00:00Samantala, araw po ng Biernes ngayon, alamin muna natin ang presyuhan ng mga paninda sa ilang palengke sa Metro Manila.
00:08Si Denise Osorio sa Detalye Live.
00:14Rise and shine muna rito sa Pasay Public Market, Audrey.
00:18Audrey, last weekday of the week na, pero todo arangkada pa rin ang gadiwa ng Pangulo Stalls
00:24para maghandog ng 20 pesos na bigas para sa ating mga kababayan.
00:29Kahit natuloy-tuloy pa rin ang buhus ng ulan, pinilahan pa rin simula alas 6 ng umaga ang kadiwa ng Pangulo Stoll dito sa Pasay Public Market para maka-avail ng 20 bigas.
00:39At dahil tungkol sa programang 20 bigas, meron na ang pinag-uusapan natin. May dagdag good news na tayo.
00:46Sa Northern Luzon, inilungsad na rin ito sa La Union at Baguio City.
00:50Bahagi pa rin ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing accessible ang masustansya at murang pagkain sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nangangailangan.
01:01Audrey, direct ang kinukuha ang bigas na ito mula sa ating lokal na magsasaka kung kayat.
01:07Nakakatulong ito sa kanilang kabuhayan.
01:08Samantala, binabantayan rin naman natin ang presyuhan ng ating mga isda, lalo na ang galunggong at ang paborito nating makerel.
01:18Dahil sa issue ng importation, nasa 100 hanggang 120 pesos ang kada kalahating kilo ng galunggong.
01:26Habang ang makerel naman ay nasa 250 hanggang 270 pesos kada kilo.
01:31Kaugnay nito, pansamantalang sinuspindi ng Department of Agriculture ang pag-issue ng import clearance para sa ilang uri ng makerel o alumahan at galunggong dahil sa umano'y misuse of import permits tulad ng misdeclaration at diversion ng mga shipment.
01:49Kinabibilangan nito ang mga paborito nating alumahan at galunggong tulad ng horse mackerel, Atlantic and Japanese jack mackerel, Indian mackerel, wahoo, hardtail scud, at torpedo scud.
02:02Audrey, nilinaw naman ang Department of Agriculture na hindi ito import ban kundi pansamantala lang ito para o habang iniimbestigahan ang naturang issue.
02:14At nire-repaso pa nila kasalukuyan ang mga import protocols upang masigurong transparent at fair ang importation natin ng mga isda punta sa loob ng ating bansa.
02:26Siyempre, Audrey, kailangan rin natin maprotektahan ang ating mga lokal na manging isda.
02:30Yan ang pinakuling balita mula dito sa Pasay Public Market. Balik sa'yo, Audrey.
02:35Maraming salamat, Denise Osorio.