00:00At pinag-utos na ng Transportation Department sa North Luzon Expressway Corporation
00:05ang garang suspensyon ng toll collection sa Marilaw Northbound,
00:09ito'y matapos muling mabangga ng over-height container truck ang Marilaw Interchange Bridge.
00:16Ayon sa DOTR, gawing libre ang toll hanggat hindi madaana ng apat na lane.
00:22Bilang kompensasyon na rin anila sa abalang dulot ng insidente.
00:27Inatasan na rin ng NLEX Corporation na magbigay ng tulong sa mga pamilya na mga biktima at mga nasugatan.
00:35Humingi ng paumanhin at pangunawa ang DOTR sa publiko
00:39at tiniyak ang mabilisang pagkukumpuni ng apektadong infrastruktura para maibsan ang daloy ng traffic.