Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magit 20 kumpanya na nakitaan ng mga paglabag ang binawala ng Agriculture Department na mag-import.
00:07May mga nakumpis ka rin silang magit 700 metriko toneladang mackerel na sinubukang ipuslit sa bansa.
00:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17Sa halip ng mga nadeklarang snack items, nabisto ng Bureau of Customs na mackerel ang laman
00:23na humigit kumulang 20 container van galing China na sinubukang ipuslit sa bansa.
00:30Pinakakasuhan na ng customs sa Department of Justice ang mga sangkot ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
00:37Suspendido na rin ang mga permit ng kumpanya.
00:40Lima yung sinampahan ng kaso kasama yung may-ari at yung mga brokers.
00:46Nakapag-file na tayo, nakapag-submit tayo ng for filing of cases, labing dalawa.
00:52Gagawin natin talagang airtight yung mga kasong isasampa natin upang sigurado tayo na mapapanagot yung mga nagpasok nito, mga smuggled agricultural products.
01:03Ayon sa Department of Agriculture, madaling nilang nabisto ang iligal na pagpasok ng mackerel sa bansa dahil hanggang Oktubre may ban sa pag-import nito.
01:11Ang pinapayagan lang natin is mga isda na hindi nahuhuli dito sa Pilipinas tsaka yung mga murang isda katulad na sa Dinas.
01:19Anything makita mong galunggong na imported o mackerel, ibig sabihin smuggled yun.
01:24Tinatayang aabot sa mahigit 720 metric tons ang nakupiskang isda.
01:29Ayon sa Department of Agriculture, 19 na mga 40-foot na mga container vans ang naglalaman nitong mga smuggled na mackerel products.
01:38Plano na i-donate ito para naman mapakinabangan pa.
01:41Maaari raw itong i-donate sa mga apektado ng mga sakuna matapos lumabas sa mga pagsusuri na fit for human consumption ng mga isda.
01:49Sa tala ng Department of Agriculture, 24 na kumpanya na ang blacklisted sa pag-i-import.
01:56Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended