00:00Isang bagong sila na sanggol ang sinagip matapos matagpuan sa kanal sa Cavite.
00:05Saksi, si Oscar Oida.
00:10Dahil sa narinig na munting pag-iyak,
00:13kung kaya pilit na isiniksik ng lalaki ito ang sarili sa isang maliit na kudradong butas.
00:23At nang silipin sa isa pang anggulo,
00:26makikita ang ginagapangan niyang si Wang sa pagitan ng pader ng dalawang bahay.
00:31Sa baba niya, sa may tila kanal, may tila gumagalaw.
00:36Isang bagong panganak na sanggol na wala kahit anong saplot.
00:40Umiiyak kasi nilipagsilip nila yung sanggol na nandu doon.
00:45O di nga yun, siyempre po, kumilos na kami para maanuan.
00:49Pagsilip namin, baby nga, tapos binibidyo ang buhay pa.
00:52Sa video, kita kong paanong halos hindi magkasya ang lalaki.
00:58Ang kanyang paa, nakaangat pa, malayo sa lupa kung nasaan ang sanggol.
01:04Pero maya-maya pa, makikitang naiyuko niya patagilid ang sarili.
01:09At sa ilang saglit,
01:10Inangat ang kanyang braso.
01:20Bitbit na ng isang kamay ang kaawa-awang sanggol.
01:28Agad siyang binalutan ng tela ng mga nakaabang sa loob ng bahay.
01:33Ang mga tagpo na nangyari nitong lunes,
01:39mabilis na kumalas sa iba't ibang social media post.
01:42Kanina, nakilala ko ang kumuha sa baby na si Kent.
01:46Di raw niya alam kung paano niya napagka siya ang katawan sa butas ng exhaust pan.
01:52Di pa malinaw ang detalye sa kung paano napunta ang sanggol sa kanal.
02:18Pero ayon sa barangay, napag-alaman kalaunan na may minordeedad na nagsilang umano ng sanggol sa lugar.
02:26Bagay na kinumpirma naman sa amin ng pulisya.
02:29Bagamat di nagpa-interview sa harap ng kamera,
02:32sinabi sa amin ng kanilang bow sea officer na iniimbestigahan na nila ang pangyayari.
02:37At kasalukuyan na umanong na sa maayos na kondisyon ang mag-ina.
02:42Inoobserban sa di tinukoy na ospital ang baby.
02:45Habang na sa mga kaanak ang kanyang ina.
02:49Bibigyan namin na intervention yung mag-ina, lalo na yung baby.
02:53Kung hindi pa siya kayang alagaan dahil minordeedad yung nanay,
02:57ay pwedeng i-takeover ng social welfare.
03:01Kung may kapasidil ng magulang,
03:02igagayin namin yung pamilya sa tamang pagpapalaki doon sa baby at kung ano yung needs.
03:09Doon sa bata na nanganak, intervention for counseling,
03:16sa edukasyon niya kung kailang ipagpatuloy ulit yung pag-aaral niya.
03:21Sinibukan namin kunan ng pahayag ang mga kaanak ng ina ng sanggol,
03:25pero tumanggi sila sa panayam.
03:28Di na namin babanggitin ang edad,
03:30pero pasok siya sa edad 15 pababa,
03:33na ayon sa batas, ay exempted sa pananagutang kriminal.
03:36Bagaman kailangang isa-ilalim sa intervention program,
03:40tulad ng counseling at rehabilitation.
03:44Para sa GMA Integrated News,
03:46ako si Oscar Oydang, inyong Saksi!