00:00Naging makabuluhan ang unang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bengaluru, India.
00:06Ito'y matapos maselyuhan ang 18 business agreement.
00:09Yan ang ulat ni Kenneth Paciente live.
00:12Kenneth.
00:15Yes, Diane, unang araw pa lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dito sa Bengaluru, India.
00:21Pero magandang balita na agad yung kanyang dala.
00:24Matapos kasi ang mga isinagawang business meetings ng miyembro ng kanyang gabinete sa counterparts nito,
00:3218 business agreements ang naselyuhan ng bansa.
00:36Kabilang dyan dayan ang sektor ng renewable energy, infrastructure, healthcare, education,
00:42information technology at business process management, digital services at manufacturing.
00:47Ginawa ang anunsyo ni DTI Sekretary Cristina Roque sa Philippines India Business Forum.
00:55This gathering stands as a testament to our enduring and dynamic partnership,
01:01marking a new and exciting chapter in the economic collaboration between the Philippines and India.
01:07Sa naturang forum o forum, muli ring ibinida ng Pangulo ang Pilipinas bilang investment hub,
01:15kasabay ang pagbibigay din sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan
01:18para mapabilis ang proseso ng pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa.
01:23And our policy direction is very clear.
01:28To make the Philippines a trusted, connected, and competitive node in the Indo-Pacific economy.
01:35This is the spirit of our administration's Bagong Pilipinas vision,
01:40a new Philippines that enables innovation, drives inclusive growth,
01:46and welcomes partners who share our aspirations for prosperity and for progress.
01:53Giit pa ng Pangulo, handa ang Pilipinas sa mga Indian investor.
02:00To our esteemed Indian partners, I want to assure you that the Philippine government
02:04stands ready to embrace your investments with open arms and with continuing and unwavering support.
02:12Samantala, Diane, dinalaw naman ni First Lady Liza Araneta Marcos sa Apollo Hospital
02:17ang mga batang sumasailalim sa gamutan laban sa cancer.
02:21Tiniyak ng unang ginang sa mga ito na kasama nila ang pamahalaan
02:26dahil gagawin anya ng gobyerno katuwang ang Philippine-India Chamber of Commerce
02:30ang lahat para sila ay matulungan.
02:34Yes, Diane, ngayong hapon naman dito sa Bengaluru, India
02:37ay pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:40yung iba't-ibang private meetings
02:42kasama yung mga executives ng mga private company
02:45para nga makapanghikaya at panglalo ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.
02:50At ito na muna ang latest mula dito sa Bengaluru, India.
02:53Balik sa'yo, Diane.
02:55Maraming salamat, Kenneth Pashente, live mula sa India.