00:00Naliliitan ang ilang mga gawa sa inaprubahang 50 pesos na umento sa minimum wage sa Metro Manila.
00:06Hirit naman ang National Wages and Productivity Commission,
00:10kailangan talagang balansihin para hindi sumubayang pagtaas ang presyo ng mga bilihin.
00:14May una balita si Rafi Tima.
00:18Simula July 18, efektibo na ang 50 pesos na umento sa sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
00:24Ang dagdag sahod mangyayari isang taon matapos ang huling umento sa Metro Manila na 35 pesos.
00:30Ang service crew na si Louie, natawa na lang sa umento,
00:33lalo pat umasa siya sa isang daang pisong umento na panukala sa Senado.
00:47Wala pang sariling pamilya si Louie,
00:49pero siya ang nagtataguyod para sa kanyang may sakit na ama at inang nagaalaga rito.
00:54Pero pasalamat na rin daw siya sa dagdag ng 50.
00:57Ikaw ba umasa ka sa mga kongresista na ibalik pa rin,
01:00ituloy nila yung legislated na at least 100 o 200?
01:04Hindi na ako umasa dun, sir.
01:06Yung 50 pa nga lang, sir, hirap na silang aprobahan eh.
01:09100 pa kaya siya.
01:11695 pesos ang minimum para sa mga nasa non-agriculture sector sa Metro Manila
01:15mula 645 pesos.
01:17Para naman sa agriculture sector, service and retail establishments
01:21na 15 pababa ang bilang ng empleyado
01:23at manufacturing establishments na walang sampu ang bilang ng empleyado,
01:28magiging 658 pesos ang sahod mula sa kasalukuyang 608 pesos.
01:33Ang Employers Confederation of the Philippines
01:35mas tanggap daw ang 50 pesos na umento
01:37kumpara sa panukalang 100 pesos na umento mula sa Kongreso
01:40at 200 pesos mula sa Senado.
01:42Kahit na marami sa mga miembro namin ang medyo hindi masaya,
01:47eh we will try to convince them and live with it
01:50kaysa ro sa legislated wage site na masyad emosyonal
01:55at hindi regda sa proseso.
01:58Kabilang sa batayan, ayon sa National Wages and Productivity Commission,
02:02ang 5.4% na paglago ng kita sa mga produkto at servisyo sa bansa
02:06o GDP nitong first quarter.
02:08Ang pagbagalaan nila ng pagmahal na mga bilihin sa Metro Manila
02:11na nasa 1.7% noong Mayo
02:13at unemployment rate na nasa 5.1% naman noong Abril.
02:18Kaya nalangang balansin ang mga yan
02:19dahil sa pangambang mauwi ang taasahod sa pagmahal ng bilihin
02:23at pagbawas sa bilang ng trabaho.
02:24Siyempre, tataas. Depende sa kumpanya.
02:28Mayroon naman yung component na labor
02:30o malaking percentage sa operation.
02:32Eh pagkayo yun yung tilaasal mo,
02:34kung mapipili na magtaas ang presyo iba,
02:37yung iba naman mapipili na magtaas ang tao
02:39kung hindi nila kaya.
02:41Pebrero noong nakarang taon,
02:42lumusot sa Senado ang panukalang
02:44P100 Legislated Wage High,
02:46ang versyon ng Kamara na ipasa noong June 4.
02:49Pero patapos na ang 19th Congress
02:51nang maipadala ito sa Senado.
02:52Bago matapos ng sesyon,
02:54hinikayat ng Senado ang Kamara
02:55na i-adapt na lang ang kanilang versyon.
02:58Pero ang Kamara nanawagang i-convene
03:00ang Bicameral Conference Committee
03:01para pag-isahin ang magkaibang versyon.
03:04Sa huli, natapos ang 19th Congress
03:06nang hindi na-reconcile ng Kongreso
03:07ang panukala na dapat sa rinunang
03:09Legislated Wage Hike sa loob ng halos apat na dekada.
03:13Ngayong 20th Congress,
03:14sinimulan ng ihain ang mga panukalang omento sa sahod.
03:17Gaya ng panukalang 1,200 pesos na living wage
03:21para sa pribadong sektor.
03:23Nais naman ang ilang kongresista
03:24na buwagin ang provincial wage system
03:27at magtakda ng iisang minimum wage sa buong bansa.
03:31Ito ang unang balita.
03:32Rafi Tima para sa GMA Integrated News.
03:47TREMORGALA
03:51TRENGIL IRIS
03:52TREMORGALA
03:53GY Audio