Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Let's go!
00:01Let's go!
00:02Let's go!
00:04Let's go!
00:06Let's go!
00:08Taksi!
00:15Hello, mga suspects!
00:16Some of the incident of rape
00:18have been arrested in Antipolo City.
00:20One suspect is a woman who is 13-year-old.
00:25One of the suspects is a woman who is 13-year-old.
00:29Ating saksiha!
00:44Mag-enroll sa pinapasokang koleyo sa Antipolo City,
00:47ang estudyanting ito nang silbihan ng pulisya ng warrant of arrest.
00:51Suspect ang 19-anyos na lalaki at isa pang kaklase
00:55sa pangahalay umano sa kaklaseng babae.
00:58Ayon sa pulisya, nagkaaya ang mag-inuman ang magkakaklase.
01:02Nalasing umano ang biktima,
01:04kaya inaya ng mga suspect na magpahinga muna sa kwarto.
01:08Doon na raw halinhinang hinalay ang biktima.
01:11Ang biktima ay labing walong taon po.
01:14So mga kaklasmeet nila po ito habang nagiinuman sila ay inabuso sa ginawang pangahalay po.
01:21Makalipas ang ilang araw, nagsampan ang kaso ang biktima laban sa dalawang suspect.
01:26Sa ngayon po ay at large yung isang suspect one na siyang pasimuno.
01:32Naharap sila sa two counts of rape.
01:35Kabugado ko na lang po kakusapin.
01:37Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
01:40Sa istasyon ng pulisya sa Antipolo City pa rin,
01:43positibong itinuro ng 13-anyos sa babae ang lalaking humalay umano sa kanya.
01:48Ayon sa pulisya, isang tricycle driver ang nakapansin sa malaking kiss mark sa lieg ng minor de edad.
01:55Nang tanungin, sinabi ng biktima na hinalay siya ng 33-anyos na security guard sa isang subdivision.
02:02Inireport ito ng tricycle driver sa nagpapatrolyang pulis at agad nadakip ang suspect.
02:08Yung ating biktima ay hindi na pinauwi ng suspect at doon na lang pinatulog sa kaibigan na bahay na paupahan.
02:16Opo, kung saan sila nagiinuman.
02:19Pilit na hinalay na yung ating biktima ng dalawang beses at kinumagahan, saka pa lang siya pinauwi.
02:27Hindi naman ito ay tinanggi ng suspect pero depensa niya, mayroon silang relasyon ng biktima.
02:32Palagi raw siyang pinupuntahan ng babae sa pinagtatrabahuhan niya.
02:36Ito po yung pagmumalikula sa batang yan.
02:38Sana mga patawad na ako sa mga nagawa ko sa iyo.
02:41Tumagin magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
02:56Nasa kustodiyena ng pulisya ang suspect na maharap sa two counts ng statutory rape.
03:01Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:06Kinontrata umano sa halagang siyam na milyong piso ang dalawang suspect sa pagpatay sa dalawang Japanese sa Maynila noong viernes.
03:15Ang sa Manila Police District, isang dayuhan na nasa Japan ang kumontrata sa isa sa mga suspect na si Alias Abel
03:22para kumuha ng grupo at gawin ang pagpatay.
03:25Pero 10,000 piso pa lang daw ang nakukuha ng mga suspect.
03:29Regular din daw na bumibisita sa Pilipinas ang dalawang biktima at madalas na pinagmamaneho ni Alias Abel.
03:36Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa malaking sindikato sa Japan ang nasa likod ng krimen at kung ano ang kanilang motibo.
03:44Sinampahan na ng two counts of murder at theft ang dalawang na-arest ng suspect habang tinutulis pa ang isa pang tasamahan na tumangay sa gamit ng mga biktima.
03:54Timbog sa Paranaque ang dalawang Vietnamese national na wala umanong lisensya para mag-practice ng aesthetic medicine sa bansa.
04:02Saksi si Katrina Sohn.
04:04Hindi na nakapalag ang dalawang Vietnamese national sa ikinasang entrapment operation ng NBI Cybercrime Division sa Esthetic Clinic sa Paranaque City.
04:17You have the right to remain silent. Anything you say may be used against you.
04:21Ikinasang operasyon ang ma-verify sa Professional Regulation Commission na walang lisensya para mag-practice ng aesthetic medicine ang dalawang dayuhan.
04:30We have at least two individuals who went to the office.
04:34Ang sabi ko nila, they have a schedule for aesthetic clinic po.
04:41We found out that this aesthetic clinic involves two foreign national.
04:47Tumambad sa mga operatiba ang mga clinic bed at ilang gamot na ginagamit sa mukha.
04:52Ayon sa NBI, peligroso ang ganitong pagpapractice umano ng mga dilisensyadong doktor sa bansa.
04:59The fact that we could not check if they are really doctors, hindi tayo sigurado kung yung mga procedures na ginagawa nila at yung mga gamit na ginagamit for these procedures are approved by the FDA or other Filipino associations.
05:15Sasampahan ang mga dayuhang sospek ng reklawong illegal practice of medicine at misbranding of products sa ilalim ng FDA at Pharmaceutical Act.
05:24Paalala ng NBI sa publiko, huwag agad maniniwala sa mga nakikita online. Suriin kung may lisensya ang mga doktor sa klinik na pupuntahan.
05:34At tignan kung FDA approved ang mga gagamitin gamot sa iyo ng klinik.
05:39Kung dayuhan naman ang doktor, i-verify kung may lisensya silang mag-practice sa bansa.
05:45Tuloy pa rin ang operasyon ng NBI laban sa illegal practice ng mga dayuhan, partikular sa aesthetic medicine.
05:51Marami po kami ang mga sinasurveillance ngayon na mayroong mga foreign nationals na nagpa-practice ng aesthetic medicine dito sa Pilipinas.
06:01Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, ang inyong saksi.
06:08Imbes ng nobyong nahulikam na nananakit, ang tsahin ng 6 na taong gulang na batang minaltrato sa Kaloocan, ang gustong ireklamo ng ina ng bata.
06:18Sa ngayon, hawak na ng Kaloocan City Prosecutor's Office ang reklamong child abuse laban sa nobyo.
06:25Saksi si Jonathan Andal.
06:27Tuluyan ng inihabla ang lalaking na video hang nanakit sa 6 na taong gulang na anak na lalaki ng kanyang nobya.
06:37Sinamahan ang bata ng kanyang tsuhin para ihain ang reklamong child abuse sa piskalya sa Kaloocan City.
06:43Sa medical legal report, lumabas na nabasag ang ipin at nagkapasa ang labi ng bata dahil sa nahulikam na pambubugbog.
06:50Pero sabi ng nanay ng bata na nagtatrabaho abroad, iaatras niya ang reklamo laban sa boyfriend.
06:56Sa halip ang kanyang ireklamo, ang isa pa niyang kapatid na nagpost online ng video ng pang-aabuso sa kanyang anak.
07:02Sobrang stress ko po dito doon dahil sa mga atpost po ng kapatid ko na yun.
07:09Iaatras ko po yung kaso ng jowa ko sir.
07:11Kasi binastos na rin po ako sa social media.
07:14Sirang-sira na rin po ako.
07:15So pag uwi ko po ang kakasuhan ko yung kapatid ko.
07:18Sobrang po yung paninirang ginawa sa akin sa social media po sir.
07:21Kasi hindi ko sinabing ipost yung video ng anak po sir.
07:28Iniingata ko yung privacy ng anak ko.
07:30Kaya ko po na ipost yung video for awareness po para mabigyan ng ustisya yung sa pamangking ko.
07:36Kwento ng ina ng biktima, gusto niya talagang panagutin ang boyfriend.
07:40Doon hindi pa ipinopost ng kapatid ang video.
07:42Yung sasinabi po ng kapatid ko na wala akong balakkasuhan sir yung boyfriend ko.
07:49Sir hindi ho totoo yun.
07:51Ang sabi ko ho talaga sa boyfriend ko, mahal kita pero dapat panugutan mo yung kaso.
07:55Actually sir, dalawang beses ko siyang pinapunta sa DSWD ho at saka sa pulis ho kahapon.
08:01Hindi ko talaga siya dinampot at wala pa pong file.
08:04Inakusahan din ang nanay ang kapatid ng pananakit sa kanyang anak.
08:08Nung nasa puder niya ito, kaya ito ay pinagkatiwala sa boyfriend.
08:11Nagsumbong ho sa akin yung jowa ko na bakit maraming kurot.
08:15Sobrang dahil ho may mga pekla to.
08:17Sabi ho ng anak ko, inukurot daw ho nila ho doon.
08:21Nanay ko, yung mga titan niya ho.
08:24Itinanggihan ang tsahi ng bata na nagpost ng video.
08:27Hindi lalaki ng ganyang kalulusog yung anak niya kung sinasaktan dito.
08:31At wala po siyang napatunayang pasadyan kahit iharap ko sa kanya yung barangay ng 175
08:36na nag-arap-arap kami bago makuha yung bata ng lalaki.
08:39Ayon sa ina ng bata, uuwi siya sa Nobyembre para kunin ang bata at tatlo pang anak sa mga kapatid.
08:52Pero nanindigan ang tsahi.
08:53Hindi namin pwedeng ibigay kasi baka pag nakuha niya, ipapasa na naman niya sa kung sino-sinong tao,
09:00ibibigay niya sa hindi ka mag-anak, hindi ka dugo. Kung kakasuan niya ako, lalabad din ko.
09:04Sabi ng Caloocan City Social Welfare Department, maaaring manatili pa rin ang bata sa poder ng tsahi.
09:09Kung wala pa tayong evidence na talagang sinasaktan, status ko tayo, doon muna yan sa tsahi.
09:19Pero kung mapatunayan sa investigasyon na sinasaktan din ang bata sa poder ng tsahi at walang kakayahan ng ina na alagaan na anak,
09:26sila na ang kukuha sa kustodiyan ng bata.
09:29Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal ang inyong saksi.
09:32Siya ang nabloke ng cocaine ang natagpuan sa baybay ng barangay Carmen sa Hernani, Eastern Samar.
09:40May 35 milyong piso ang halaga ng kontrabando.
09:43Sumailalim ang iligal na droga sa pagsusuri ng Eastern Samar Provincial Forensic Unit at doon na kumpirmang cocaine ito.
09:51At basa sa markings ng pakete, maaaring galing umano ang iligal na droga sa South America.
09:57Ipirasabina sa Senado ang mga contractor ng mga flood control project na hindi dumalo sa pagdinig.
10:04Kasama rito ang contractor ng sinasabing ghost project na iniimbisagahan ng DPWH sa Bulacan.
10:10Saksi, si Mav Gonzalez.
10:15My office received reports that there are ghost projects in the municipalities of Kalumpit, Malolos, and Hagonoy in the province of Bulacan.
10:24Can you confirm this?
10:26Yes, Your Honor.
10:27That's true.
10:29Well, this is the information that we have received, Your Honor.
10:32Mismong Department of Public Works and Highways na ang nagkumpirma, may mga hinihinalang ghost project particular sa First Engineering District ng Bulacan.
10:40And the contractor allegedly, Wawaw Builders, correct?
10:48That's correct, Your Honor.
10:49Ayon sa DPWH, 9 billion pesos ang kontrata ng Wawaw Builders sa buong bansa.
10:55Sa Bulacan pa lang, 85 proyektong nagkakahalaga ng 5.91 billion pesos na ang hawak nito mula 2022 hanggang 2025.
11:04Iniimbestigahan na raw ito ng DPWH.
11:07Pero nire-relieve na ang buong District Engineering Office.
11:10Was there a senator or a congressman who inserted that for that particular area?
11:16Well, we'll just have to find out, Your Honor.
11:19Walang dumalo mula sa Wawaw Builders sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
11:23Dahil dito, ipinasabina ang Wawaw Builders at pito pang kontraktor sa flood control projects na hindi dumalo sa pagdinig.
11:30Kasama riyan ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation, Top Notch Catalyst Builders, Sunwest Incorporated, LRTK Builders Incorporated, High Tone Construction and Development Corporation, at Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation.
11:47I recommend to our Senate President Pro Tempore to subpoena the owners of the corporations, not merely representatives, kasi nasubukan na natin dito yan, pag representatives, wala hong isasagot huyan.
12:05Si Sen. Wynn Gatchalian isiniwala at na may mga kontraktor na nakakuha ng bilyong-bilyong pisong halaga ng flood control projects kahit pang mababa ang kanilang kapital.
12:15Ang MG Samidan Corporation halimbawa, 250,000 pesos lang ang paid-up capital, pero mahigit 5 bilyong piso ang kontrata sa gobyerno.
12:24Ang QM Builders naman, 1.25 million pesos ang paid-up capital, pero mahigit 7 billion pesos ang nakuhang kontrata.
12:32QM Builders, ang kanyang contract is 7.3 billion, pero ang kanyang capitalization is 1.2 million.
12:40So ang punto ko, meron talagang mga tao na linalaro po yung pre-qualification stage.
12:49Sagot ng may-ari ng QM Builders, dalawa ang kumpanya nila. Isang hardware store at isang construction na pareho ang pangalan.
12:56Siguro raw, para sa hardware store ang nakuhang financial statements ng Senador.
13:00Ang sinasabi niya, meron siyang 40 billion pesos.
13:03Yung NFCC, kinocompute ng times 15 yun, Mr. Eche. Halimbawa, may 1 billion ka sa bangko.
13:11Pwede ka sa 15 billion. Kaya kami mong kontrata hanggang 40 billion.
13:16Pero uminit ang ulo ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Rodante Marculeta
13:20nang sabihin ng QM Builders na wala pa silang nagawang proyekto sa gobyerno.
13:24Hindi ka pa nakagawa ng project?
13:27Hindi pa kasi yung nag-asawa ko ng 1991, nag-upisa kami sa hardware.
13:31Yung maliit na hardware, nag-tintal ng bambo, mag-ano'n eh.
13:35Bakit nasama ka sa labing limang contractors sa listahan ng Pangulo?
13:40Gumawa na tayo ng contract contractors.
13:43O ngayon gumawa ka na naman. Ano ba talaga yung totoo?
13:45O, baka hindi ka makauwi sa araw na ito. Nagsisinungaling ka na naman eh.
13:53Kanina sinabi mo hindi ka pa nakapagumpisa eh.
13:57Meron akong hawak na martilyo rito, sinasabi ko sa'yo.
14:00Mr. Chair.
14:02Huwag kang tatawa-tawa kasi hindi nakakatawa ito ah.
14:06Mr. Chair, man.
14:06Dito lang nagsisinungaling ka na eh.
14:08Sa huli, pinasumite na lang ng komite ang financial statements ng kumpanya.
14:12Pag-amin ni DPWH Secretary Manny Bonoan sa pagdinig kanina, may ghost project sa nakaraang dalawang taon.
14:19Kung nakalagay doon completed tapos ghost, eh di lahat nung nag-report hanggang doon sa USEC.
14:24I'm not saying involved yung USEC kasi nire-report lang sa kanila.
14:28Pero lahat nung bumaba eh involved sila kasi bakit sila magre-report na completed kung wala.
14:33Meron po yung Quality Assurance Unit in all levels, meron sa District Office,
14:37meron din sa Regional Office, and meron din sa National Level, Your Honor.
14:43Winasyon din sa pagdinig ang kawala ng koordinasyon ng DPWH sa River Basin Control Office o RBCO
14:49para sa pag-develop ng master plan sa flood control projects.
14:53Unfortunately, Your Honor, I think this is one of the challenges that we have to face.
14:58I admit, Mr. Chairman, that we have not had any significant coordination at this point in time.
15:07We started from the wrong foot.
15:09Kung baga, yung palang pinaka-susi ng lahat ng ito.
15:15Gawa na kayo ng gawa ng project, DPWH.
15:20DBM, bigay na kayo ng bigay ng mundo.
15:22Pero yung opisina na mayroong pananagutan na pag-i-integrate,
15:32i-connect na lahat ng inyong ginagawang flood control,
15:36natutulog pala, hindi pala nyo kinukonsultan, hindi pala kayo magkakakilala.
15:40Sabi pa ni Bunuan, wala raw feasibility studies ang flood control projects.
15:45Ang meron lang ay project impact analysis.
15:46Pinapare-allocate ni Sen. Bam Aquino ang 243 billion pesos na pondo para sa flood control
15:53sa 2026 national budget papunta sa mga munisipyong tukoy na madalas bahain.
15:58Pagating po sa flooding, yung mga lugar na may flooding talaga,
16:02I would guess meron po kayong expertise kung saan talaga yung totoong flooding sa Pilipinas.
16:06Magsabit tayo, yung talagang totoong flood control,
16:10yung talagang flood control budget na talagang swak talaga sa pangailangan ng tao.
16:15Iginiit naman ni Sen. Meg Subiri na walang magagawa ang Public Works at Budget Departments
16:20kung magpasok ng kung ano-anong proyekto ang mga mambabatas at maisabatas ang national budget.
16:25Paglabas po ng budget, iba nang itsura ng budget,
16:29eh wala na po silang magagawa dahil batas po yan.
16:31Kailangan po nalang implement yun.
16:33That's the elephant in the room.
16:35Where are the sources of these funds?
16:37And let's expose it.
16:38Para si GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
16:42Maikpit na binabantayan ng Pidea ang bentahan online ng sigarilyong tuklaw
16:47na nagdulot ng pangingisay sa ilang humithit.
16:51Nasa kustodiyan na ng Pidea ang ilang piraso ng tuklaw matapos itong isuko.
16:56Saksi si June Veneracion.
17:01Maliban sa kakaibang kulay, parang ordinaryong sigarilyo lang ang itsura ng tuklaw
17:05ang pinag-uusapang black cigarette mula Vietnam.
17:08Pero huwag basta hihit-hit.
17:11Tulad ng ginawa ng tatlong kabataang ito sa Palawan.
17:14At ng isang pinahit-hit sa Taguig City,
17:17ang huli, nangisay, nagsisigaw, umiiyak at biglang nagwala.
17:24Ang mga ipinakitang sample ng Philippine Drug Enforcement Agency o Pidea
17:28isinuko ang ano ng mga di nagpakilalang lalaki dala ng takot.
17:31Kung saan lang nakuha, iba-iba yung mga nababanggito nila.
17:36Well, yung mga iba may sabi, nakukuha lang online.
17:39Yung mga iba, bigay daw ng mga kaibigan.
17:41So, lahat na mga ito, binabacktrack investigation po natin.
17:45Sa lab test, nagpositibo rin ang mga ito sa synthetic cannabinoid.
17:49Tulad ang nakita sa mga hinithit na mga naunang biktima.
17:53Kung mahinahina yung katawan ng tao, that would eventually lead to death.
17:56May mga minomonitor ng internet site ang Pidea
17:59kung saan lantaran umano ang bentahan ng tuklaw.
18:03Nangangalap muna sila ng ebidensya bago magsagawa ng barbast operation.
18:06Yan yung kailangan din bantayan ng mga courier services
18:10na baka magamit din po sila for illicit activities.
18:16Para sa GMA Integrated News, June venerasyon ang inyo. Saksi.
18:22Tatalakayin sa susunod na bilateral consultation mechanism
18:24ang banggaan ng dalawang balko ng China sa Bajo de Masinluc.
18:29Ang sa National Maritime Council, sa kabila ng insidente niyan,
18:33hindi daw magpapadala ang Pilipinas ng balko ng Navy
18:35para samahan ang mga misyon ng PCG at BFAR.
18:39Saksi, si Chino Gaston.
18:45Nitong August 17, magkakasamang naglayag malapit sa Lubang Island sa Bindoro
18:50ang mga warship ng Pilipinas, Australia at Canada.
18:53Bahagi ito ng Philippine-Australia Alon Military Exercises
18:57na magpapatibay ng interoperability o kakayahang magsanib puwersa
19:02ng magkakaalyadong bansa.
19:04Ito ang panglabing dalawang joint sale ng Pilipinas
19:06at mga kaalyadong bansa sa karagatan mula 2023.
19:11Naniniwala ang Philippine Navy na mabisang pang-kontra
19:14sa panggigipit ng China ang mga joint sale sa karagatan.
19:17Nangyari ang joint sale isang linggo matapos ang banggaan ng Chinese warship
19:40at Coast Guard vessel habang hinahabol ang BRP Suluan sa bahot ibasinlok.
19:44Ayon sa Department of Foreign Affairs, kasama ang pinakahuling insidente
19:49sa bahot ibasinlok sa mga tatalakayan ng Pilipinas at China
19:52sa darating na bilateral consultation mechanism kung saan host ang bansa sa taong ito.
19:57The issues on the bilateral is always discussing everything of the South China Sea
20:02and this is the mechanism that really works because we are the channel of communication.
20:08Dagdag naman ng Philippine Navy patuloy itong magpapatrolya sa buong EEZ ng bansa
20:13pati na ang bahot ibasinlok.
20:15Pero nagtanungin kung panahon na nga bang makialam ang Philippine Navy sa panggigipit ng China.
20:21The premise itself is speculative in nature.
20:25The posturing of the armed forces is based on contingency plans.
20:29So in between that, the details of that will leave it up to the unified commander.
20:34But your AAP will always be there to render assistance when needed, if needed.
20:38Ang isang security analyst nag-aalala sa posibleng ganti ng China.
20:43They have to show that you cannot just get away causing China to lose space.
20:48There will be consequences.
20:50Yung nakitang Chinese Coast Guard vessel doon sa mouth ng Manila Bay.
20:54I heard that the Chinese Coast Guard is planning to conduct yung patrol
20:58just within our 12 nautical miles territorial waters.
21:02May lumalabas ngayon eh na in order yata yung Chinese Coast Guard to see to it
21:06that they will ensure that our Coast Guard could never leave the 12 nautical territorial waters.
21:13Kahapon, sinabi ng National Maritime Council na hindi ipadadala ang mga warship ng Philippine Navy
21:18para samahan ng mga PCG at BFAR missions sa baho di Masinlo.
21:22Napakaliwanag ng direktibo natin, Pangulo.
21:25Hindi tayo magpapabaw kasi we do not know what will happen if two Navy vessels are there.
21:30Kasi doon pwede mangyari miscalculation, misjudgment.
21:33Hindi naman nasasabi dahil hindi tayo nagde-deploy there, na naduduwag tayo.
21:37Hindi. We are just being prudent. We are just being practical.
21:40And we do not want this situation to escalate.
21:44And if ever escalates, it is not to the best interest of our country.
21:50Hindi nagpapatinag ang Philippine Coast Guard at patuloy na maglalayag papuntang baho di Masinlo
21:55para magpatrolyah at bantayan ang mga mangingisda.
21:59Handa rin daw ang buong gobyerno sakaling maulit-muli ang panggigipit at panghaharang ng China doon.
22:05Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
22:09Ano yun na pong araw na ceasefire deal imunungkahi para sa magdadalawang taon ng gera sa Gaza
22:16at trilateral summit kasama si Russian President Vladimir Putin
22:21pinaplano matapos ng pulong ni na-US President Donald Trump at Ukrainian President Vladimir Zelensky.
22:28Ating saksihan.
22:29Nabalot ng itim na usok ang lunsod ng Kremenchuk sa Ukraine
22:37kung saan naroon na nag-iisa nitong oil refinery.
22:41Ayon sa mga opisyal sa Ukraine, inatake ng mga drone ng isang gas transport facility.
22:47Daan-daang residente na wala ng kuryente.
22:49Ayon sa isang Russian news agency,
22:52sinusuplayan ng pasilidad ang armed forces ng Ukraine sa gitna ng gyera nito sa Russia.
22:57Nangyari yan isang araw matapos ang pulong ni na-US President Donald Trump
23:02at Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa White House.
23:07Nangako si Trump tutulong ang Amerika na garantihan ang siguridad ng Ukraine
23:12kapag nagkaroon ng kasunduan para matapos ang gera nito kontra Russia.
23:17They are first line of defense because they're there. They're Europe.
23:22But we're gonna help them out also. We'll be involved.
23:24Nagpasalamat dito si Zelensky at sinabing handa itong bumili
23:28ng 90 billion dollars na halaga ng armas mula Amerika
23:32pagkatapos ng pulong tumawag si Trump kay Russian President Vladimir Putin
23:37para sa posibleng pulong ng Russian leader kasama si Zelensky
23:42na susundan ng Trilateral Summit sa pagitan nilang tatlo.
23:46Sumama rin sa White House ang mga leader ng United Kingdom, Germany, France, Italy, Finland, European Union at NATO.
24:03Ang gusto ng European leaders, ceasefire muna ang ipatupad
24:07bago ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
24:12Dapat din daw kasama ang European leaders sa peace talks.
24:16Pero sabi ni Trump,
24:17But we can work a deal where we're working on a peace deal while they're fighting.
24:23They have to fight.
24:24I wish they could stop. I'd like them to stop.
24:26But strategically, that could be a disadvantage for one side or the other.
24:30Sa gitna naman ng halos dalawang taon ng gera sa Gaza,
24:34tinanggap na ng Hamas ang mungkahing 60 araw na ceasefire.
24:38Ayon sa isang Hamas official, kasama sa proposal ang pagpapalaya ng dalawandaang Palestinian convict
24:45na nakakulong sa Israel, kasama ang hindi tukoy na bilang ng mga babae at minority edad.
24:51Palalayain naman ang sampung buhay na hostage sa Gaza
24:54at ibabalik sa Israel ang labi ng labing walong nasawing hostage.
24:59Kasama rin sa ceasefire deal ang partial withdrawal ng pwersa ng Israel sa Gaza,
25:04kung saan mahigit 60,000 na ang nasawi mula nang magsimula ang gera noong October 2023.
25:11Ayon sa ilang opisyal ng Israel na nakapanayam ng Reuters,
25:15pag-uusapan ng ceasefire proposal sa mga susunod na araw,
25:19sa gitna yan ang plano ng Israel na bagong opensiba para tuluyang makontrol ang Gaza City.
25:26Marami ng Palestino ang lumikas doon dahil sa pinangangambahang ground offensive.
25:31Para sa GMA Integrated News,
25:33Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
25:38Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa Corte Suprema
25:42na ibasura ang inihayang motion for reconsideration ng Kamara.
25:46Ang apela ng mababang kapulungan ay kag-unay sa desisyon ng kataas-taas ang hukuman
25:51na labag sa salingang batas ng Articles of Impeachment labat sa vicepresidente.
25:57Ating saksihan!
25:58Kinumpirma ng abogado ni Vice President Sara Duterte na naghahain na sila ng komento
26:07sa motion for reconsideration ng Kamara sa Supreme Court.
26:11Pagtutul ito, sanayis ng Kamara na baligtarin ang deklarasyong null and void
26:16ng impeachment complaint laban sa vice.
26:18Sa 27 pahin ng komento na sinumite sa Corte Suprema at nakapost sa website ng SC,
26:25hiniling ng vice na ibasura ang motion for reconsideration ng Kamara
26:29dahil sa kawalan ng merito.
26:31Ayon sa kampo ng vice,
26:33walang kinakailangang factual correction sa desisyon
26:35dahil nakasandal ito sa katotohanan.
26:38Mga diversion o paglilihis lamang daw ang mga ito sa tunay na arason ng desisyon.
26:43Gayit ng kampo ng vice,
26:45nag-commit ng grave abuse of discretion ng Kamara
26:47at sadyang binaliwala ang mga inilatag ng konstitusyon
26:51na mga limitasyon sa kapangyarihan nito na mag-impeach.
26:55Si Vice President Sara Duterte,
26:57nagpunta sa Kuwait kung saan binisita niya ang Filipino community doon.
27:01Ayon sa vice,
27:02kwenis siya ng kampo ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
27:05ang jurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC sa kaso.
27:10Dabanggit din niya ang hiling na interim release ng kampo ng ama
27:13o ang pansamandalang paglaya habang dinidinig ang kinakaharap niyang kaso.
27:18Ayon sa vice,
27:19sinabi ng kanyang ama na hindi naman daw niya tatakasan ang kaso
27:23sakaling mapagbigyan ang interim release.
27:26Para sa GMA Integrated News,
27:29ako, Susan Imara Fran, ang inyong saksi.
27:33Kinukumpuni na ang diking nasira sa bayan ng Baco sa Oriental Mindoro
27:37dahil sa mga pag-uulan noon pang Desyembre.
27:40Nadagdagan pa ang pinsalan ng diking nang humagupit ang habagat nitong Hulyo.
27:46Saksi, si Maki Pulido.
27:51Bayan ng Baco sa Oriental Mindoro
27:53ang isa sa pinaka-flood prone area ng probinsya.
27:56Kaya umasa ang mga residenteng nakausap namin
27:58na tapos na ang problema ng baha
28:00nang sinimulang itayo ang diking ito
28:02na may habang 220 meters
28:04sa halagang nasa 250 million pesos.
28:07Ayon sa Engineering Department ng Bayan ng Baco,
28:10walang koordinasyon ang proyektong ito sa munisipyo.
28:13Pero batay sa kanilang monitoring,
28:15natapos ang diking ito noong April 2024.
28:19Pero gumuho ang ilang bahagi ng proyekto
28:21matapos lang ng nasa 7 buwan.
28:24Gumuho ang halos kalahati ng diking noong nakaraang Disyembre
28:27kasabay ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha.
28:31At noong nakaraang Hulyo,
28:32panahong hindi dapat sila binabaha,
28:34nalubog uli sila sa malalim at rumaragasang tubig.
28:38Pinasok na ang bahay ng mag-asawang Juliet at Marcelo
28:41at nalubog ang kanilang tanim
28:43na dati naman daw hindi nangyayari.
28:45Sabi ko sa amin,
28:46hindi na ito babahay.
28:47Ang aming ito,
28:47libre na kami sa baha.
28:48Mas malaki ang bahang mangyayari sa amin.
28:50Patiwa aming taniman,
28:51nalulubog, nalulubog ang mga taniman.
28:54Ang dike na dapat haharang sa tubig,
28:56nalubog daw sa dami ng tubig na rumagasa sa ilog.
29:00Ang proposal po dapat dito ay,
29:01dahil sabi nga po ng mga taga rito,
29:04ay matataas po ang baha.
29:05So dapat po,
29:06mas matataas yung design ng flood control.
29:09Dalawang linggo na mula nang simulang
29:11i-repair ng kontraktor ang gumuhong dyke,
29:13ang Relay Construction.
29:15Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ng kontraktor.
29:17Kung same design, siguro po,
29:19baka po maging ganun po ulit.
29:21Baka po bumagsak ulit.
29:22Kung ganun pa rin po ang gawin nila.
29:24Mahira po ang pagba.
29:25Dahil sobrang laki ng tubig.
29:27Wala ang aming mga halaman.
29:30Was out lahat po ang aming mga tanim.
29:33Pakaya po ang mga tao.
29:34Kawawa po.
29:35Sa bayan ng Nauhan,
29:36na ayon kay Governor Bons Dolor
29:38ay hindi may tuturing na flood-prone area,
29:40higit sa kalahati ng flood control projects
29:43sa probinsya ay doon itinayo.
29:45Nasita na ng gobernador
29:46ang mga gumuhong dyke sa bayan
29:48dahil daw substandard.
29:50Bakit sabi kong substandard?
29:51Ang cost, 561,000 per linear meter.
29:54Tapos ganoon ang result.
29:55Gawa ang mga ito ng SunWest Inc.
29:57na sinusubukan pa namin makuhana ng panig.
30:00Kabilang ang SunWest
30:01sa labing limang kontraktor
30:02na tinukoy ni Pangulong Marcos
30:04na naka-corner umano
30:05sa 20% ng flood control projects
30:08sa buong bansa.
30:09Wala namang pagguho
30:10sa dalawang proyektong nakakuha
30:12ng pinakamalaking budget
30:13na may kabuang halaga
30:14na higit P578,000,000
30:17sa dike
30:18ang may habang higit 500 meters
30:20ayon sa kapitan ng barangay.
30:22Sa halagang yan,
30:23tinatayang nasa 1,000,000
30:24ang budget
30:25sa kada metro
30:26ng itinayong dike.
30:28Sa halagang ito,
30:29ayon sa kapitan ng barangay,
30:30naprotektahan sa baha
30:31ang dalawang sityo
30:32ng barangay Metolsa
30:33at isa pang kalapit na barangay.
30:36Siyempre, magtataka ka rin.
30:37Bakit?
30:38Gano'ng kalaking pondo to.
30:39Pero nung nakita ko naman po
30:41na gano'ng kaganda
30:42yung ginawa sa barangay namin.
30:44Sa kabuuan,
30:45isang Oriental Mindoro
30:46sa nakakuha ng
30:47pinakamaraming
30:48flood control project
30:49na umaabot
30:50sa higit 11 billion pesos.
30:53Higit 3.3 billion pesos nito
30:55na corner ng
30:56top 15 construction companies
30:58na binanggit
30:58ni Pangulong Marcos.
31:00Kasama na rito
31:01ang mga proyektong
31:01may pinakamahal
31:02na project cost.
31:04Para sa GMA Integrated News,
31:06makipulido
31:06ang inyong
31:07Saksi.
31:14Priority ngayon
31:15ni ex-PBB housemate
31:17Shubi Atrata
31:18ang pagkakaroon
31:19ng sariling bahay.
31:21At abala
31:21sa iba't ibang proyekto
31:22si Shubi
31:23kabilang na.
31:24Ang seriang
31:25Master Cutter
31:26kung saan makakasama niya
31:27si Capucer Prime Time King
31:29Ding Dong Dantes.
31:31Narito
31:31ang showbiz saksi
31:32ni Aubrey Caramper.
31:33Magbabalik sa Primetime
31:40ang Kapuso
31:40Primetime King.
31:41Two years mula
31:43noong subaybayan
31:43ng sambayana
31:44ng kwento
31:45ni Napoy Royales
31:46sa Royal Blood.
31:48Aabangan naman ngayon
31:49si Ding Dong Dantes
31:50sa panibagong series
31:51na Master Cutter.
31:53Very interesting title.
31:55Very interesting concept.
31:57Siyempre isang
31:58something na bago
31:59para sa television.
32:01Kaya sobra ako
32:02excited din.
32:03Makakasama ni Ding Dong
32:04ang dati na niyang
32:05nakatrabaho
32:06na si Max Collins.
32:08Gayun din
32:08si na Joe Berry,
32:09Tonton Gutierrez,
32:11Joey Marquez,
32:12Paulo Ravales
32:13at ang ex-PBB housemates
32:14na sina Shubi Atrata
32:16at Charlie Fleming.
32:17Actually,
32:18kailan lang po
32:18parang nag-usap kami
32:19sa loob ng PBB
32:20saying na
32:21we want to work together.
32:23Sa hiwalay na event
32:24shinere ni Shubi
32:25ang kanyang latest goals.
32:27Nagsisipag daw si Shubi
32:28para sa kanyang mga kapatid.
32:31Goal daw niya
32:31na magkaroon sila
32:32ng sariling bahay.
32:34At ngayong kumikita na
32:35masino pa rin
32:36ang island ate
32:38ng Cebu
32:38at imbes na luxury items
32:40ay lupa raw
32:42ang kanyang binili.
32:43Ang sa akin na lang
32:44bibiling ko yun ang lupa.
32:46Mura lang lupa
32:46so mas lupa po ako ngayon
32:48and more on saving.
32:50Hindi lang on screen
32:51may ipinaglalaban
32:52si Tera Bianca Umali.
32:55Ikaw ang mamuli
32:55sa paglaligtas
32:56ng Incantatia.
32:57In real life,
32:58advocate si Bianca
32:59para sa breast cancer awareness.
33:02Sa isang panel,
33:03ibinahagi ni Bianca
33:04ang kahalagahan
33:05ng screening
33:05at early detection.
33:08It's because
33:08I lost my mom
33:09to breast cancer
33:10when I was five.
33:11Mahalaga sa akin
33:12to spread awareness
33:13of what self-care
33:15and what
33:15women's health
33:16really means.
33:17Especially to the
33:18younger generation
33:19because
33:19I wouldn't want
33:21any other
33:21little girl
33:23to go see
33:25what I went through.
33:27Sa Toronto, Canada
33:28naman,
33:29nagpasaya
33:29ng mga kapuso abroad
33:30si kapuso
33:31primetime action hero
33:32Ruru Madrid.
33:38Kasama niya
33:39si Beauty Empire star
33:40Kailin Alcantara.
33:41Ang komedyanting
33:47si Pepita Curtis
33:48at comedy queen
33:50ay Ayda Las Alas.
33:56Walang palya
33:57sa performances
33:58on stage
33:59para sa
33:59Sparkle World Tour
34:01Taste of Manila
34:022025.
34:03Sa New Jersey,
34:04USA naman,
34:05nagperform
34:05si Cruise vs Cruise star
34:07Vina Morales.
34:08Para yan sa Fiesta
34:17in America
34:182025.
34:20Para sa GMA
34:20Integrated News,
34:22ako si
34:22Aubrey Carampel
34:23ang inyong saksi.
34:30Mga kapuso,
34:31kayo ba ay
34:32Skibidi
34:33o Delulu?
34:34At ano
34:35ang napupusuan
34:36ninyong
34:36inspo?
34:37Nakapasok po
34:39kamakailan
34:40ang mga salitang yan
34:40sa Cambridge Dictionary.
34:43Saksi,
34:44si Nico Wahe.
34:47Skibidi,
34:48Delulu.
34:50Look
34:50ng spelling
34:51ay
34:52L-E-W-K
34:53at
34:54Tradwife.
34:56Ano rao?
34:57Alam mo ba
34:58kung ano yung Delulu?
34:58Hindi ko alam yung Delulu.
35:00Pula lang sir,
35:01ano yung tingin?
35:02Delulu,
35:03parang medyo
35:04ano,
35:05lutang,
35:06ganun siguro.
35:06Wismu ba nose?
35:08Este,
35:09hindi mo ba alam?
35:11Ang mga nauusong
35:12terminong yan
35:13online
35:13nasa Cambridge Dictionary na.
35:16Ilan lang sila
35:16sa libu-libong salitang
35:18isinama kamakailan.
35:20That's so
35:20Skibidi,
35:21ika nga
35:22ng mga
35:22gen alpha.
35:24Pero ano nga ba
35:24ang kahulugan
35:25ng salita?
35:26Ipinasubok namin
35:27sa mga kapuso
35:28online.
35:29Use Skibidi
35:30in a sentence.
35:32Ayon sa isang netizen,
35:33pwedeng sabihin,
35:34ang ganda,
35:35Skibidi.
35:37Kapag ganyan daw,
35:38ibig sabihin,
35:39ay talaga namang
35:40napakaganda
35:40ng tinutukoy.
35:42Ginamit din ito
35:43noong nakaraang taon
35:44nang binatil yung kapitbahay
35:45sa isang episode
35:46ng Pipito Manaloto.
35:48Nananadya ka ba?
35:49What the sigma?
35:50Ate Clarissa,
35:51you're so Skibidi.
35:52Eh kung Skibidiin ko yung mukha mo,
35:54magsori ka nga.
35:55Ayon sa Cambridge Dictionary,
35:57sari-sari
35:57ang kahulugan
35:58ng Skibidi.
35:59Pwedeng cool,
36:00pwedeng bad,
36:01o hindi maganda.
36:02At pwede rin slang
36:03na ginagamit
36:04lamang sa biro.
36:06Nabuuro ito
36:06dahil sa animation
36:07na nag-viral online.
36:09Ito namang isa,
36:10tila maraming
36:11makakarelate.
36:13The word,
36:14Delulu.
36:15Use Delulu,
36:15na siya?
36:16Um,
36:17super Delulu
36:17ko sa mga idols ko.
36:19Napahugot
36:20ang isang netizen.
36:21Akala raw
36:22ay mahal siya.
36:23Pero,
36:23Delulu lang pala niya yun.
36:25Go lang
36:26sa pagiging Delulu
36:27ang isa pa.
36:28Na-crush din siya
36:28ng crush niya.
36:30Isa pang example
36:31ng pagiging Delulu,
36:32naniniwalang iibig
36:34sa kanya
36:34ang sikat na artista.
36:36Pasok yan
36:36sa kahulugang
36:37nasa Cambridge Dictionary
36:38na ang Delulu
36:39ay isang forma
36:40ng salitang delusyonal.
36:42Ito ay pagpiling maniwala
36:44sa isang bagay
36:44na hindi naman totoo.
36:46Aray naman.
36:48Iba yung mundo mo
36:49sa totoong reality.
36:50Finipid mo yung sarili mo
36:51nang hindi naman
36:52yun yung actual
36:53na nangyayari.
36:54Ayon sa ilang kapuso online
36:55ng Tradwife
36:56ay asawang piniling
36:58gampanan
36:58ng traditional gender roles
37:00o maging housewife
37:01at maging in-charge
37:02sa gawaing bahay
37:03at suportahan
37:04ng kanyang kabiyak.
37:06Ganon din naman
37:06ang nakasaad
37:07sa Cambridge Dictionary.
37:08Yung Tradwife,
37:09alam mo?
37:10Traditional wife?
37:12Pero may dagdag
37:12na ipinopost
37:13ng traditional wife
37:14sa social media.
37:15Ang pagluluto,
37:17paglilinis
37:17at pag-aalaga
37:18sa kanyang mga anak.
37:19Isinama rin ka makailan
37:21ang salitang
37:22L-E-W-K
37:23Look
37:24na ibang forma lang
37:25ng L-O-O-K
37:27look
37:27o itsura
37:28sa Ingles.
37:29Ibig sabihin
37:30ay style,
37:31fashion
37:31o outfit
37:32lalo na
37:33kung kakaiba.
37:34Taog na iyan
37:34ang inspo
37:35short for inspiration
37:37o yung mga bagay
37:38na gustong gayahin
37:39gaya na lang
37:40ng mga nauusong
37:41OOTD
37:42o outfit of the day.
37:43Kakaiba man
37:44sa pandinig,
37:45patunay lang yan
37:46na nagbabago
37:46ang wika
37:47sa paglipas
37:47ng panahon
37:48at lalo na
37:49sa iba-ibang grupo
37:50o henerasyon.
37:51Dati pang sinabi
37:52ng isang lingwista
37:53na malaki ang papel
37:54dyan ng social media.
37:55May futility
37:57of resistance eh.
37:58Akala natin
37:59na pangit
38:01o maganda.
38:02Hindi eh.
38:04Maski anong gawin mo,
38:06mag-e-evolve
38:07at mag-e-evolve
38:08yung mga groups,
38:10mga social groups
38:11na yan
38:12ng kanikanilang
38:14vocabulary
38:15nagiging
38:16mas mapanlikha
38:17because of
38:19social media
38:21na-demokratize
38:23na
38:23ang
38:24media.
38:27Maski sino
38:28pwede
38:28nang mag-post.
38:29Para sa
38:30GMA Integrated News,
38:31ako si Nico Wahe,
38:32ang inyong saksi.
38:35Nakaranas
38:35ng pagbaha
38:36at paguhon
38:37ng lupa
38:37sa Zambuagagal Norte
38:39dahil sa mga pagulan.
38:40Halos umabot
38:41sa tuhod
38:42ang baha
38:42sa ilang lugar.
38:43At nagmistulang ilog
38:45na rin
38:45ang ilang kalsada
38:46kaya nahirapang
38:46tumawid
38:47ang ilang motorista.
38:49Naperwisyo rin sila
38:50ng pagguho
38:51ng lupa
38:51na humambalang
38:53sa daan.
38:54Ayon sa pag-asa,
38:55localized thunderstorms
38:56ang sanhin
38:57ng mga pag-ulan.
38:59May panibagong
39:00sa manang panahon
39:01na posibleng
39:01lumapit sa bansa.
39:03Huling na mataan
39:04ang low pressure area
39:05o LPA
39:05sa layong
39:061,120 kilometers
39:08silangan
39:08ng eastern Visayas.
39:10At sa latest
39:11forecast ng pag-asa,
39:12posibleng itong
39:12pumasok sa
39:13Philippine Area
39:14for Responsibility
39:15bukas
39:15at may chance
39:16na rin
39:16maging bagyo
39:17sa mga susunod
39:18na araw.
39:19Sakaling matuloy,
39:20papangalanan
39:20itong Bagyong Isang.
39:23May chance
39:23ang tumbukin
39:24nito
39:24ang Northern Luzon.
39:25Wala pa itong
39:26direct ng epekto
39:27sa bansa
39:27at lumabas na rin
39:28ng PAR
39:29ang Bagyong Waning.
39:30Sa ngayon,
39:31easterlies
39:31at localized
39:32thunderstorms
39:33ang naka-apekto
39:34sa bansa.
39:35Basta sa datos
39:36ng Metro Weather,
39:36may chance
39:37ng ulan
39:37sa umaga
39:38sa Palawan,
39:39Bicol Region,
39:40ilang bahagi
39:40ng Visayas
39:41at Northern Portion
39:42ng Mindanao.
39:43At sa hapon,
39:44posibleng na rin
39:44ulanin
39:45ang Northern
39:45and Central Luzon,
39:46iba pang bahagi
39:47ng Mimaropa,
39:48pati na sa Calabar Zone.
39:50May malalakas na ulan
39:51kaya doble ingat
39:52mga kapuso.
39:53Mataas rin
39:54ang chance
39:54ng ulan
39:55sa halos buong
39:56Visayas
39:56at halos buong
39:57Mindanao.
39:59Malinsang naman
40:00sa Metro Manila
40:00pero posibleng pa rin
40:02ang thunderstorms
40:03ilang bahagi
40:03lalo na
40:04sa hapon o gabi.
40:05Animoy sa gala
40:13ang idinaos
40:14na mass wedding
40:14sa Talisay City,
40:15Negros Occidental.
40:17Nag-convert kasi
40:18ng iba't-ibang forma
40:19ng bridal car
40:19na may sari-sari
40:20rin kulay
40:21at disenyo.
40:22May mga magsing-irog
40:23na lulan ng tricycle
40:25at ang iba,
40:26groom na mismo
40:27ang driver.
40:29Sa isang motorsiklo,
40:31naka-backride
40:32ang bride.
40:33Mga dahon naman
40:34ang palamuti
40:34ng malafloat
40:35na sinakyan
40:36ng isang pares.
40:37Kasali rin
40:38ng ilang kalesa
40:39at sasakyang
40:39hila-hila ng kalabaw.
40:41At sa chaplain
40:42ng simbahan
40:43ng ilan sa mga sasakyan
40:44ay sumisimbolo
40:45sa kabuhayan
40:46ng bride
40:46at groom.
40:54Viral online
40:56ang mga nakatutuwang
40:57video
40:57ng isang OFW
40:58sa New Zealand
40:59na nakikipag-kaunchawan
41:02sa mga alaga niya
41:03ang
41:03baka
41:04o cow.
41:05Ang OFW na si Riri
41:07may pa-quick
41:08muting
41:09with them.
41:14After inyong katasan,
41:15lahat kayo
41:16mag-stay nuna
41:16kayo sa barn.
41:18After yung minting,
41:19alinilus na kayo
41:20sa kakada.
41:24It's not a good excuse.
41:25Sa sobrang close
41:30na ata ni Riri
41:30sa kanila,
41:31e ba?
41:32Mukhang
41:32nagkakaintindihan na sila.
41:34At hindi lang sila pala
41:35cow parade setup.
41:37Palaban din sila
41:38sa choir
41:39kasama siyempre
41:40ang kanilang
41:40conductor.
41:42At maging
41:43ang mga
41:43cow pit
41:44bahay,
41:45hindi rin
41:46nakaligtas.
41:47Gentle,
41:48kind,
41:49at matalino raw
41:50ang mga baka.
41:50At dagdag pa ni Riri,
41:53mahal niya
41:53ang mga alaga
41:54at malaki
41:54ang pasasalamat niya
41:55dahil nagkaroon siya
41:56ng maayos
41:57ng trabaho.
41:58Awe.
41:58Kampo.
41:59Sarang gusto ko na
42:00naman maging magandang
42:00pintaan ko.
42:05Congratulations sa iyo,
42:08Riri.
42:09At sana ma-enjoy mo
42:10ang iyong
42:11pakikipag-usap
42:12at pakikipag-mooting
42:14dyan sa New Zealand.
42:16At mga kapuso,
42:16salamat po sa inyong
42:17pagsaksi.
42:18Ako po si PR Canghel
42:20para sa mas malaki
42:21misyon
42:21at sa mas malawak
42:23na paglilingkod
42:24sa bayan.
42:25Mula sa GMA Integrated News
42:26ang news authority
42:28ng Pilipino.
42:29Hanggang bukas,
42:31sama-sama po tayong
42:32magiging
42:32Saksi!
42:40Mga kapuso,
42:42maging una sa Saksi.
42:43Mag-subscribe sa GMA Integrated News
42:45sa YouTube
42:46para sa ibat-ibang balita.
42:50Muga
42:51mga kapuso,
42:52ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma-ma.
42:56Muga
42:56mga kapuso,

Recommended