00:00Pumalo na sa ulap ang napakataas na usok na yan matapos po ang pagsabog ng Mount Lewutobi Laki-Laki sa Indonesia.
00:13Maabot ng 18 km ang taas ng abo ayon sa Volcanology Agency ng bansa.
00:19Napuno rin ng abo ang mga kalsada sa mga lugar sa paligid ng vulkan.
00:23Kaya ayon sa mga residente, halos nag zero visibility roon.
00:27Nananatiling nasa pinakamataas na alert ang vulkan hanggang ngayon kaya hindi pinahihintulutan ang pagpasok sa 6 km radius ng vulkan.
00:37Pinag-iingat din po ang mga residente sa posibleng pagdaloy ng lava.