's.
00:20Para tanghalin na Lomi King and Queen, isa lang naman ang dapat gawin.
00:25Maging pinakamabilis na magsimot-sarap ng isang mangkok ng mainit, kompletos recados at OG na Lomi Batangas.
00:34Bahagi ang contest ng pagdiriwang ng 78 Cityhood Anniversary ng Lipa.