00:00With 19 affirmative votes, 4 negative votes, 1 abstention.
00:19The motion of Sen. Marco Letta as amended by Sen. Joel Villanueva, adhering to the immediately executory decision rendered by the Supreme Court and Bank on July 25, 2025, which among others held that the Articles of Impeachment are null and void ab initio and that the Senate did not acquire jurisdiction and to transfer.
00:45The Articles of Impeachment in relation to Case No. 002-2011 entitled, In the Matter of the Impeachment Trial of Vice President Sarah Zimmerman Duterte, to the archives, the same is here by approved.
01:04Mga kapuso, bago sa saksi, archived na ang impeachment complaint laban kay Vice President Sarah Duterte.
01:11Sa sasyon kanina, labin siyam na senador ang bumoto pabor sa mosyon na i-archive ang reklamo kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang Articles of Impeachment dal sa paglabag sa one-year bar rule.
01:26Pero ang sabi ng ilang senador, maaaring mabuhay muli ang reklamo kung kakatigan ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng Kamara.
01:35Ang iba pang detalye, iatid namin maya-maya.
01:41Bago magbotohan sa mosyon para i-archive ang reklamo, mainit ang talakayan ng mga senador ugol sa desisyon ng Korte Suprema.
01:50Saksi, si Rafi Tima.
01:53Sa 24 na senador, lima lang ang bumoto pabor sa mosyon ni Senate Minority Leader Quito Soto na wag munang magdesisyon ng mga senador na i-archive ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sarah Duterte.
02:05Labin siya mang hindi pabor, kaya natuloy ang botohan sa kung anong gagawing aksyon sa impeachment complaint.
02:10Sa pagsisimula ng sesyon kanina, nagmosyon sa senador Dante Marcoleta na i-dismiss na ang impeachment complaint laban sa Vice.
02:17Mr. President, I respectfully move that impeachment complaint i-dismiss.
02:23Inilatag niya ang mga ginawang hakbang ng Kamara na hindi yung manunaaayon sa sariling nilang impeachment rules.
02:29Ang impeachment complaint po ay parang sinaing na niluto ng House of Representatives.
02:35Hilaw po eh.
02:36Kayo po ang nagsimula ng mali.
02:37Hindi naman po sinasabi ng Korte Suprema na kailanman ay wag kayong mag-impeach, wag na kayong mag-pile.
02:43Ayusin nyo lang po eh.
02:45Yun lamang po ang gustong mangyari dito.
02:47Ayusin nyo.
02:48You want to impeach the Vice President, do it in the right way.
02:52Nagsalita na raw ang Korte Suprema na walang horisdiksyon ng Senado kaya dapat nang i-dismiss ang impeachment complaint laban sa Vice.
02:58Pero gi-eat ni Minority Floor Leader Tito Soto.
03:01Hilaw yung complaint. Eh hilaw din yung decision.
03:05Punto ni Soto.
03:06Naghahain na ng motion for reconsideration ng Kamara at pinagkukomento pa ng Korte Suprema ang kampo ng Vice.
03:12Panukalan ni Soto.
03:13We shall wait for the resolution of the EMR.
03:16Please let us allow and give chance to the Supreme Court to rectify its decision.
03:22which contains clear and blatant errors for their sake and for the sake of future proceedings.
03:32Let us not dismiss forthwith.
03:35And in that light, considering the motion of the gentleman, the motion to dismiss, I move to table the motion to dismiss.
03:46A motion to table is a higher precedence than a motion to dismiss.
03:52Sinuportahan nila Sen. Ping Lakson at Sen. Rita Ontiveros ang panukalang itulis Soto.
03:56How do we deal with the pending motion?
04:00I refer to the motion to dismiss.
04:03Shall we even take it up?
04:06Or deal with it?
04:08Kasi wala po sa rules natin.
04:09Paano wala tayo pong guidelines?
04:12Kasi wala po sa rules natin yung motion to dismiss?
04:14We should exercise extraordinary prudence in this matter of transcendental importance.
04:21I agree and I continue to respect the Supreme Court.
04:26Hindi po magbabago iyan.
04:28But Mr. President, hindi naman po ibig sabihin ng respeto ay pananahimik.
04:33Sabi ni Sen. Marcoleta, unanimous ang desisyon ng Kultus Suprema kaya tingin niya ay mahirap na ro'y itong magbago.
04:43There's always a first time.
04:45Hindi lang po tulad nung sinabi ni Minority Leader na there's always a first time, it has happened before.
04:51In fact, the Supreme Court has reversed a unanimous decision in a lot of instances before.
04:59Tingin naman ng Sen. President Jesus Cudero, baka mas mailam na i-archive na lamang ang reklamo sa halip na i-dismiss.
05:29To dismiss and the procedure would be more properly to archive similar to what we have done in the past so that these proceedings will still be made part of the Senate's records.
05:42Pumayag si Marcoleta na amyanda ng motion at tilagay na lang ito sa archive.
05:46Sa ganitong paraan, ay masusunod pa rin daw ang desisyon ng Supreme Court pero magigit pa rin ng Senado ang kapangyarihan nito.
05:52Kinikilala ng Kampo ni Vice President Sara Dutente ang desisyon ng gabi ng Senado na i-archive ang Articles of Impeachment laban sa Vice-Presidente.
06:02We acknowledge yung naging desisyon ng Senado to adhere to the Supreme Court ruling and also to archive yung Articles of Impeachment.
06:14We have always maintained our position na talaga namang unconstitutional itong fourth impeachment complaint na naging Articles of Impeachment.
06:23Ay pa kay Atty. Michael Poa, pinaghahandaan nila magiging sagot o komento sa Korte Suprema sa inihayang motion for reconsideration ng Kamara.
06:33Ayon naman kay House Spokesperson Atty. Princess Avante, bukas na sila magbibigyan ng payag kaunay sa desisyon ng Senado.
06:41Sa ibang balita, magigit isang libong pamilya ang nawala ng tirahan sa sunog sa Tondo, Maynila.
06:47Saksi, si Marie Zumali.
06:53Nabalot ng makapalat maitim na usok ang bahagi ng Barangay 105, Tondo, Maynila.
06:59Ang maitim na usok, tanaw hanggang sa malayo.
07:07Mag-alas 10 na umaga, kita kung paanong lamunin ng apoy ang mga gusali kaya pahirapan ng pag-apula.
07:14Dagdag kalbaryo ang makipot na daan.
07:16Tide materials, mga junk shop, and then malapit sa tabing dagat. So malakas po yung hangin.
07:25Tumulong din sa pagsalok ng tubig ang isang chopper para mas mabilis na maapula ang sunog na umabot sa task force Charlie.
07:33Ibig sabihin na sa 35 fire truck ang kailangan rulis kundi.
07:37Mag-a-anim na oras na po. Pero fire under control pa rin. Ibig sabihin, hindi pa rin tuluyang naaapula ang apoy.
07:44Makikita namang abalang-abala ang mga residente dito sa aking likwaran sa pangolekta ng mga kalakal na pwede raw nilang pagkakitaan.
07:52Sa gitna ng pagsasalba ng mga residente ng kanilang mga gamit, bumumus naman ang malakas na ulan.
07:57Narinig ko na may sumabo. Kaya tumakbo na kami palabas. Kaya siguro ng mga kalan nga nagsabugan sa likod namin.
08:04Kasama sa inilikas ang kanilang mga alaga.
08:07Lumabas na rin po kami. Tapos sinanob ko namin yung mga alaga ko pong aso at mga pusa.
08:14Ilang residente ang sugatan. Gayun din ang dalawang bombero.
08:18Matapakon ko yung nodoro, yung wasak, pero lalibo.
08:26Pasado las 4 ng hapon nang magdeklara ng fire out. Sa barangay muna tumutuloy ang ilang nasunugan.
08:32Hindi pa alam ang sanina sunog pero ayos ang investigador.
08:36Mayroon silang sinasabi na mayroon na nananso. Kailangan niya na apoy para maluso yung plastic.
08:41Talabas yung tanso. May bebenta yung tanso.
08:43Sa di kalayuan, may inaresto naman ng mga pulis na nag-nakaw umano ng mga tanso.
08:49Pero hindi naman daw siya ang dahilan ng pagkasunog.
08:52Wala po.
08:53Wala? Eh, ba't ninyo na nakaw yan?
08:55Eh, pangalan po. Pangbigat-bigat lang po.
08:58Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo, Saksi.
09:03Patayang babaeng senior citizen matapos umanong matap sa loob ng nasusunog na bahay sa Quezon City.
09:09Saksi, si Jamie Santos.
09:13Nag-angalit na apoy at makapal na usok ang bumalot sa isang apat na palapag na bahay sa Scout Rallyos Extension, Barangay Sacred Heart, Quezon City.
09:23Sa kasamaang palad, nasawi ang 78-anyos na babae natapos umanong matrap sa loob ng nasusunog na bahay.
09:31Kwento ng tagapag-alaga ng biktima, nakita na lang daw niyang malaki na ang usok at apoy sa babang bahagi ng kanilang bahay.
09:37Silang dalawa lang daw sa bahay ng inaalagaan na bedridden ng maganap ang sunog.
09:42Nandun kami sa taas. Kukuwasan ako ng toby kasi iinom si mami. Pagtingin ko sa baba, alala, yung apoy, sobrang laki na. Hindi ko na maanuhan yun.
09:51Kinihingin ako ng tulong sa kapitbahay namin.
09:55Nawalan daw siya ng malay sa lakas ng usok at apoy sa loob ng bahay. Meron lang daw nagligtas sa kanya, kaya siya nakalabas ng bahay.
10:02May pasalamat din ako yung nagligtas. Maraming salamat po. Hindi ko na din masandaan yung muka. Kasi wala na akong malay.
10:13Di po sa loob talaga. Kaming dalawa ni mami, wala din kaming malay. Kasi yung apoy, ang lakas na kaya yung usok.
10:20Hindi ko na din maanuhan. Kaya din tulungan nila po ako paglabas. Hindi ko din siya mabuhat kasi wala na akong malay.
10:27Nagsabi po ako sa tao, si mami po, nandyan pa po sa loob, tulungan nyo naman. Sabi naman yung tao, hindi na daw kasi malakas na yung apoy.
10:35May iba pa raw silang kaanak ng biktima na kasamang nakatira sa bahay. Pero wala raw silang na maganap ang sunog.
10:41Wala kami, umalis kami. Kasama ko yung pinsan ko, yung anak ni Lola, yung tita ko. Umalis kami.
10:50Mabilis lang naman. Umalis kami mga 325, 330. Umalis kami.
10:54So nakabalik kami, magpopor. Kaya lang, nung pagbalik namin, nalaman na namin na kung may nangyari, nasusunog na daw.
11:03Sa second floor po, doon po namin siya nakita.
11:08Nasa kalapit lang na nasunog na bahay ang isang home healthcare facility.
11:12Kaya agad inilikas ang labing isang matatandang residente sa ligtas na lugar.
11:16Pasado alas 4 ng hapon ang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
11:21Fire out ito makalipas ang halos isang oras.
11:24Nagtulong-tulong ang 20 bumbero mula sa BFP at 25 mula sa fire volunteers para apulahin ang sunog.
11:32Patuloy pa rin iniimbestigahan ang pinagmula ng sunog at halaga ng pinsala.
11:36Sa ngayon po, inaalam pa namin yung pinagmula po ng sunog.
11:39Para sa JME Integrated News, Jamie Santos ang inyong saksi.
11:43Nagmisulang ilog ang ilang bahagi ng C3 roads sa Caloacan City dahil sa baha.
11:49Kasunod po yan ang malakas na pagulan sa lugar.
11:53Ilang sasakyan tuloy ang tumirik o di kay kinailangan itulak para makatawin sa baha.
11:58Nakaranas din ang pagulan sa Maynila.
11:59At ayon sa pag-asa, Local Thunderstorm ang nagpaulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
12:06Sa ngayon, dalawang low-pressure area ang minomonitor ng pag-asa sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
12:14Ang bagong na buong LPA sa labas ng PAR, huling namataan, sa layong 2,815 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
12:25Ayon sa pag-asa, lalapit ito ng bahagya sa PAR pero hindi inaasahang makaka-apekto sa bansa.
12:31Ang dapat paghandaan ay yung epekto ng LPA sa loob ng PAR na huling nakita 510 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
12:40Ayon sa pag-asa, posible itong lumapit at tumawid sa Northern and Central Luzon simula ngayong gabi hanggang bukas.
12:47Pwede rin tumaas ang chance nitong maging bagyo kapag nakarating na sa West Philippine Sea.
12:53Bukod sa LPA, lumalakas ulit ang habagat at dahil po diyan magiging maulan ng panahon sa malaking bahagi ng bansa.
13:02Tatlong patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Zamboanga del Sur.
13:06At sa Nueva Ecija, isang empleyado ng munisipyo ang patay sa pamamariin.
13:11Saksi, si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
13:17Nasa isang kainan ang lalaking ito nang lapitan ng isa pang lalaki sa Peneranda, Nueva Ecija.
13:24Ilang saglit pa, pinagbabaril ang 52 anyos na biktima na team leader ng Municipal Environment and Natural Resources Office.
13:32Ayon pa sa soko natin, 15 na gansat wounds yung natamo ng biktima na meron din marami sa ulo sa katawan.
13:47Isa sa iniimbestigahan ay kung may kinalaman ang krimen sa trabaho ng biktima.
13:53Bago kasi ang pamamaril, nag-inspeksyon pa sa mga poultry farm ang biktima.
13:57May pabuyang 200,000 piso ang LGU para sa makapagtuturo sa mga salarin.
14:05Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
14:09Pahirapan ang pagsagip sa dalawang lalaki na naipit sa loob ng sinakyan nilang truck matapos madisgrasya sa Tigbau Zamboanga del Sur.
14:17Ayon sa Tigbau Municipal Police, may karagang pison ang self-loading truck na nawala ng kontrol pagdating sa pakurbang bahagi ng daan.
14:27Dumiretsyo at nahulog ito sa bangin na may sampung metro ang lalim.
14:32Agad nagkatalon palabas ang dalawang sakay na nagtamo ng mga sugat.
14:36Pero ang driver at dalawa pa nilang kasama na ipit sa loob ng truck.
14:41Wala nang buhay na makuha ang isa sa kanila.
14:44Inabot ng gabi ang pag-rescue sa dalawa pang biktima na kalauna ay pareho ring nasawi.
14:50Nangako ang kumpanyang may-ari ng mga truck na sasagutin nila ang pagpapalibing ng tatlong nasawi.
14:56Gayon din ang pagpapagamot sa dalawang sugatan.
15:00Sinusubukan ang GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng mga sugatan at pamilya ng mga nasawi.
15:05Wala nang buhay ng matagpuan sa kanyang bangka ang isang manging isda sa baybayin sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
15:13Ayon sa kanyang live-in partner, hapon nang umalis ang biktima para manging isda pero kalaunan ay nakaranas ng ulang may pagkidlat.
15:20Lima sila.
15:22Nang upat, nagpasilong.
15:23Pero dili tagad rin naman.
15:25Naka-uban rin niya.
15:26Basako ang isiguan panagat.
15:28Wako nuna ng patuo ma'am.
15:29Largo ko nung mugsay nari.
15:31Katosya.
15:32Nanguan to siya nga para makauli.
15:34Ibarong mamabalig yung isda.
15:37Usay-sayo siya.
15:38Dagdag pa niya.
15:39Tinamaan ng kidlat sa dibdib ang biktima ayon sa soko.
15:43Nabutas din anya ang ginamit na bangka ng biktima.
15:46Ayon sa pag-asa,
15:48nagpalabas sila ng mga thunderstorm advisory kahapon at kasama rito ang Lapu-Lapu City.
15:53Walong anak ang naulila ng biktima.
15:57Nagpabot ng tulong ang Lapu-Lapu City LGU sa kanyang pamilya.
16:01Para sa GMA Integrated News, ako si Efren Mamak ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
16:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
16:13Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.