00:00Bago po naging tropical depression Fabian, nagpaulan na ang dating low pressure area sa lalawigan ng Cagayan.
00:07Sa bayan nga po ng Santa Praxedes, nagdulot ng paghuho ng lupa at bato sa Cadcadir, Cabugaw Road sa barangay San Miguel
00:17at nagsagawa agad ng clearing operations doon.
00:21Wala namang naitalang napinsala o naisaktan sa paghuho.
00:25Binaharin ang tulay sa barangay Ibulo sa bayan ng Baggao.
00:30May debris nakasama sa baha kaya ipinagbawal muna ang pagtawid ng mga motorista.
00:36Gutter Deep na baha naman ang naranasan sa ilang kalsada sa barangay Bita Grande, ayon kay U-Scooper Cristal Aquino Nunez.
00:45Sa bayan ng Alcala, Gutter Deep din ang baha sa National Highway sa barangay Bakulod, ayon kay U-Scooper Filomena Pinyon Peralta.
00:54Sa mga kapuso po para sa inyong kwentong totoo, kwentong kapuso, sumali sa U-Scoop Plus Facebook group at i-share ang inyong mga larawan at video.
01:05Maaring ma-feature ang inyong istorya sa aming newscast.
01:08Gamitin lamang ang hashtag U-Scoop sa inyong mga post.
01:12Maaring ma-feature ang inyong mga post.