00:00What is the name of the baby?
00:30A nang basag ng ngipin at pasa sa labi.
00:33Bukas, sasapahan ng reklamang child abuse sa piskalya ang suspect.
00:38Sinusubukan pa namin kunan ng panig, ang nanay ng bata.
00:43Pinag-iingat ang Embahada ng Japan ang kanilang mga mamamayan dito sa Pilipinas
00:47kasunod ng pagpatay sa dalawang Japones sa Maynila.
00:50Dalawang suspect ang arestado sa krimen na inaalam kung may iba pang motibo bukod sa pagdanakaw.
00:56May report si Maris Omali.
01:00Kuha ito na CCTV sa Malvar Street, Malate, Maynila, mag-aalos 11 ng gabi nitong biyernes.
01:09Makikita ang bumaba ang mga pasahero ng humintong taksi.
01:12Maya-maya, nagtakbuhan ang mga tao sa paligid.
01:15Tinambangan na pala noon ang dalawang pasahero ng taksi.
01:19Ayon sa Manila Police District, binaril sa ulo ang mga biktima.
01:22Pag tingin namin, may dalawa ng nakabulagta.
01:28Yung isa, kinukuha yung mga gamit ng nakabulagta.
01:33Wala silang parehas helmet, tapos parehas silang naka-face mask, naka-sumbrelo.
01:40Kinumpirma ng Embahada ng Japan at Japanese Nationals ang dalawang biktima na itinumba ng isang lalaking lumapit sa kanila.
01:48At Anila, tinangay ng mga salarin ang kanilang mga gamit bago tumakas.
01:52Nagpaabot sila ng pahikiramay at nakikipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa krimen.
01:57Nagbibigay na rin daw sila ng suporta sa mga naulilang kaanak ng mga biktima.
02:01Si Manila Mayor Esco Moreno, bukod sa nakiramay sa mga naulila, nangako rin bibigyan sila ng hustisya.
02:08Nakikipagtulungan daw sila sa PNP at ibang ahensya upang mapanagot ang mga may sala at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.
02:17Matapos ang pananambang, agad na bumuo ng Special Investigation Test Group Malvar,
02:21ang mga otoridad na tinututukan mismo ng regional at district director
02:26para masiguro ang mabilisang paglutas sa kaso.
02:29Hawak na ng MPD ang dalawang suspect.
02:31Ang isa ay ang mismong gunman.
02:33Nakilala siya dahil kita sa CCTV na nagtanggal siya ng face mask.
02:38Ang isa pang suspect, tour guide daw, nakasama ng mga biktima sa taxi.
02:42Nakuha na rin ang pulisya ang motorsiklong ginamit ng mga suspects sa pagtakas.
02:47Hindi pinisinta ng MPD sa media ang dalawang suspect na maaharap sa reklamo robbery, homicide o murder.
02:52Pero nasisilip din ang pulisya na hindi lang ito simpleng kaso ng robbery.
02:57Ito yung tinatawag nating target hit job.
02:59Sekundary yung tinitignan nating robbery para ma-mislead nila yung pag-iimbestiga.
03:04Maaga pa raw para sabihin kung may sindikato sa likod ng pamamaslang.
03:08Pero sabi ng MPD,
03:09Meron pa tayong mga hinahanap ng mga tao.
03:11Lahat mga involved dito, i-account natin at sasampahan natin ang kaukulang reklamo.
03:17Base po ito masamang ebidensya ang makakalap natin.
03:19Ang Japanese Embassy pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan na pupuntaon narito na sa Pilipinas.
03:25Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:29Huwag po basta-bastang magbukas ng link o mag-download ng app.
03:34Baka software yan na kayang kumontrol sa inyong smartphone.
03:38Isang pensioner ang nasimutang pera sa banko at e-wallet
03:41nang mag-install ng app na ipinadownload ng nagpakilalang taga-SSS.
03:47Narito po ang aking report.
03:49Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na nagsasabing
03:56nasimot ng scammer ang anyay life savings ng kanyang amang pensyonado.
04:02Kwento ng netizen, banang alas 11 ng umaga noong Webes.
04:05May tumawag sa ama niya na babaeng nagpakilalang empleyado ng SSS o Social Security System.
04:13Nagkataon daw noon na nagdolo ko ang SSS app sa cellphone at kailangang kailangan ng kanyang ama
04:19na malaman ang kanyang SSS Payment Reference Number o PRN.
04:24Sabi raw ng babae, may updates sa SSS app at hindi niya na kailangang pumunta sa SSS branch para makakuha ng PRN.
04:33Nag-email daw ang babae ng link at ginabayan ng ama sa pag-install ng sinabi niyang app.
04:39Nag-abiso pa raw ang babae na huwag patayin ang cellphone at hintayin matapos ang installation ng app bago ibaba ang tawag.
04:47Noong tanghali, hindi raw matawagan ng netizen ang ama niya kaya pinuntahanan niya ito sa kanyang bahay.
04:54Sabi raw ng kanyang ama, wala siyang natanggap na anumang mensahe o tawag wala sa anak.
05:00Nang mapansin nilang pasado alauna ng hapon ay di patapos ang app installation,
05:05kinutuba ng netizen na baka na-scam na ang ama.
05:08Hindi raw nila ma-shutdown o ma-restart ang cellphone.
05:13Ni hindi rin daw makapag-screenshot.
05:14Nahinto lang daw ang installation nang tanggalin nila ang SIM card.
05:20Pag-check nila sa bank accounts ng ama, nakita nilang nasimot ang laman ng mga ito.
05:26Kahit wala raw silang ibinigay na password, OTP, phone number o anumang personal na detalye,
05:32binura na raw nila sa phone ang app installer.
05:35Isinumbong sa mga banko ang mga transaksyon na di nila ginawa.
05:39Pina-blockdown nila ang mga card at online account ng ama at nagpalit ng passwords at PIN.
05:47Hinala ng netizen, mga senior citizen talaga, ang puntiriyah ng scammer.
05:52Ayon sa isang cyber security professional, ang malware o malicious software na pinadownload sa ama ay isang remote access trojan.
06:02When installed in your phone or in your laptop, the threat actor will have access, full access to your device and can even prevent the owner, the owner mismo to operate the device.
06:22Nakikita niya lahat, nananavigate niya kung saan siya pupunta.
06:28Pag may pumasok na OTP, pupunta siya dun sa message, makikita niya.
06:33So, kung nag-transact siya,
06:35Para di mabiktima, payo ng eksperto, huwag basta-basta patulan ang mga text o tawag, lalo na kung di kilala.
06:44Babala ng SSS, hindi sila tumatawag o nagpapadala ng mensahe para magbigay ng link sa pag-update ng kanilang may .SSS account o SSS mobile app.
06:55Maaring magsumbong ang mga nabiktima sa email o hotline ng SSS Special Investigation Department o sa PNP Anti-Cyber Crime Group.
07:11Banggaan ng Navy and Coast Guard vessels ng China na humabo sa barkod ng Philippine Coast Guard sa bawah di Masinlok,
07:17patunay o validation ng agresyon ng China ayon sa National Maritime Council o NMC.
07:22Ang kanilang aggressive and dangerous maneuvers backfired, bumaliktad, kumbaga na karma.
07:28Pero sa kabila ng mas mapangahas na panggigipit ng China sa West Philippine Sea,
07:32sinabi ng NMC na hindi pa rin sila magpapadala ng barkod ng Philippine Navy.
07:37Hindi raw ito kaduwagan, kundi pag-iwas sa miscalculation o misjudgment na posibleng magpanala ng hidwaan sa dagat.
07:44Sabi ng PCG, may apat pang China Coast Guard vessel na nakateploy sa bawah di Masinlok.
07:49Nadia Montenegro, nagbitiw sa pagiging tauha ng opisina ni Sen. Robin Padilla sa gitna ng isyo ng umunoy paggamit ng marihuana.
08:00Tinanggap na ni Padilla ang kanyang pagbibitiu.
08:03Pero giit ni Montenegro, hindi ito pag-amin sa kasalanan, kundi pagpapakita ng respeto sa Senado at sa opisina ni Sen. Padilla.
08:10Pumalag din siya sa pagkalit ng incident report ng Office of the Senate Sergeant at Arms na nagpangalan sa kanya.
08:17NBI Director Jaime Santiago, itinanggi ang aligasyong tumatanggap siya ng protection money.
08:25Kasunod ito ng anunsyon niyang irrevocable resignation o di na mababawing pagbibitiu sa pwesto.
08:31Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Santiago na sinisiraan daw siya ng mga may interes sa kanyang posisyon
08:37at hindi raw niya hayaang madungisan ang kanyang reputasyon.
08:40Ano niya, handa siyang manatili sa pwesto hanggang sa makapili ng kapalit niya si Pangulong Bongbong Marcos.
08:46John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:54Iniimbestigan sa Ilocos Norte ang pagpatay sa isang babaeng.
08:57Nakita sa kanyang bahay na nakagapos ang mga kamay, may busal sa bibig at hubad.
09:02May spot report si Bart Salazar.
09:05Sa loob ng bahay na ito sa barangay Lumbad, Dingras, Ilocos Norte, natagpuan ang bangkay ng 39 anyos na tindera sa palengke na si Jacqueline Cabudol.
09:19Ayon sa pulisya, nakagapos ang mga kamay niya.
09:22May plaster sa bibig at wala rin daw suot na pang-itaas.
09:26Batay sa post-mortem examination, may mga nakitang sugat at pasas sa ulo ng biktima.
09:32Nawawala rin daw ang mga pera at alahas ng biktima.
09:36Lahat iyan, pati na kung ginahasa si Cabudol, inaalam pa ng pulisya.
09:40So as to signs of struggle, sir, hindi kaanong natagpuan kasi siya dito sa may sala, hindi kaanong magulo yung lugar, wala tayong makikitang any signs na nag-away sila.
09:54Biyana ni Cabudol ang nakakita sa kanya.
09:57Aniya, hindi raw sumasagot si Cabudol sa tawag sa cellphone, kaya pinuntahan na niya sa bahay.
10:03Hiwalay na raw siya sa asawa. May dalawa silang anak, pero mag-isa na lang nakatira sa bahay.
10:08Sana makonsensya siya. Kasi dalawa yung anak niya na nag-aaral.
10:14Sa nagpapatuloy ngayong investigasyon, nire-review na ng pulisya ang mga kuha ng CCTV sa barangay para maalaman kung sino ang nagpunta sa kanyang bahay bago ang krimen.
10:25Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:30Pinunan ni Oriental Mindoro, Gov. Bons Dolor, ang mga substandard na flood control project sa kanyang probinsya.
10:37Nasa 1.9 billion pesos ang kabuang halaga ng siyam na dike sa Oriental Mindoro na gumuho sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Hulyo.
10:48Ayon kay Gov. Dolor, anim sa siyam na dike ay San West Incorporated ang kontraktor,
10:55habang isa naman ang St. Timothy Construction Corporation.
10:57Kasama ang San West at St. Timothy sa mga construction company na binanggit ni Pangulong Marcos na naka-corner ng 20% ng flood control contracts sa buong bansa.
11:10Hinihingi pa ng GMA Integrated News ang kanilang reaksyon.
11:13Pinimbisigahan na ng DPWH Regional Director ang mga proyekto.
11:17Tinanggal na rin sa pwesto ang project engineer at iba pang tagapagbantay ng mga proyekto.
11:24National Aspen Day ngayon, araw ng mga asong certified Pinoy na hindi lang sa mga palarong Pinoy masayang kasama,
11:33subject din sila ng isang tanyag na Japanese artist sa exhibit for a cause.
11:38May report si Dano Tinggungko.
11:40Asong Pinoy meets Larong Pinoy sa isang event kahapon bisperas ng National Aspen Day.
11:52Nag-enjoy sila at kanilang fair parents sa paglaro ng tumbang preso, piko, luksong baka at pabitin.
11:59Taon-taon nga raw sumasali sa Aspen Day si Muffy.
12:02This year, big winner siya at kabilang sa kanyang napanalunan ay hotel overnight stay.
12:07Kanina, bida ulit si Muffy bilang news sa live painting ng Japanese Pet Portrait Artist na si Hiro Ishikawa.
12:16Ang ngayon'y 12-year-old Aspen, puppy pa lang ng kup-kupin ng firmam niyang si Quenny.
12:21It's just so happy that my dad transed upon a mother who just gave birth in the streets.
12:27Tapos dun po namin nakuha si Muffy as a puppy pa po.
12:30Ngayong araw, naka-exhibit ang mga pop-style painting ni Ishikawa na hango sa mga Aspen na nasa shelter ng Philippine Animal Welfare Society o POS.
12:40First time talaga kami nagkaroon ng full-blown art exhibit for the animals.
12:44And sabi ko nga it's a powerful combination art and the advocacy.
12:48I feel that this art will really put the spotlight on the plight of Aspens na hindi sila masyado na-adapt.
12:56They're not really treated as well or as good as the purebred dogs.
12:59Isang linggo tatagal ang exhibit na ang proceeds ay mapupunta sa POS Animal Shelter para sa mga Aspen.
13:06He wanted to give some of the earnings to the POS so that he could help a lot of animals inside the POS.
13:14After this event daw po, after this exhibition, nagbigay daw po ito ng lakas ng loob sa kanya.
13:19Nagkaroon din daw po siya ng confidence to do more charity works,
13:25especially for the POS para magawa ito ng mas marami at makatulong pa po siya sa mas marami po.
13:30Ayon sa POS, mga Aspen pa rin ang halos lahat ng kaso ng animal abuse na napapaulat sa kanila.
13:36Pero sa mga nakalipas na taon, unti-unti na rin daw nababago ang pagtingin ng publiko sa mga Asong Pinoy.
13:42We have to be proud of our own. We have to stop treating our native dogs as second-class citizens of our own country.
13:51That's why we put the National Aspen Day so close to Linggo ng Wika.
13:55For people who are interested in adopting a dog, I really, really advocate and recommend for them
14:02to check the shelters here in the Philippines, check with POS and all the other organizations
14:07who are working to save the Aspens.
14:10Kasi it's such a rewarding journey and a rewarding experience to be able to save a life.
14:18Kaya po, better po sana if we adopt instead of shopping for pets.
14:24Danating kung ko nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:27Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
14:31Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.