Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Amit ang lubid, daan-daan hinila pataas ang limang stranded na residente sa Tumalaong River sa Baungon, Bukidnon.
00:11Ayon sa uploadin ng video, biglang tumaas ang level ng tubig sa ilog kahit wala namang ulan sa lugar.
00:17Hindi rao ito namalayan ng mga residente na naliligo rao noon o kaya naglalaba ayon sa MDR-RMO.
00:25Nasagip ang lahat ng stranded at dinala sa Rural Health Unit.
00:30May namuun namang Dust Devil sa Tacloban City.
00:35At sa kumuha ng video, manang alas 10 sa umaga na masaksihan niya ng apat na beses sa parehong lugar ang tila isang buhawi.
00:43At sa pag-asa, hindi itunturing na buhawi ang mga ito kundi Dust Devil na kadalasan raw ay nabubuo sa maaraw na panahon kung saan hindi pantay ang pag-init ng lupa.
00:55Paalala po nila, umiwas kapag may namataang Dust Devil dahil pwede rin daw itong makapinsala.
01:00Maliliit na tipak ng yelo kasabay ng ulan ang bumagsak kanina hapon sa Fairview, Quezon City.
01:08Nakaranas din noon ng malalakas na hangin, kulog at kidlat.
01:12Localized thunderstorms ang nagpaulan kanina.
01:15Binabantayan pa rin ang bagyong goryo na posibleng lumakas pa sa mga susunod na oras.
01:19Huli itong namataan, 340 kilometers silangan-hilagang silangan ang Itbay at Batanes.
01:25Sa inilabas na track ng pag-asa, magtutuloy-tuloy ang pagkilos nito palapit sa Taiwan kung saan ito posible mag-landfall o tumama bukas na umaga o hapon.
01:34At sa kapo yan, tuloy ang lalabas ng PAR maring bukas na hapon o gabi.
01:39Habang lumalapit ang bagyong goryo sa Taiwan, posibleng mahagit na malakas na hangin ang extreme northern Luzon.
01:45Kaya nakataas ang signal number 1 sa Batanes as of 5pm bulletin.
01:52Bukod po sa malakas na bugso ng hangin at ulan, malalaking alon din ang mararanasan dyan kaya delikado sa mga sasakyang pandagat.
02:00At sa iba pang bahagi na bansa, dahil nga malayo ang bagyong goryo ay hindi kaanong ramdamang direktang epekto nito.
02:07Pero dahil sa habagat at localized thunderstorms, may chance na napagulan sa ilang lugar sa bansa.
02:13Basa sa datos ng Metro Weather, bukas na umaga, malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong goryo ang asahan sa extreme northern Luzon.
02:21May chance na rin ang ulan sa Mimaropa, western Visayas at western portion ng Mindanao.
02:26At pagsapit ng hapon, malaking bahagi na ng bansa ang posibleng ulanin.
02:31Halos buong Visayas at Mindanao naman ang maaaring makaranas ng mga pagulan sa hapon.
02:36May heavy to intense rains kaya ingat din po sa Bantanabaha o landslide.
02:40Dito po sa Metro Manila, may chance na naulan lalo na sa tanghali at posible rin ang thunderstorms sa hapon o gabi.
02:49Hindi na lang ang Pamosong White Sand Beach ang dinarayo sa Samal Island sa Davao del Norte.
03:01Pwedeng mag-ala sirena sa free diving.
03:05Simple lang po ang paghahanda.
03:07Huminga ng malalim, mag-relax at kung kaya, huwag kalimutang ngumiti underwater.
03:13Sa Vintar, Ilocos Norte naman, mabighani sa likas na hiwaga ng Encantadora Fox.
03:25Bughaw ang tubig na bukas sa mga gustong lumangoy.
03:29Maaliw rin sa ganda ng bedeng kabundukan sa palibid.
03:33Mga kapuso, salamat sa inyong pagsaksi.
03:39Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
03:46Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
03:51Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging...
03:53Saksi!

Recommended