00:00Hindi lang po reklamang pagpatay, kundi pati reklamang rape isinampa labang sa 13 taong gulang na suspect sa pagpatay sa kanyang kapitbahay na 8 taong gulang.
00:11Saksi, si Rafi Tima.
00:16Dinala sa Mulabi Youth Home ang 13 taong gulang na suspect sa pagpatay at umano'y panggagahasa sa 8 taong gulang niyang kapitbahay.
00:23Sinampahan na siya ng kasong kriminal ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit.
00:27Case of rape with homicide was referred to City Prosecutor's Office, yun sir, sa child at risk natin.
00:36Ayon sa pulis siya, nabanggit daw sa kanila ng suspect kung bakit niya nagawa ang krimen.
00:40Nakwento niya siya na gusto niyang gawin yung mga, yung napanood niya, pas hindi, parang hindi pumayag po yung victim.
00:48Batay sa Republic Act 10630 na nag-amienda sa Juvenile Justice and Welfare Act,
00:53exempted sa criminal liability ang mga batang nasa edad 15 pababa.
00:57Pero kailangan daw siyang isa-ilalim sa intervention program.
01:00Kaya ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council,
01:02Ayoko naman pangunahan si Judge, pero kung babasihan natin yung batas,
01:07madidismis yun dahil wala siyang criminal responsibility.
01:11Dahil ang ating minimum age of criminal responsibility ay above 15 years old,
01:16which means nung nag-commit siya ng crime, dapat 15 years old and one day siya.
01:20Base sa batas, kukunin siya sa kustudyan ng kanyang mga magulang o guardian at dadalin sa bahay pag-asa.
01:26Hindi man daw nakasad sa batas na ikukulong ang suspect.
01:28Ganito na rin ang implikasyon nito.
01:30Ayaw lang natin sabihin dahil ayaw natin mas-stigmatize yung mga bata.
01:34Talagang dinideprime yung liberty ng mga bata at nilalagay sila doon
01:38para sa kanilang rehabilitation at accountability.
01:41Walang nilagay na maximum yung batas,
01:43pero minimum of one year nandoon siya for rehabilitation.
01:47Pwede na rin daw magsampan ng kasong sibilang pamilya ng biktima
01:50laban sa pamilya ng suspect.
01:52Maaari silang bayaran ng danyos.
01:54Paliwanag ng Juvenile Justice and Welfare Council,
01:56kailangan isaalang-alang na desisyon man ng batang krimen,
01:59malaki ang external impluensya sa kanila.
02:02Kaya mahalagang responsibilidad ng mga magulang at guardian
02:05para sa tamang paggabay sa mga bata
02:07sa gitna ng napakarami impluensya ngayon sa lipunan.
02:11Sa ngayon, hostisya ang sigaw ng pamilya ng biktima.
02:14Huwag daw sanang tratuhin bata ang suspect.
02:16Lagi na lang tumatanim sa isip namin
02:19bakit siya, bakit sa kanya nangyari yun.
02:22Gagawin namin ang lahat
02:23para sa hostisya ng apo namin.
02:26Para sa GMA Integrated News,
02:28ako si Rafi Tima ang inyo.
02:30Saksi!