00:00Mainit-init na balita, lima po ang patay sa pagtagilid ng mini dump truck ngayong umaga sa Silay Negros Occidental.
00:08Sa inisyal na embesikasyon ng Silay City Police, papunta ang dump truck na may mga sakay na volunteers sa isang tree planting activity sa bulubunduking bahagi ng barangay Gimbalaon.
00:20Nawalan umano ng kontrol ang driver habang nagmamaneho kaya tumagilid ang sasakyan pasado alas 10 kanina.
00:26Labing-anim ang sugatan sa insidente. Patuloy pang kumakalap ng impormasyon ang polisya.