00:00Nalimas ang savings ng isang senior citizen matapos umunod siyang mag-install ng app dahil sa tawag ng nagpakilala raw na empleyado ng SSS.
00:10Ang sabi ng anak ng biktima nangyari yan kahit na hindi naman sila nagbigay ng personal na detali o one-time password.
00:17Saksi, si Ian Cruz!
00:22Perang pinaghirapan at inipon ang matagal, naglahong parang bula.
00:27Life savings ng isang senior citizen ang nadali ng scammer ayon sa kumakalat ngayong post sa social media.
00:36Base sa idinitali ng anak ng biktima, alas 11 ng umaga nitong Webes nang tumawag sa kanyang ama ang nagpakilala raw na empleyado ng SSS.
00:46Sinabi raw ng babae na may update ang SSS app at hindi na kailangan pumila sa branch para makakuha ng PRN o payment reference number.
00:57Na nagkataong kailangan noon ng kanyang ama.
01:01Ipinadala raw sa email ng kanyang ama ang link para ma-download ang app na kailangang i-install.
01:08Bandang tanghali, hindi raw makontakt nang nagpost ang kanyang ama kaya pinuntahan niya ito.
01:15Hindi pa raw natapos ma-install ang app kahit noong pasado alauna na ng hapon.
01:20Dito na raw siya nagduda na baka raw scam ito.
01:23Sinubukan daw niyang i-turn off o reset ang cellphone ng ama pero ayaw.
01:28Hindi raw makapag-screenshot at hindi gumagana ang mga pinipinot nila.
01:34Natigil ang daw ang app installation nang alisin niya ang SIM.
01:37At nang i-check ang mga bank account, nalimas na pala ang pera ng ama kahit wala naman daw silang ibinigay na personal na detalye o kahit OTP o yung one-time password.
01:51Inalis nila sa phone ng app installer.
01:53Inireport sa mga banko ang mga transaksyon, pinablock ang mga card at nagpalit ng passwords at PIN.
02:00Ang social security system, nagpaalala na hindi tumatawag o nagpapadala ng mensahe ang SSS para mag-alok ng espesyal na pribilehyo kapalit ng pag-update ng MySSS o SSS mobile app.
02:16Sa tingin ng isang cyber security professional, posibleng remote access throw dyan ang malware o malicious software na ipinadownload ng tumawag.
02:26Kaya parang na-takeover ng scammer ang cellphone ng biktima.
02:30When installed in your phone or in your laptop, the threat actor will have access, full access to your device and can even prevent the owner to operate the device.
02:45Nakikita niya lahat, nananavigate niya, na iyo kung saan siya pupunta.
02:50Pag may pumasok na OTP, pupunta siya dun sa message, makikita niya.
02:55So kung nag-transact siya...
02:57Ang dapat daw tandaan para hindi mga biktima ng mga scammer, huwag kakagaat sa mga teks o tawag, lalo ng mga taong hindi kilala.
03:06Huwag tayong makipag-transaction dahil hindi tayo nakakasiguro na maganda ang kahinat na nito.
03:12Ang PNP Anti-Cyber Crime Group, umaasang nalapit sa kanilang tanggapan ng biktima para matulungan nila.
03:19Sana matingnan namin, makausap yung biktima para malaman talaga natin kung ano yun.
03:26Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.