00:00Naghahandaan ng lumika sa mga residente malapit sa Santo Cristo Dam sa Lubaw, Pampanga
00:05dahil unti-unti nang gumuguho ang bahagi ng dike kung saan ng tuloy-tuloy na ulan.
00:11May unang balita live si Bea Pinla.
00:13Bea?
00:15Susan, good morning. Nandito tayo ngayon sa ibabaw ng Santo Cristo Dam sa Lubaw, Pampanga.
00:20Tanaw sa aking likuran, yung tindahan na kaunti na lang ay tila babagsak na
00:25at tatangayin ng rumaragasang tubig.
00:29Unti-unti na po kasing gumuguho yung bahagi na ito ng dike.
00:33Matapos nga, yung tuloy-tuloy na pagulan nitong mga nakaraang araw.
00:41Hindi pa sumisili pang araw pero si Nanay Josefina maagang gumising para tignan ang kalagayan ng Santo Cristo Dam Dike sa Lubaw, Pampanga.
00:49Unti-unti na kasing gumuguho ang dike dahil sa malakas na ragasa ng tubig.
00:54Tuwing gigising ako, diyan po talaga ang diritsyo ko.
00:58Para-wara po nababawas yan, siyempre po sa lakas ng ulan.
01:02Natatakot po kami, natatakot ako na,
01:05Diyos ko huwag naman pong mangyaring, talaga pong maraming maagpiktuhang.
01:10Ang pwesto ng tindahan na ito, ilang pulgada na lang ay tila babagsak na ito at tatangayin ng ilog.
01:17Si Nanay Josefina, nakahanda na sakaling palikasin sila bunsod ng panganib na dala ng unti-unting pagguho ng dike.
01:23Yung pwedeng madalang gamit, talagang naka-refer na po siya.
01:30Siyempre, hindi mo po talaga maasahan na hindi bibigay.
01:36Katulad niya, pakunti-kunting natitibag po ang lupa.
01:41Wala ka rin pong magagawa o saan kami pupunta.
01:43Kaya, mahala na po siguro.
01:46Walang retaining wall ang bahaging ito ng dike dahil dito noon dumadaan ang mga truck na gumagawa ng dam.
01:52Sinubukan pa ng barangay na lagyan ng saan bagang gumuguhong bahagi ng dike.
01:56Pero tinangay din ang agos ng tubig.
01:59Pangamba ng mga residente rito, tiyak na malulubog sila sa baha kapag tuluyang bumigay ang dike.
02:05Haabot daw ng mahigit 30,000 pamilya ang pwedeng maapektuhan.
02:09Lahat kaming magkakataping barangay.
02:13Gaya ng San Miguel, San Vicente, San Nicolas I, San Nicolas II, hanggang sa Jasa Road.
02:22Yung naga-apektado po, yung mga nasa ilalim.
02:25May nakatalagang tauhan ng Lubaw Municipal Police na magdamag na nagbantay sa dike.
02:29Ang utos daw ng provincial government sa lokal na DPWH dito,
02:33bilisan ang paglalagay ng sandbag, malalaking bato at lupa para hindi tuluyang gumuho ang dike.
02:39According sa napag-meeting, ayun muna po ang feasible ngayong as according sa DPWH.
02:46Ayon sa mga residente rito, kinatanggal na rin ang naipong water lilin na nakaharang sa daluyan ng tubig.
02:52Baka raw kasi maipon ang tubig kapag hindi ito natanggal at rumaga sa ito patungo sa bahagi ng dike na nasira.
03:01Bugso-bugso na lang ang buhos ng ulan dito sa Lubaw Pampanga ngayong umaga.
03:04Ang mga residente rito patuloy na nangangamba dahil nga tuloy-tuloy yung masungit na panahon
03:11at talagang napapansin daw nila na unti-unti nang kinakain ng tubig yung bahagi na ito ng dike.
03:19Yan ang unang balita mula rito sa Lubaw Pampanga.
03:22Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:25Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
03:30Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
03:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News.