00:00Higit sampung motorista po ang nasita ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation o DOTR SAIC sa Ramon Magsaysay Bolivar sa Santa Besa sa Maynila.
00:11Ang detalye mula kay J.M. Pineda. J.M.
00:16Dayan, higit sampung mga motorista ka ang hinarang at ininspeksyon ng mga tauan ng DOTR Special Action and Intelligence Committee for Transportation o DOTR SAIC dito sa kawa ng Ramon Magsaysay sa Maynila.
00:27Karamihan sa kanila, mga nakamotorsiklo at walang helmet ang mga angkas.
00:32Isa pa, sa mga ikinakabahala ng DOTR SAIC ay puro mga estudyante ang sakay ng mga driver at ito ang mga walang suot na helmet.
00:40Katwira ng ibang mga motorista, mag-aatid lamang daw sila sa skwelahan at malapit lang ang kanilang bahay.
00:47Pero gaitang DOTR SAIC, dapat pagsuotin pa rin ang helmet ang mga batang estudyante.
00:52Kailangan rin naman na pasok sa standard ang helmet na susotin para maging ligtas sa biyahe, lalo pa at nakakasakay sila sa mga malalaking sapat-sakyan.
01:02Isa rin sa tinatarget ng grupo ngayong araw, yung mga pampublikong sasakyan na buhabiyahe pa rin kahit hindi na roadworthy.
01:09Ang ilan sa mga nahuli ay mga pudpud ang gulong.
01:12Hindi kumpleto ang ilaw at ang iba pa nga ay improvised sa plaka lang ang gamit.
01:16Daya na ayon sa DOTR SAIC, napakadelikado na pumapasada pa rin sa kalsada ang mga ganitong klaseng sasakyan, lalo pa at nagsasakay sila ng mga pasero.
01:28Umabot naman ng 5,000 ang multa sa mga ganitong violation.
01:31Dagdag pa dyan ang demerit point sa kanila mga lisensya.
01:34Samantala, tinitignan rin ang ahensya ang posibilidad na may lagayan o fixing na nangyayari.
01:39Kaya nakakalusot ang mga public utility vehicle o POV sa mga roadworthiness test.
01:43Nauna na nga rin sinabi ni Transportation Secretary Vince Tison na hindi ito katanggap-tanggap at dapat na itong maiwasto.
01:51Sa ngayon nga, Diana ay patuloy pa rin ang kanilang pag-inspeksyon dito sa kabanang Ramon Magsaysay.
01:56At mga bandang alas 8 jou ay titigil rin sila sa pag-ana dito at nilipat naman sa ibang lugar.
02:02Yan muna ang latest dito, Diana. Balik sa'yo.
02:04Maraming salamat, J.M. Pineda.