00:00Inimbisigan na ng PIDEA ang mga viral video ng mga nangisay,
00:04mga tapos humithit na isang uri ng sigarilyong, kung tawagin ay, tuklaw.
00:09Ang tingin po ng PIDEA, posibleng may ibang halo ang tinatawag na black cigarettes.
00:14Saksi, si Mark Salazar.
00:19Viral ngayon ang video ng lalaking ito na tila naninigas at umiiyak
00:23habang hawak ng ilang tao sa lungsod ng tagi.
00:26Ang lalaki, pinahithit umano ng isang rider ng sigarilyo na kung tawagin ay tuklaw.
00:33Matapos nito ay ganito na raw ang sinapit ng lalaki na dinala sa ospital.
00:39Bago yan, ay may insidente na rin ng tatlong kabataan na nakuhana ng video
00:44habang tila kinukumbulsyon sa tabing kalsada.
00:47Matapos din umanong humithit ng tuklaw na tinatawag ding black cigarette.
00:52Nangyari yan sa Puerto Princesa sa Palawan.
00:54Ayaw na rin po doon sa dalawang minors natin na victims.
00:59After nilang hit-hitin yung alleged,
01:03dinidescribe nila na sigaret,
01:06doon na po nagsimula mag-iba yung pakiramdam nila
01:08at yun na po, mag-start na po yung seizure-like episodes nila
01:13o yung panginginig ng katawan nila na hindi nila makontrol.
01:16Ang PIDEA o Philippine Drug Enforcement Agency
01:19alam na rin ng mga insidente ito ng mga kabataang ikangay na tuklaw.
01:23Ayon sa PIDEA, ang tuklaw ay nanggagaling sa Northern Vietnam
01:28at tinatawag doon na tuwaklaw.
01:31Ang uri ng tabakong gamit dito,
01:33mas malakas kesa ordinaryong sigarilyo.
01:36Ayon sa Adjance France Press,
01:38ang tuwaklaw ay karaniwang hinihit-hit gamit ang malalaking bamboo pipe.
01:43Ayon naman sa ilang artikulo online,
01:46hindi raw ito hinihit-hit na parang ordinaryong sigarilyo
01:48at dapat hinay-hinay lang dahil lubha itong matapang.
01:52That's 9% yung nikotina niya as compared to the regular cigarettes
01:56na around 1 to 3% nikotin lang.
01:59So, doon mo makikita na mataas talaga ang concentration ng nikotin sa tuklaw cigarettes.
02:05Bakit ito gano'ng kataas?
02:07Because of the plant na ginamit dyan,
02:11yung nikotina rustica,
02:15as compared to nikotina tabakom,
02:17na yan yung ginagamit for ordinary cigarettes.
02:20Hinihintay ng PIDEA ang resulta ng lab test
02:23ng sample ng hinithit na mga nangisay na kabataan.
02:26Pero may suspet siya na ang PIDEA.
02:28Pusibling may ibang halo ang black cigarette na kanilang hinithit.
02:32Kung talagang black cigarette o tuklaw cigarette lang
02:34ang hinithit na mga kabataan ito,
02:37malakas na rin ang tama,
02:38pero hindi parang mangisay ng ganito.
02:40Pusibling mga cannabis,
02:42shabu and cocaine,
02:43there are also hallucinogenic effects po.
02:47So depende ako sa resulta ng laboratorio,
02:51depende sa katawan ng tao,
02:53yun yung maging epekto sa tao.
02:55There could be seizures,
02:57there could be hallucinations.
02:58Tinanong naman natin yung kasama rin nila ng nanginig.
03:01May mga binabanggit naman siyang kung saan niya nakuha,
03:05pero subject for investigation pa natin
03:08para makonfirm talaga natin kung
03:09kanino nang galing talaga itong alleged na sigarilyo na hinithit.
03:14Sa ngayon nagpapatuloy ang investigation ng PIDEA.
03:18Sinisilip din nila ang bentahan ng tuklaw online
03:20na sa pagkakaalam ng PIDEA ay hindi raw kasama
03:23sa mga regulated na sigarilyo sa merkado.
03:26Nagbuuna ng special task force ang PNP para sa kasong ito
03:30na pangungunahan ang PNP Puerto Princesa
03:33at gagabayan ang PNP Mimaropa.
03:35Kailangan pa na masusing investigation ho dyan
03:38kasi maaari hong naging adventurous lang itong mga ito
03:41or there could be a possibility na may nais mag-smuggle
03:46ng mga prohibited items sa ating bansa.
03:49Para sa GMA Integrated News,
03:51ako, si Mark Salazar,
03:54ang inyong saksi.
03:56Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:58Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
04:01para sa ibat-ibang balita.
04:05Mga kapuso, maging una sa saksi.