Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Muling sisilipin ang mautoridad ang regulasyon sa pagtatanggal ng billboard tuwing masama ang panahon.
00:05Kasunod ang pagbagsak ng billboard kahapon sa Quezon City.
00:09Sa ngayon po kasi, inaalis lang ang mga billboard tuwing may storm signal.
00:13Nakatotok si Nico Wahe.
00:17Matinding perwisyo ang idinulot ng pagbagsak ng billboard na ito sa C5 Katipunan Southbound sa Quezon City kahapon ng umaga.
00:24Kwento ng mga nasa gusali sa lugar kahapon, kumidlat muna bago ito bumagsak.
00:29Nung paggidlat doon, baka tinamaan yung taas. Yun, sabay bagsak. Yun, sunod-sunod na sir.
00:36Opo, tapos tinamaan na yung baan tsaka yung sa customer namin dito.
00:41Yung sa labas ako kapod yan, tambay, bigla na lang kumidlat saka malakas yung hangin.
00:47Saka tinamaan yung sa taas. Ayun, nagbagsakan na. Ayun, tumakbo na ako agad sa loob.
00:52Kabilang sa mga natamaan ang sasakyan ng customer ng barbershop na nooy nagpapagupit,
00:57wasak din ang truck sa katabing tindahan.
01:00Ito yung mismong truck na nadaganan ng billboard sa C5 Katipunan kahapon.
01:04At sa itsura nito, kung may tao sa loob, ay tiyak hindi makakaligtas.
01:09Mabuti na lang, ayon sa driver, ay nandoon siya sa likod ng truck na naghahakot ng kanilang mga dideliver.
01:14Ang gusto ako doon, nakalukalo ako, tumayo lahat pala iibo ko.
01:19Siyempre, kala ko, oras ko na kasi.
01:23Nandun ako sa loob ng truck, sa likod.
01:25Kanina, dumating para maghahakot at mag-ayos sa tumaob na billboard ang ilang tauhan ng may-ari nito.
01:30Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng may-ari ng billboard,
01:33na ayon sa isa sa mga may-ari ng sasakyan na nadamay, ay nagsabing sasagutin din daw ang lahat ng mga nasira.
01:39Nag-uusap pa raw sila at ang mga may-ari ng nadamay na sasakyan.
01:42Na-clear na kahapon ang tumaob na poste ng Miralco at inaayos na nila ngayon ang mga kawad.
01:48Kanina umaga lang din, bumalik ang supply ng kuryente.
01:51Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office,
01:55Usually, pag merong bagyo na ganyan, dapat niro-roll up na nila yung billboard.
02:00Kung nakita mo yung steel frame, yung bumagsak, parang hindi naka-roll up yung billboard.
02:07Ayon sa Office of Civil Defense, posibleng hindi pa itinupi ang billboard na ito
02:10dahil wala namang cyclone warning signal sa Metro Manila at habagat ang nagpaulan.
02:15Meron na tayong policy na pag may storm signal, kailangan kasama yan sa mga dapat ayusin o tatanggalin.
02:23Pareho din ang ordinansa ng Quezon City LGU kaugnay sa mga tarpulin kapag masama ang panahon.
02:28Reripasuhin daw ng LGU ang ordinansa.
02:30Aayosin din ang Office of Civil Defense ang protocol kung kailan dapat magbaba ng billboard kung walang storm signal.
02:37Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended