00:00Inibisigahan ngayon ang kaso ng pagpatay sa isang enforcer ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
00:07Sinisilip kung may kinalaman ang trabaho niya bilang enforcer sa EDSA busway.
00:12Nakatutok si Jonathan Andal.
00:17Siya si Hervin Cabanban, Traffic Enforcer ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation,
00:24na tuldukan ang kanyang pagsisirbisyo ng pagbabarilin sa kanyang bahay sa General Trias Cavite.
00:30Batay sa imbestigasyon, pasado alas-dos ng madaling araw kahapon,
00:34nang pasukin ng mga dipatukoy na salarin ng kanyang bahay.
00:37Pagkatapos barilin si Cabanban, tumakas ang mga salarin sakay ng van.
00:42Agad na nasawi si Cabanban sa tinamon niyang mga tama ng bala sa liig, pisngi at mata.
00:47Kanina nakiramay sa burol ni Cabanban si Assistant Secretary for Special Action and Intelligence Committee for Transportation,
00:54Jose F. Lim.
00:55Sa isang pahayag, maring kinundina ni Lim ang aniyay walang saysay na pagpatay kay Cabanban.
01:01Pangako ni Lim, gagawin nila ang lahat para mapanagot ang nasa likod ng krimen.
01:06Tiniyak din na Transportation Secretary Vince Disson na hahabuli ng sino mang pumaslang sa enforcer.
01:11Aniyay, pinagutos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mabilisang pagresolba sa krimen.
01:17Nakikipagtulungan na raw ang DOTR sa PNP para sa imbestigasyon.
01:20Inaimbestigahan pa kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Cabanban na isa sa mga enforcer sa EDSA busway.
01:27Ayoko munang pangunahan yung imbestigasyon.
01:30Pero alam niyo naman ho, laging may risk sa buhay ng mga enforcers natin dahil sa trabaho nila.
01:36Pero hindi pa po natin alam kung ano ang dahilan nitong pagpatay sa kanya.
01:40Agad naman daw nilang tinulungan ang pamilya ni Cabanban at tiniyak ang kanilang kaligtasan.
01:45Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
01:47Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.