00:00Malawakang protesta sa Israel Iginasa para matigil ang halos dalawang taon ng digmaan sa Gaza.
00:07At sunog sa Japan, kumitil sa dalawang bumbero.
00:11Ya, at iba pang balik ng abroad, ating saksihan.
00:18Nabalot ng makapalausok ang bahagi ng isang entertainment and shopping district sa Osaka, Japan.
00:24Ayon sa local police, sumiklab ang sunog sa pitong palapag na gusali kung saan umuupa ang ilang restaurant at negosyo.
00:33Dalawang bumbero ang nasawi matapos matrap sa ikaanin na palapag.
00:38Tatlo pang bumbero ang kabilang sa apat na sugatan.
00:41Iniimbestigahan ang sani ng sunog.
00:45Malakas na hangin at ulan naman ang dala ng Hurricane Erin sa ilang bahagi ng Karibian.
00:51Kabilang dito ang British Virgin Islands.
00:53At ang Puerto Rico, kung saan nagdulot yan ng baha at nagpabagsak ng mga puno.
01:00Nagbabala ang US National Hurricane Center na piligroso ang dulot na alon ng bagyo.
01:06Sa eastern seaboard ng Amerika, lalot muli itong lumakas at naging category 4 storm.
01:13Libo-libo ang nagrally kagabi sa Tel Aviv, Israel.
01:17Para manawagang pakawalan na ang mga hostage sa Gaza.
01:20Hiling nila kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
01:24Tapusin na ang magdadalawang taong digmaan kontra Hamas.
01:29Ang pinakamahabang gyera na pinasok ng Israel mula ng magdeklara ito ng independence noong 1948.
01:36Kalagitnaan ng protesta, umalingaungawang air raid siren, hudyat ng misail na pinalipad mula sa Yemen.
01:46Isa pang nagpakita ng suporta sa kaanak ng mga hostage, ang aktres na si Gal Gadot.
01:52Ayon sa Israeli Police, 38 ang inaresto sa mga protesta.
01:58Ilan sa mga ralis ng nangaharang ng kalsada ang nakagirian ng mga polis.
02:04Nasa limampung hostage pa ang naranatili sa Gaza.
02:08Dalawampu sa kanila ang pinaniwalaang buhay pa.
02:11Nauna lang sinabi ng Hamas na pakakawalan nito ang mga hostage kung tatapusin ang Israel ang gera.
02:17Pero nanindigan si Netanyahu kung mananatilihan niya ang kapangyarihan ng Hamas sa Gaza.
02:24Mauulit lang ang nangyari noong October 7, 2023 kung saan may git-isang libo ang namatay noong umatake ang Hamas sa Israel.
02:34May git-anin na pong libo naman ang nasawi sa opensiba ng Israel sa Gaza.
02:41Isa pang problema ngayon sa Gaza ang matinding kakulangan ng pagkain.
02:46Ayon sa Health Ministry ng Gaza, may git-dalawang daan na ang nasawi dahil sa pagkagutom.
02:53May git-isang daan dito mga bata.
02:57Nauna nang itinanggi ng Israel na ginugutom nila mga Palestino sa baygiit na inaagaw raw ng Hamas ang tulong para dapat sa mga sibilyan.
03:07Bagay na itinatanggi naman ng Hamas.
03:10Magpupulong sa White House si U.S. President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky
03:17na susundan ng hiwalay na pulong ni Trump kasamang iba pang European leader.
03:23Isa sa gawang pulong kasunod ng summit ni na Trump at Russian President Vladimir Putin.
03:28Sa ulat ng Reuters, sinabi mo nun ni Trump kay Zelensky na inalok na ni Putin na itigil ang bakbakan sa front lines
03:36kung ibibigay ng Ukraine ang isa sa mga pinag-aagawang teritoryo.
03:41Tinanggihan daw yan ni Zelensky.
03:44Sa post ni Trump sa Truth Social, sinabi niyang kung gugustuin ni Zelensky,
03:49pwede niyang tapusin na ang gera sa Ukraine.
03:52Sinabihan din niya ang Ukraine na huwag nang bawiin ang Crimea na inalex ng Russia noong 2014
03:58at huwag nang sumali sa NATO o North Atlantic Treaty Organization.
04:04Netong magdamag, peto ang patay sa drone strike ng Russia sa Kharkiv sa Ukraine,
04:10kabilang sa lasawi ang dalawang taong gulang na bata.
04:14Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang inyong Saksi.
04:18Mga kapuso, maging una sa Saksi.
04:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.