Pinapartihan umano ang ilang airport police kaya sobrang maningil ang taxi driver na nag-viral kamakailan sa NAIA. Ipinarating na niya 'yan sa transportation department.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinapartiyan umano ang ilang-ilang airport police,
00:04kaya sobrang maniil ang taxi driver na nag-viral kamakailan sa Rehia.
00:08Ipinarating niya yan sa Transportation Department.
00:11Nakatutok si Dano Tingcugo.
00:14Terminal 2, papuntang Terminal 3, 1,260, ganon?
00:20Ano yan? Para na kami nagbiyahin ang probinsya?
00:22Sa viral vid na ito, makikita ang pagtatalo ng isang taxi driver at pasahero
00:27matapos lumabas na nasa mahigit isang libong piso ang singil ng choper
00:31para sa biyahe mula Terminal 2 pa Terminal 3 ng Naiya.
00:35Ang choper na yan, kumarap sa GMA Integrated News,
00:38matapos ang pagdinig sa LTO kanina,
00:40kaugnay sa show cost order na ipinataw sa kanya ng ahensya
00:43para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat bawian ng lisensya.
00:48Humingi ang kampo ng choper nang hanggang lunes para ma-isumite ang kanyang paliwanag.
00:52Pero ngayon pa lang, humihingi na siya ng tawad sa mga pasaherong siningil niya
00:56ng lubhang mas mataas sa metro.
00:58Para po sa lahat ng mga pasahero na naging pasahero ko dyan sa Terminal 3,
01:05ako po ay humingi sa inyo ng tawad kung kayo man po ay nasingil ko ng mahal.
01:12Paliwanag niya, kaya raw sobra-sobra ang singil
01:16dahil kailangan nilang magbigay ng hatag o lagay sa airport police
01:20para payagan silang pumila.
01:21Ang sistema po sa loob ng airport ay talagang napakataas po ng singilan dyan.
01:30At iyan po ay nalalaman ng lahat ng mga empleyado,
01:37kahit nga gawarja po ay alam po yan, yung sistema na yan dyan.
01:41At yan, lalong-lalo na yung mga tinatawag na APD natin dyan.
01:46Alam po nila yan yung sistema na yan dyan.
01:48Kasi kami mga driver sa labas,
01:50pag kami hindi nakapagbigay para sa APD,
01:54tumatawag po yan ang mobile,
01:56matic po yan, paparadahan kami,
01:57kakatin kami yan sa may labas.
02:00Titikitan po kami yan.
02:02At yung ticket na yun po ay pang LTO,
02:04at tutubos kami sa LTO.
02:06Ganun po ang nangyayaring kalakaran niya,
02:08kaya kailangan po namin na magbigay din para sa kanila.
02:12Ang partihan daw, Anya, 60-40.
02:1560% sa taxi driver, 40% para raw sa mga tauhan ng airport,
02:19kabilang ang maglalabas ng pasahero para sa kanila at airport police.
02:23Dahil dito, ang halimbawang biyahe sa pagitan ng mga terminal na wala pang 200 pesos,
02:28kung ibabase sa metro, nagiging 1,200 pesos.
02:32Pwedeng tawaran hanggang 1-1 sagad.
02:34Kung kukuha ng taxi sa loob ng terminal papuntang hotel,
02:38nasa 3,000 pesos ang singil.
02:39Kung sa kanila sasakay, 1,000 pesos daw ang pinakamababang singil.
02:45Pinakamahal ang halimbawa papuntang Pampanga.
02:47Mula na Ia, papuntang Angeles.
02:49Kung sa loob daw kukuha, nasa 15,000 pesos ang singil.
02:53Pinangalanan ng chuper sa amin ang mga airport police
02:56na sinasabing tumatanggap ng hatag, lagay o porsyento,
03:00pero hindi muna namin sila isasahim papawid.
03:02Pag hindi ka po naghatag sa limang taon na yan, automatic,
03:06nadaling ka sa taas at i-impound ka muna sa taas na mga ilang oras,
03:11bago ka pala palabasin.
03:14Samba din yung salita, naubos na yung oras mo sa paghihintay doon sa itaas na nakadetain ka
03:20dahil nga sa hindi ka naghahatag sa kanila.
03:23Walang pakialam ang airport police sa tara ng pamasahe sa loob po ng airport?
03:34Kami po, ma'am, definitely the airport police, if I may say that,
03:37hindi po kami nakikialam or the airport police does not interfere
03:41with any of these pricing po ng ating mga fares,
03:46ng ating mga public utility vehicles po dyan.
03:48Rest assured naman po, it has always been with any government agency po,
03:52Pag nalaman po namin na meron pong pagkukulang,
03:55especially with regard to our employees,
03:58gagawan po natin ng dapat-dapat na tugon yung mga yan.
04:05Ngayong hapon, humarap ang chuper kay DOTR Secretary Vince Dizon
04:09at ibinigay ang pangalan ng mga airport police na dawit sa hatag.
04:13Ihingi po ko sa inyo ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan.
04:16May proseso tayo dyan, pero magaking bagay itong pag...
04:20Itong paglapit mo sa amin at pagbigay ng impormasyon,
04:25bibigyan pa rin kita ng protection.
04:28Kakausapin ko ang LTO at LTFRB,
04:31kasi nasabi ko nga, hindi lang overcharging ang violation.
04:35Pati yung paggamit ng isang prangkisa,
04:38isang taksi na pasuna ang prangkisa.
04:40Mabigat din yun.
04:41Pero napakalaking bagay nitong paglapit at pagsiwalat niya dito sa sistema dyan, sa naiya.
04:49Para sa GMA Integrated News,
04:51Dano Tingkung ko na katutok 24 horas.

Recommended