00:00Sama-sama tayong magiging SAKSI!
00:16Mabilis na kumalit ang apoy sa isang residential area sa Sityo Santo Niño, Phase 1, sa barangay San Dionisio, sa Paranaque.
00:24Aabot sa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na inabot ng magigit 2 oras.
00:30Nahirapan ng BFP sa pagresponde dahil masigip ang mga iskinita at bigit-bigit ang mga bakay na gawa sa light materials.
00:38Isang fire volunteer ang nagtamon ng minor injuries sa kamay.
00:42Inimbisigan pa ang sanhinang sunog.
00:47Maggit 800 milyon pisong halaga ng hininalang shabu ang natagpuan na isang manging isda at isinuko sa mga otoridad sa bataan.
00:55Aalamin kung may kinalaman niya sa iba pang bulto ng shabu na natagpuan sa dagat nitong mga nakaraang buwan.
01:03SAKSI!
01:03Si Darlene Kat!
01:04Sa unang tingin, 6 na puting sako ng patuka sa manok ang tumambad sa mga pulis na rumisponde sa barangay Sisiman Mariveles, Bataan.
01:17Ayon sa PNP Region 3, isang manging isda ang nakakita sa mga sako na nakaipit sa mga bato malapit sa lighthouse o parola.
01:24Pero ang laman pala ng mga sako, 118 na pakete ng hinihinalang shabu.
01:31Nasa 118 kilos ang timbang at nagkakahalaga ng mahigit 802 milyon pesos.
01:37Nakasilid sa mga pakete ng Chinese tea ang hinihinalang droga.
01:40Kaya inaalam ng PNP Region 3 kung may kinalaman nito sa mga nalambat ng manging isda sa masinlok zambales na nakabalot din sa pakete ng tsaa.
01:48Naniniwala ako na may connection dahil based doon sa mga nahuli rin natin, na-recover rin natin before, halos pareho yung packaging, pati yung mga Chinese label.
01:59Halos pareho, malaki yung pagkakapareho nila.
02:03Pusibling baka nilagay ito and may kukuhang iba, or baka naman naka-recover niya, natakot, or iniwan na lang doon.
02:10So lahat na ang gulot, tinitingnan natin ano yung possibility.
02:13And dalabas naman yan doon sa investigasyon.
02:15Itong mga nakaraang buwan, ilang beses nakalambat ang mga manging isda ng droga sa iba't ibang bahagi ng Luzon.
02:20Sa loob ng tatlong araw, mula June 5 hanggang June 8, umabot sa mahigit isang tonelada ang shabu na nasabat sa coastal areas ng Pangasinan at Ilocosur,
02:30katumbas ng 6.88 bilyon pesos.
02:34Bago nito, may nakita rin na sa isa't kalahating bilyong pisong halaga ng floating shabu sa dagat sa Zambales noong Mayo.
02:40Paniwala ng PIDEA, galing yan sa tinatawag na Golden Triangle sa Southeast Asia.
02:45Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
02:51Siragit ng mautoridad ang magigit isang daang bata mula sa isang pribadong care facility sa Mexico, Pampanga,
02:57dahil sa mga sumbong ng umano'y pang-aabuso.
03:01Sa salaysay ng ilan sa mga bata, may mga pagkakataon umano na kinadena sila, pinagpapalo at hindi pinapakain.
03:09Saksi si JP Siriano.
03:10Kasama ang mga tauhan ng DSWD Field Office Central Luzon at pulisya,
03:19arestado ang isang Amerikanong pasto sa loob ng pribadong care facility sa Mexico, Pampanga.
03:25Nagpapatakbo siya ng Social Welfare and Development Agency o SWADA,
03:30pasilidad na reyestrado at otorizado ng DSWD na mag-alaga ng mga inabando ng bata.
03:36Inireklamo siya ng umano'y pang-aabuso sa mga batang inaalagaan ng pasilidad.
03:42Sinasaktan daw sila ng kanilang mga house parent at ng pastor ng lugar.
03:48Nagpapunta kami ng mga social workers who conducted a focus group discussion with their children.
03:53And doon talaga na validate, na verify na sinasaktan yung mga bata.
03:57Kasama ang DSWD na magkwento ang ilan sa kanila.
04:01Nakadena po sa...
04:02Parang kadena po ng aso.
04:04Nakadena pa dahil.
04:05Ito nga kaso.
04:07Ito's pinaalihin ko mayroon.
04:09Sa paa.
04:10Kadena po kami.
04:11Parang sa aso?
04:12Opo, ganun po.
04:13Kaso po yung kadena po na yung nakapal po.
04:16Isan daan at anim na pong bata sa pasilidad ang sinagig ng mga otoridad.
04:20Ang mga iba't ibang klaseng kwento ng pananakit ranges from ginapos ng gamit ng kadena na makakapal,
04:28pinaluhod sa graba, pinaluhod sa asin na may bato,
04:33pinalo ng yantok na yung ginagamit sa arnis, pinalo ng PVC pipe,
04:38kinulong sa kobeta, hindi pinapakain.
04:41Ang mga batang nasagit, dinala sa isang DSWD facility sa Lubaw, Pampanga
04:46at sumailalim sa counseling at iba pang pagsusuri.
04:50At matapos nga pong mailipat dito sa Lubaw, Pampanga,
04:53ang mahigit 160 na kabataang na narescue sa isang facility sa may Mexico, Pampanga,
04:59ay ipinoproseso po ng mga social worker mula sa DSWD
05:02at inaaral ang profile ng mga batang ito upang malaman kung saan silang center dapat ilipat
05:08upang ituloy ang pag-aalaga at pag-aaruga sa mga batang ito.
05:12Sa panayam ng Super Radio DZBB, kinumpirma ng DSWD na may mga senyalis ng trauma
05:19ang mga bata batay sa medico-legal.
05:42Naharap ngayon sa kasong paglabang sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse,
05:52Exploitation and Discrimination Act, ang pastor at direktor ng pasilidad.
05:57Wala naman katotohanan sa allegation, sir. Yun lang po.
06:00If gusto nyo pong nambawang comment ko, willing ko sabihin sa inyo na mahabang comment.
06:06Upon our arrest, we have to make a report sa BID, sa Bureau of Immigration para po sa record check ng foreign national.
06:15Then, syempre, since na foreign national, may separate report kami na isasubmit, particularly sa Bureau of Immigration.
06:24Pero bukod sa Amerikanong pastor, meron din yung house parent na lahat sila yun ang tinuturo na nananakit.
06:32May apat na house parent and then may isang social worker.
06:37Ang tinitignan natin doon yung mga house parent, kasi ang linaw ng kwento ng mga bata,
06:41yung social worker, mabait daw talaga yun.
06:43Pero tinitignan namin na ang gulo doon, bakit niya inalaw na nangyari ito.
06:47Patuloy ang investigasyon dito ng DSWD.
06:50Binalika naman ng GMA Integrated News ang pasilidad, pero sarado ang compound,
06:55bagaman may worship service, dahil pinatatakbo rin ito ng isang religious group.
07:00Bula sa Pampanga at para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
07:08Iimbisigahan ng tanggapan ni Sen. Robin Padilla ang lumabas na ulat na isang staff member ng Senador
07:14ang gumagamit umano na mariwana sa loob mismo ng gusali ng Senado.
07:20Sa incident report, pinangalanan ang pinaghinalaang staff bilang si Nadia Montenegro.
07:26Saksi, si Mark Salazar.
07:30Simoy ng tila marihuana sa loob mismo ng gusali ng Senado?
07:37Yan ang nireport sa Senate Sergeant at Arms, hindi lamang isa, kundi sa dalawa ng pagkakataon.
07:43Batay sa incident report ni LSO1 Victor Patelo, itinawag sa kanya noong Hulyo ang tungkol sa malakas na amoy.
07:51Nang inspeksyonin, wala rin siyang nakitang naninigarilyo.
07:53Nito namang August 12, isa ulit staff ng isang senador ang nagsumbong na may kakaibang amoy na nanggagaling sa ladies room ng extension offices ng mga senador.
08:04Inahilin tulad nito ang amoy sa mariwana.
08:07At sabi niya, ang tangi umanong na sa area ay si Nadia Montenegro.
08:11Ang dating aktres na si Nadia Montenegro ay staff ngayon ni Senador Robin Padilla.
08:16Nang tanongin ni Patelo si Montenegro, itinanggi niyang nanigarilyo siya sa loob ng ladies room o gumamit ng marihwana.
08:23Pero sinabi nitong meron siyang vape sa kanyang bag, kaya baka ito raw ang pinanggalingan ng kakaibang amoy.
08:29Sinusubukan naming makakuha ng pahayag mula kay Montenegro.
08:33Sa isang pahayag, sinabi ni Senate Secretary Attorney Renato Bantug Jr. na inatasan niya ang Senate Sergeant at Arms na agad magsagawa ng imbestigasyon.
08:42Sa utos din ni Senate President Chief Escudero, ipinadala ng Secretary of the Senate ang incident report tungkol sa umano'y paggamit ng marihwana sa opisina ni Sen. Padilla para sa kanyang kaalaman at naakmang aksyon.
08:56Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Sen. Padilla pero ayon sa kanyang Chief of Staff na si Attorney Rudolph Phillip Jurado,
09:04iniimbestigahan na nila ito at pinagpapaliwanag na rin ang nasasangkot nilang lady staff.
09:08Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
09:16Pinatatanggal na ng Banko Sentral sa mga e-wallet ang mga link at icon na mga online gambling platform sa kanilang mga app.
09:24Ang pagkor aminadong maraming iligal na online gambling platform na nahihirapan silang habulin.
09:31Saksi, si Mav Gonzalez.
09:32Pagsapit ng araw ng linggo, wala na dapat makitang links ng online gambling sa lahat ng e-wallet.
09:42Sa pagdinig ng Senado kanina, sinabi ng Banko Sentral ng Pilipinas na binigyan nila ng 48 hours ng e-wallets para tanggalin ng in-app links at icons sa online gambling.
09:52I believe, Mr. Chair, the BSP should issue a suspension order to e-wallet platforms to deny links to all these online game platforms para wala na pag-uusapan.
10:14Can the BSP do that?
10:17Yes, the Monetary Board of the Banko Sentral ng Pilipinas has approved our policy that we ask or we order direct the BSP-supervised institutions to take down and remove all icons and links, redirecting to all like that.
10:40Pero hindi sang-ayon ang mga senador na bigyan pa ng palugit ang mga e-wallet, lalo't ayon sa Department of Information and Communications Technology, pwedeng agad-agad itong magawa.
10:51Sir, why do we give them 48 hours pa kung sure naman kayo? So kung may mamatay ng 48 hours kasi nalulong doon?
11:01We want to give time to the BSP-supervised institutions to take down those in-app links and icons to the online gambling sites.
11:12The other reason, Your Honor, is so that we will also provide time for the customers, for the consumers, to withdraw their funds from the online gaming.
11:24Sunday morning, hindi ko na makikita yung games sa mga e-wallets.
11:27Apo, wala na.
11:28Pag may nakita po ako, ikokontem kita.
11:32Pwede po.
11:33Pero kalaunan, lumabas sa pagdinig na sa mismong e-wallet lang pala matatanggal ang links, pero pwede pa rin itong magamit pang bayad kung sa gaming website o app ka pupunta, maski yung mga iligal.
11:46Pwede rin mag-link sa mga banko, pwede rin mag-link sa mga e-wallets.
11:51Ibig sabihin, yung mga iligal, pwede rin i-link yung savings account mo.
11:58Ang gusto ho namin, i-delink na lahat sa mga online gambling.
12:02Wala nang e-wallet, wala nang banko ang pwede naka-link sa mga online gambling.
12:10Sabi ng BSP, agarang solusyon lang ang suspensyon ng in-app links ng mga e-wallet habang inaayos ang mas triktong regulasyon sa mga iligal na online gambling platform.
12:21Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ng GCash at Maya na handa silang tumugol sa direktiba ng BSP oras na matanggap nila ang opisyal na kautusan nito.
12:30Paalala naman ni Sen. Rodante Marco Leta na babaling ang CC sa e-wallets gayong online gambling platforms talaga ang problema.
12:37Ngayong 2025, tinatayang nasa 70 billion pesos ang kikitain ng Pagcor mula sa online gambling.
12:44Pero kumbinsido pa rin ang maraming senador na kailangan ng total ban sa online gambling.
12:49Sabi ng Pagcor,
12:50Pero pagcor na mismo ang nagsabi, 60% down ng mga nag-ooperate ngayon ang iligal at hirap silang habulin ang mga ito.
13:05I-migit ko mula sa 12,000 website ang natukoy na iligal at doon po ang naibaba na rin ng mga ahensyang tinukoy ko kanin-kanina lamang.
13:19I-migit ko mula i-round off na natin sa 8,000.
13:22Kaya cut and mouth situation eh.
13:26Habang iyong sinasaray ito mga ito, nakapagbubukas muli sa ibang pangalan o sa mga karagdagang damang.
13:34Sabi ng BSP, madaling maipapasara ang online gambling sites kung maglabas ng executive order ang Pangulo.
13:41Kung sakali, wala naman daw problema, sabi ng Pagcor at tutulong pa sila sa pagpapatupad nito.
13:46Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
14:04KikHOH.
14:04Kik barriers.
14:05KikHOH.