Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:006 days of a ceasefire deal for the last two years of Gaza at Trilateral Summit
00:07with Russian President Vladimir Putin,
00:11as well as the U.S. President Donald Trump and Ukrainian President Vladimir Zelensky.
00:17Atting saksihan!
00:22Nabalot ng itim na usok ang lunsod ng Kremenchuk sa Ukraine,
00:26kung saan naroon na nag-iisa nitong oil refinery.
00:30Ayon sa mga opisyal sa Ukraine, inatake ng mga drone ng isang gas transport facility.
00:36Daanda ang residente na wala ng kuryente.
00:38Ayon sa isang Russian news agency,
00:41sinusuplayan ng pasilidad ang armed forces ng Ukraine sa gitna ng gyera nito sa Russia.
00:47Nangyari yan isang araw matapos ang kulong ni na U.S. President Donald Trump
00:51at Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa White House.
00:55Nangako si Trump, tutulong ang Amerika na garantihan ang siguridad ng Ukraine
01:01kapag nagkaroon ng kasunduan para matapos ang gyera nito kontra Russia.
01:05Nagpasalamat dito si Zelensky at sinabing handa itong bumili ng $90 billion na halaga ng armas mula Amerika.
01:22Pagkatapos ng pulong tumawag si Trump kay Russian President Vladimir Putin
01:26para sa pusibling pulong ng Russian leader kasama si Zelensky
01:31na susundan ng Trilateral Summit sa pagitan nilang tatlo.
01:35And we are ready for Trilateral as President said.
01:39This is a good signal about Trilateral. I think this is very good.
01:43Sumama rin sa White House ang mga leader ng United Kingdom,
01:46Germany, France, Italy, Finland, European Union at NATO.
01:51Ang gusto ng European leaders, ceasefire muna ang ipatupad
01:56bago ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
02:01Dapat din daw kasama ang European leaders sa peace talks.
02:05Pero sabi ni Trump,
02:07But we can work a deal where we're working on a peace deal while they're fighting.
02:12They have to fight. I wish they could stop. I'd like them to stop.
02:15But strategically, that could be a disadvantage for one side or the other.
02:18Sa gitna naman ng halos dalawang taon ng gera sa Gaza,
02:23tinanggap na ng Hamas ang mungkahing 60 araw na ceasefire.
02:28Ayon sa isang Hamas official, kasama sa proposal,
02:31ang pagpapalaya ng 200 Palestinian convict na nakakulong sa Israel,
02:36kasama ang hindi tukoy na bilang ng mga babae at minority edad.
02:40Palalayain naman ang 10 buhay na hostage sa Gaza
02:43at ibabalik sa Israel, ang labi ng labing walong nasawing hostage.
02:48Kasama rin sa ceasefire deal ang partial withdrawal ng pwersa ng Israel sa Gaza,
02:53kung saan mahigit 60,000 na ang nasawi mula nang magsimula ang gera noong October 2023.
02:59Ayon sa ilang opisyal ng Israel na nakapanayam ng Reuters,
03:04pag-uusapan ng ceasefire proposal sa mga susunod na araw,
03:08sa gitna yan ang plano ng Israel na bagong opensiba
03:11para tuluyang makontrol ang Gaza City.
03:15Marami ng Palestino ang lumikas doon dahil sa pinangangambahang ground offensive.
03:20Para sa GMA Integrated News,
03:23ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
03:26Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:30Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended