00:00Inimbestigan sa Ilocos Norte ang pagpatay sa isang babaeng, nakita sa kanyang bahay na nakagapos ang mga kamay, may busal sa bibig at hubad.
00:11My Spot Report, si Bart Salazar.
00:16Sa loob ng bahay na ito sa barangay Lumbad, Dingras, Ilocos Norte, natagpuan ang bangkay ng 39 anos na tinder sa palengke na si Jacqueline Cabudol.
00:27Ayon sa pulisya, nakagapos ang mga kamay niya, may plaster sa bibig at wala rin daw suot na pang itaas.
00:35Batay sa post-mortem examination, may mga nakitang sugat at pasas sa ulo ng biktima.
00:41Nawawala rin daw ang mga pera at alahas ng biktima.
00:45Lahat iyan, pati na kung ginahasa si Cabudol, inaalam pa ng pulisya.
00:49So as to signs of struggle, sir, hindi gaanong natagpuan kasi siya dito sa may sala, hindi gaanong magulo yung lugar.
00:57Pero wala rin daw makikitang any signs na nag-away sila.
01:03Biyena ni Cabudol ang nakakita sa kanya.
01:05Aniya, hindi raw sumasagot si Cabudol sa tawag sa cellphone kaya pinuntahan na niya sa bahay.
01:12Hiwalay na raw siya sa asawa. May dalawa silang anak pero mag-isa na lang nakatira sa bahay.
01:17Sana makonsensya siya. Kasi dalawa yung anak niya na nag-aaral.
01:22Sa nagpapatuloy ngayong investigasyon, nire-review na ng pulisya mga kuha ng CCTV sa barangay
01:28para maalaman kung sino ang nagpunta sa kanyang bahay bago ang krimen.
01:34Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:39Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
01:43Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
01:46Muzika