00:00Mahaharap sa kasong kriminal ang labing tatlong taong gulang na suspect na pumatay umano sa walong taong gulang niyang kapitbahay.
00:09Panawagan ng lola ng biktima, huwag tratuhin bata ang suspect dahil sa kanyang ginawa.
00:15Nakatutok si Rafi Tima.
00:19Sa kabila ng murang edad na labing tatlo, inereklamo ng kasong kriminal ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit,
00:25ang batang lalaking suspect sa pagpatay at umano'y panggagahasa sa kanyang walong taong gulang na babaeng kapitbahay.
00:40Dinala na sa Mulavi Youth Home ang batang suspect habang hinihintay ang magiging desisyon ng City Prosecutor's Office sa kaso.
00:47Una nang sinabi ng suspect sa mga emistigador kung bakit niya nagawa ang krimen.
00:55Tapos hindi, parang hindi pumahay ko yung biktima.
01:00Ayon sa lola ng biktima, hanggang ngayon, hirap silang matanggap ang sinapit ng apo, lalo pat kapitbahay,
01:05at kilala nila ang suspect at kanyang pamilya.
01:08Huwag daw dapat ratuhin bata ang suspect.
01:10Talagang dapat ratuhin adult kasi yung pag ano niya, nag-deny siya na kunyari, wala siya,
01:19kala mo lang, nasama pa siya sa paghanap.
01:22Pero ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council na siyang nangangasiwa sa Juvenile Justice and Welfare Act,
01:32posibleng mabasura lang ang kasong kriminal.
01:34Ayoko naman pangunahan si Judge, pero kung babasihan natin yung batas,
01:38madidismis yun dahil wala siyang criminal responsibility.
01:42Dahil ang ating minimum age of criminal responsibility ay above 15 years old,
01:47which means nung nag-commit siya ng crime, dapat 15 years old and one day siya.
01:51Pero hindi daw nangangulugan na walang magiging kaparusahan ng mga batang nakakagawa ng krimen sa ganitong murang edad.
01:58Base sa batas, kukunin siya sa kustudyan ng kanyang magulang o guardian at dadalhin sa bahay pag-asa.
02:04Hindi man daw nakasaad sa batas na ikukulong ang suspect, ganito na rin ang implikasyon nito.
02:08Ayaw lang nating sabihin dahil ayaw nating mas stigmatize yung mga bata.
02:12Talagang dinideprime yung liberty ng mga bata at nilalagay sila doon para sa kanilang rehabilitation at accountability.
02:19Walang nilagay na maximum yung batas pero minimum of one year, nandoon siya for rehabilitation.
02:26Pwede rin naman umanong magsampan ng kasong sibilang pamilya ng biktima laban sa pamilya ng suspect.
02:31Maaari silang bayaran ng danyos nung pamilya nung bata na nakapatay.
02:38Paliwanag ng Juvenile Justice and Welfare Council, kailangan isaalang-alang na desisyon man ng batang krimen,
02:45malaki ang external impluensya sa kanila.
02:47Kaya mahalagang responsibilidad ng mga magulang at guardian para sa tamang paggabay sa mga bata
02:52sa gitna ng napakarami impluensya ngayon sa lipunan.
02:57Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima na Katutok, 24 Horas.
03:01Kaya mahalagang.