00:00Naghain ang reklamong cyber libel sa NBI si Senadora Risa Contiveros
00:06laban sa mga taong nasa likod at sa mga nagpakalat ng anyay mapanirag video ni alias Rene.
00:14Ang sagot ng ilan sa mga sinampahan ng reklamo sa pagtutok ni John Consulta.
00:23Ang dating iniharap na testigo laban ni na dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:28Vice President Sara Duterte at Pastor Apolo Quibuloy, binawi ang kanyang testimonya.
00:34Sinabi kasi ni Michael Maurillo sa isang video, pinilit lamang siya umuno ni Sen. Risa Contiveros
00:39na tumistigo noon bagay na mariing itinanggi ng Senadora.
00:44Ngayon, inireklamo siya ni Contiveros sa NBI ng cyber libel.
00:48Kasama rin sa sinampahan ni Contiveros ng reklamo,
00:51ang pagtanggol valiente social media account na nagpost ng video.
00:54Pangunahing layunin ng reklamo, alamin sino o sino-sino ang nasa likod
01:01ng pag-produce ng video, dalawang video na ni Michael Maurillo.
01:08Dahil hanggang ngayon, wala pa rin umaamin.
01:11Sinabi natin ni Contiveros na bago lumabas ang video,
01:14humingi sa kanya ng tulong si Maurillo dahil kinidnap umano siya.
01:18Nan-analangin pa rin ako para sa kanyang kaligtasan, sana matukoy kaagad ng PNP Davao kung nasan siya at mailigtas.
01:29Pero gayumpaman, kailangan na niyang magpaliwanag at managot kung bakit siya nagsisinungaling sa mga video na ito.
01:35Pero sa isang Facebook post, muli ng salita si Maurillo at iginiit na hindi siya kinidnap ng Kingdom of Jesus Christ
01:43at hindi rin siya binayaran o pinilit na sabihin ang kanyang mga sinabi sa video.
01:49Handa rin siyang tindigan ang kanyang mga naulang sinabi
01:52at pinabubulaanan rin niya ang mga nilabas na umano'y mga patunay
01:56na siya ang naulang makipag-ugnayan sa opisina ng Senadora.
02:01Wala pong katotohanan yung mga claims ni Senador Riza sa kanyang press con.
02:05Ito lamang ay pamamaraan ni Senador Riza upang ako ay makuha ulit at patahimikin.
02:12Sinusubukan pa namin hingga ng pahayag ang nasa likod ng pagtanggol valiente social media account.
02:17In-reklamo rin ni Monteveros ang labing tatlong tao na anya ay nagpakanat ang umano'y mapanirang video ni Maurillo.
02:24Investigahan din sa pamamagitan ng reklamo ito,
02:27yung mga vlogger na pinamumudmod at dinadagdagan pa ang mga kasinungalingang nakalagay sa mga video ni Michael Maurillo.
02:36Hinding-hindi ako papayag sa ganitong mga pagsisinungaling, mga mapapanganib na pagsisinungaling,
02:44lalo na ang tinarget ay hindi lang ako. Ang tinarget ay ang mga witnesses, ang tinarget pati mga staff ko, tinarget ang Senado mismo.
02:55Naglabas ng pahayag ang ilan sa mga sinampanang reklamo.
02:58Sinabi ni Natrixie Cruz Angeles at Ahmed Paggilawan na hindi raw nila pinakalat ang video ni Maurillo.
03:05Pero nagsagawa sila ng live kung saan tinalakay nila ang mga sinabi ni Maurillo
03:09at para daw patas, tinalakay din nila ang tugon ng Senadora.
03:14Baka ginaw ito ng free speech.
03:16Ayon naman kay Sas Rogando Sasot, nalaman lamang niya ang tungkol sa video ni Maurillo sa GMA News.
03:22Ganon din daw dapat sa media.
03:25Sabi ni Joey Cruz, dapat magfokus ang Senadora sa pagsagot sa mga alikasyon ni Maurillo.
03:30Isa daw siyang political observer at may karapatan sa kanyang sariling opinion.
03:34Sinusubukan pa namin makuna ng pahayag at iba pang sinampahan ng reklamo.
03:38Para sa GMA Individual News, John Consulta, nakatutok 24 oras.