00:00Natangayan ng 7,000 piso halaga ng panindah ang isang tinderang nakatulog dahil sa sobrang pagod.
00:08Ang nahulikam na krimen sa pagtutok ni Jomer Apresto.
00:15Tila balisa ang babaeng yan na nakuhanan ng CCTV sa bahagi ng Dagupan, Crikside, sa barangay 49 sa Tondo, Maynila, linggo ng umaga.
00:24Makikita pa na ilang beses siyang nahagip sa video na nagpabalik-balik at tumatakbo.
00:28Natangayan pala siya ng halos 7,000 piso na halaga ng mga panindah.
00:33Ilang minuto bago ang pagnanakaw, makikita ang isang lalaki na napadaan sa lugar.
00:37Tila kumuha pa siya ng tsempo at dahan-dahang tinangay ang malaking bag ng biktima na naglalaman ng mga sari-saring panindah tulad ng mga pangtali sa buhok at mga plastik.
00:47Ayon sa 32-anyos na biktima, dahil sa pagod, naka-edlip siya sa tabi ng kanyang rolling cart.
00:53Magdamag raw kasi siyang nagbantay sa palengke at maglalako naman sana siya pagsapit ng hapon.
00:57Kasi po, 200 lang po yung binenta ko sa palengke. Kulang na kulang po.
01:04Nakatulog po ako. Pahinga po ako, natulog po ako ng saglit para may lakas po ako para maglako po.
01:12Ang problema, inutang niya lang raw sa kanyang kapitbahay ang puhunan dito para may maipangkain ng kanyang pitong anak.
01:20Nananawagan siya ngayon ng tulong sa Manila LGU.
01:22Hindi niya alam kung gaano kaalagan nung panindah ko nakuha niya.
01:28Pambaw ng anak ko sa pangkain namin sa araw-araw.
01:32Misahay ko kay Mayor, sana po mabigyan ako ng pwesto para makakuha ko ng pangaraw-araw namin.
01:39Pangkain saka panggaso sa mga anak ko.
01:41Kasi ayoko po maranasan nilang magutom.
01:45Sabi naman ng barangay, bagamat hindi nila residente ang biktima, handa silang magbigay ng tulong sa kanya.
01:51Nakikipagugnayan rin daw sila sa iba't ibang barangay na posibleng nakakakilala sa salarin.
01:56Nag-usap kami ng council.
01:58Tutal, nalalapit na yung mga quarterly na sahod namin.
02:02Ambag-ambag kami para mapunuan yung mga nawala sa kanya.
02:08Nakikipagugnayan po tayo sa mga kapulisan yung kailangan merong additional police visibility at barangay official barangay tunnel visibility para mailang yung mga tao.
02:19Nananawagan din ang barangay na agad makipagugnayan sa kanila sa oras na may makakilala sa lalaki na tumangay sa mga paninda ng biktima.
02:27Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:38Jomer Apresto nakatutok 24 oras.