00:00Samantala, ilang bahagi po ng Europa patuloy na nakakaranas ng matinding init ng panahon na nakakapekto sa kalusugan ng ilang mga residente at ipinataw na taripa ng Estados Unidos sa Vietnam. Ibinaba na sa 20% si Joy Salamatin sa sentro ng balita.
00:16Hindi bababa sa 8 ang naitalang nasawi dahil sa matinding heatwave sa ilang bansa sa Europa. Apat sa mga ito ay naitala sa Spain, habang tig-dalawang kaso naman ang naitala sa Italy at France.
00:31Ayon sa France government, umabot na sa higit 300 ang bilang ng mga isinusugod sa ospital doon, bunsod ng matinding init ng panahon. Naglalaro sa 40 degrees Celsius ang naitalang temperatura dahilan para magdeklara ng red alert status sa ilang mga syudad sa Italia.
00:50Ibinaba na ni U.S. President Donald Trump sa 20% ang ipinataw niyang taripa sa mga produktong inaangkat mula sa Vietnam. Bahagi ito ng kanilang bagong trade agreement.
01:03Kasama sa kasunduan ang duty-free access ng mga American products sa merkado ng Vietnam, partikular sa sektor ng automobile at energy.
01:12Samantala, mananatiling 40% ang taripa sa mga produktong itinadaan sa Vietnam papunta sa ibang bansa bago ipasok sa U.S.
01:22Ayon sa Estados Unidos, layunin ito na bawasan ng trade deficit ng Amerika at protektahan ang lokal na industriya.
01:31Sa Britanya, ititigil na ang biyahe ng Royal Train sa 2027.
01:36Ayon sa Royal Household, hindi na praktikal ang pagpapanatili ng tren na ginagastusan ng humigit 1.2 million euros kada taon.
01:45Papalitan ito ng mas makabago at mas tipid na transportasyon gaya ng dalawang bagong helicopter na gumagamit ng sustainable aviation fuel.
01:55Itinuturing ang desisyong ito bilang bahagi ng cost-cutting at modernisasyon ng gobyerno ni King Charles III.
02:02Mababatid na 156 na taon na nagbigay serbisyo sa Royal Family ang naturang tren.
02:09Joyce Salamatin para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.