00:00Citizens sa Cebu City na kaya pang magtrabaho, target tulungan na magkaroon ng bagong oportunidad.
00:06Sa katunayan, isang ordinansa ang planong ipasa ng lokal na pamalhaan para dito.
00:12Pagtutok sa occupational safety ng mga nakatatanda, tiniyak naman ang National Commission of Senior Citizens.
00:18Si Jesse Atienza ng PTV Cebu sa Sentro ng Balita.
00:22Formal nang binuksan sa Cebu ang tanggapan ng National Commission of Senior Citizens Region 7.
00:30Bukas ang tanggapan para magbigay ng malawakang serbisyo at assistance sa mga senior citizens sa buong regyon.
00:37Ayon sa NCSC, nasa 800,000 senior citizens sa Sentral Visayas ang kanilang target na matulungan.
00:45Ito po ang kanilang pwedeng puntahan kung sila ay may mga katanungan at kung meron silang mga concerns or complaints, dito po sila pupunta.
00:54Pangalawa, lahat po ng advocacies natin para sa mga nakatatanda will be emanating from this office as well.
01:01Kabilang sa isinusulong sa ngayon ng NCSC ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga abled senior citizens na makapagtrabaho muli sa iba't ibang industriya,
01:10gaya na lang ng tourism at maging sa hotel and restaurant industry.
01:15Kinakailangan lamang sumailalim sa training at medical check ang mga isasalang sa programa.
01:20Isa sa aming napag-usapan na kahapon is to prepare the medical guidelines.
01:26So gusto natin very sustainable yung program, gusto natin masiguro na ang mga nakatatanda.
01:32Pag sila ay naghanap buhay muli, sigurado natin yung kanilang health and well-being is protected.
01:37The occupational safety standards should be there and of course the other things that are needed to protect them as well.
01:46Supportado naman ng LGU ng Cebu City ang programa.
01:50Ayon sa alkalde, isang ordinansa ang nais niyang ipasa para mabigyan din ang pagkakataon na mga abled senior citizens sa lungsod na muling makapagtrabaho.
01:59In the city of Cebu, we have about 110,000 senior citizens.
02:04What we want to have is to draft an ordinance and I hope it could be approved that the institutions in the city will have at least 1 or 3 percent sa ilang empleyado na senior citizens.
02:20Dagdag ni Archival, inaayos na rin nila ang pagtitiyak na lahat ng senior citizens sa lungsod ay makakatanggap ng financial assistance ng patas at walang napag-iiwanan.
02:32Mula sa PTV Cebu, Jesse Atienza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.